ISANG linggo ang matulin na lumipas simula ng mailipat si Gale sa observation room. At kahit isang linggo na ang lumipas ay nasa dibdib ko pa rin ang takot kapag pumapasok ako sa silid niya para bisitahin siya. Tulad ngayon. Nakasuot ako ng green hospital gown, gloves at mask at nilagyan rin ako ng sanitizer bago ako payagang pumasok. Nangangatog ang mga tuhod ko habang humahakbang papalapit sa kanyang nakaratay na katawan. Walang malay at may kung ano anong aparato ang nakakabit sa katawan niya, sa bibig, sa mga braso, sa leeg at ulo. May benda rin ang kanyang mga mata. At parang mga patalim na minu-minutong sumasaksak sa puso ko ang bawat pagtunog ng mga aparato sa paligid niya. Umupo ako sa bakanteng upuan na nasa harap niya at wala akong kakurap kurap na tumitig sa ICU monitor, nang

