SABAY sabay kaming napatingin sa pagbukas ng emergency room at lumabas doon ang isang doctor makalipas ang ilang sandali. Halos mag-uumaga na at hindi ko alam kung gaano kami katagal naghintay sa labas ng ER. "Pamilya ng pasyente?" Bungad nito. Agad akong napaalis sa pagkakasandal sa pader at lumapit sa kanya gan'on din ang mga kapatid ko at si Anton. "Kami ho ang pamilya." Sagot ko. Tumango ito at pinagmasdan kami sandali bago tumikhim at nagsalita. Samantalang ako ay hindi alam kung saan isisilid ang kabang namamayani sa dibdib ko. Kinakabahan ako sa maaari niyang sabihin, baka hindi ko kayanin. Damn! This is so gay! "Gunshot in head is really critical, napakadelikado kapag ang tama ng bala ay sa ulo." Panimula niya habang kami ay tahimik na nakikinig, dinig na dinig ko ang t***k ng

