TILA pinagkaitan ako ng paghinga ng makita ang pagbagsak niya sa katawan ko. Puno ng dugo ang buong mukha at hindi ko na makilala. Nanginginig ako at hindi makagalaw dahil sa sobrang takot na lumukob sa sistema ko. Nagsisigaw ako at pinipilit siyang padilatin ang mga mata niya pero wala hanggang sa nagsidatingan na ang mga taong nasa loob ng bahay. "Putangina! Tarinio secure the premises hanapin mo ang sniper!" Dinig ko sigaw ni Anton, may hawak itong baril at tila handang pumatay ng makitang nakahandusay ang katawan ni Gale. "Kumuha kayo ng sasakyan!" Sigaw muli niya habang ang ay nanginginig ang buong katawan na niyakap ng mahigpit ang duguang si Gale. Sarado ang isip ko at hindi ko alam ang gagawin. Mas lalong dumagsa ang luha ko habang nakikita ang kalagayan niya. My heart ached. P

