Ang pinakamasakit na parte sa pagkatao ko ngayon ay ang puso ko, ayaw sumuko ng puso ko pero iyon ang gusto ng isip ko at for the first time simula ng mahalin ko si Third ay ang utak ko ang nasunod this time. Sa lahat ng laban na sinuong ko ngayon lang ako sumuko, hindi ako umaatras sa kahit anong uri ng baril at patalim. Nakikipagpatayan ako dahil ayokong matalo ng kahit na sino pero ngayong bigong bigo ako sa pag-ibig ay tinatanggap ko ng talo ako. Napatunayan ko na ang pinakamakapangyarihan talagang pakiramdam sa mundo ay ang pag-ibig. Kahit gaano ka kalakas ay magagawa ka nitong maging mahina. Kahit gaano ka katapang nagagawa ka nitong maging duwag. Kahit gaano ka katalino ay nagagawa ka nitong maging tanga. That's love. Malalaki ang mga hakbang na ginawa ko para agad na makalabas

