"So how did it go?" tanong sakin ni luke. Kakatapos ko lang mag pasa ng mga natitira kong requirements sa university for scholars. Sana pumasa ako para less gastos ako dito. Nakakahiya naman kala mama lumipat na nga ako gagastos pa ako ng tuition fee na pagka mahal mahal. Buti pa yung tuition mahal. "Ayos naman, sana pumasa." i buckled my seat belt and smiled at him. "May aasikasuhin ka pa ba?" tanong niya sakin. "Gusto ko sana humanap ng unit. Yung malapit dito sa school. Nakaka hiya naman kasi kung mag s stay ako ng matagal sa bahay mo." "Ayos lang naman sakin na nandun ka ah" sagot niya. "Kahit pa. I need to be an independent woman ya know." "Ok fine. Hahanap tayo ng malapit dito sa university para hindi ka na mahirapan." Ngumiti lang ako sakanya at nag scroll sa social media.

