Prolouge
Message for him:
To the man ive loved before,
Sana mabasa mo to. I just wanted you to know na sobrang minahal kita noon, hanggang ngayon naman. Thats why im writing this book for you. Sorry sa mga nagawa kong mali noon. Kahit hindi mo sabihin alam kong may pag kukulang ako kaya nga hinanap mo sa iba e charot. I wish you happiness and sana hindi ka iwan ng taong pinili mong mahalin ngayon. Sorry kung hindi ako lumaban. Sorry kung tuluyan mo na napasuko yung babaeng ayaw kang sukuan. I love you still, and i always will. But this needs to change. I love you be. And i will always be here to support you.
Meron talagang taong biglang dadating sa buhay mo para guluhin ka.
Meron ding papasok lang sa buhay mo tapos pag buo na aalis na ulit.
Meron din naman taong bubuohin ka.
May mga tao din namang aalis tapos babalik kasi alam nilang mahal mo siya.
Pero alam mo yung masaklap sa lahat?
Yung taong bumuo sayo at binuo mo. Yung taong tumanggap sayo at tinaggap mo. Yung taong dahilan ng mga ngiti mo. Un din pala yung taong dudurog sayo.
Alam mo yun? Yung tipong ipaparamdam niya sayo na ikaw na talaga gusto niya makasama sa lungkot at saya, sa hirap at ginhawa. Pero ung totoo? Nandun lang pala siya para sa saya.
Wala kang magagawa e, Mahal mo yung tao. Kaya kahit anong gawin niyang mali. Kahit paulit ulit pa yan. You will still accept him/her. Kasi nga mahal mo.
Hindi naman katangahan o karupukan yun e. Tawag dun true love.
Pero pwede din namang one sided love lang. Yung tipong ikaw lang nag mamahal sainyong dalawa.
Saklap nun no? Gusto mo ipag laban yung tao pero siya mismo ayaw. Yung pinipilit mo sarili mo sakanya.
Kagaya nga ng laging sabi ni mom
"Love is unconditional".You can love someone but not everyone you choose can love you back. (vice-versa)
You can commit the same mistakes twice but its up to you or your partner if they can give you another chance.
The worst part is,
Your partner can be happy while your still stuck in the past.
Hi im Sharmain Mendoza,
Nag mahal, nasaktan , nag mahal ulit basta paulit ulit yan HAHAHA. This is my unconditional love.
Naks lakas maka essey HAHAHAH charot.
"HOY SHA SHA NAKA TULALA KA NANAMAN"' sigaw sakin ng kaibigan kong si selena.
"Ano ba kasi problema mo?" tanong ko sakanya sabay dutdot ng fries sa ice cream. O bakit? Weird man sa iba pero masarap siya parang ako chos.
"Tinatanong kasi kita kung nakita mo si camilla punyeta na nasa kalawakan nanaman utak mo haa!" malakas niyang sambit habang may nginunguya na burger.
"Kadiri ka. Dont talk when your mouth is full tsk." tinarayan niya ko sabay nag patuloy sa pag nguya ng kanyang kinakain.
"Shaaaaa gagi gagi!"- camilla.
"tangena naman neto bigla bigla nasulput!" nabibilaukang sambit ni selena.
"oh ano nanaman problema mo ha? Mam buburaot ka nanaman ba"' tanong ko sakanya habang natawa.
"hindi gagi may nakita akong pogi sa campus kanina!" amp un lang pala sisigaw sigaw pa si gaga naku naman.
"wala naman bago dun a madami naman talaga pogi sa campus kagaya nalang ng kuya ni sha sha." sagot naman ni selena.
"na popogian ka sa unggoy na yon!?" -camilla.
"pwede ba kung mag uusap kayo hinaan niyo lang parang taga bundok ha" na iirita kong sagot sakanila.
"tara na nga pasok na tayo baka di pa tayo makapag moving up ." -selena.
Nag lakad kaming tatlo mula sa mcdo hanggang sa campus. Walking distance lang naman e pati nadin mga mall kaya madali mag cut classes dito.
"goodmorning ms. Shasha" bati ng campus guard.
"magandang umaga din mang ador." bati ko pabalik.
"Ayan na nga ang binibining palangiti ng sta clara." -selena.
"Sorry di ako naka habol sa mcdo kanina. Nag luto ng almusal si mommy e." naka ngiting sambit ni sammantha.
"Ayos lang yon. sa susunod nga mag text ka buti hindi kami nag hintay don." -camilla.
"Aww nag tatampo cammy ko HAHAH osige na mamaya sagot ko na meryenda natin."-sammantha.
"Sana lagi ka nalang late. Charot HAHAH o tara na baka ma late na talaga tayo."
Nag lakad kami papunta sa kanya kanyang room. Ang mag kaklase ay si camille at si sammantha. Habang ang kaklase ko naman ay si selena.
First and second period went well not until,
"So your the new guy here. Take your seat mr. clifford and friends. first day niyo palang dito late na agad kayo." galit na sambit ng aming prof.
"Sorry mrs. cruz, hindi na po mauulit eto kasing si luke e nagutom." nakangiting sambit ng isang lalaki.
"Since bago kayong tatlo dito. mind if you introduce yourself sa buong klase?" tanong ng aming prof sabay upo sa desk nito sa harap ng room.
Tinignan ko ang isa sa tatlong lalaki. Moreno ito at matangkad. Siguro basketball player to. Kulay itim ang buhok nito. what made him even more attractive was his blue eyes. blue crystal eyes.
"Hi im Luke Amherst ,17. Half filipino half aussie."
Kaya pala blue mata niya. Half aussie naman pala.
"Sila siguro sinasabi ni cammy no?" bulong sakin ni selena.
"Hi im Andrew Smith erm 17 pure filipino." sabi naman nung lalaki sa kaliwa ni luke.
"Hola amigos and amigas im Charles clifford 17, half filipino half tarantado."
"Maupo na kayong tatlo. As i was saying." nag patuloy sa pag di discuss ang aming prof kahit maingay ang tatlo sa likod.
*BELL RINGS*
"Sa wakaaaaass tapos na din ang klase" nag unat unat si selena bago kunin ang phone sa bulsa.
"Flowers for you." sambit ni charles sabay aboty sakin ng bulaklak na gawa sa papel.
"pakboi na pakboi HAHAHA"-andrew.
"uhm salamat hehe."
"Wala yon. sige una na kami see you tommorow."-charles.
"ehem baka naman kahit isa lang sakanila." pasimpleng dali sakin ni selena.
"Kahit sayo na silang lahat ok lang HAHAHAH issue mo masyado. tara na nga nag hihintay na yung dalawa satin sa baba."
Nilagay ko ang bulaklak sa bag ko at nag lakad papunta sa labas ng room.
"EEEKKKK GUESS WHAAATTT!" sigaw ni camilla habang talon ng talon.
"Nako ano nanaman yon?"
"Kaklase namin yung tatlo sa anim na transferee yiee"- camilla
Anak ng tipaklong. Hindi lang tatlo yung mga kupal na yon? Anim pa. Wala na bang mas mamalas pa?
"Oh bat na tulala tong isa?" - sammantha.
"Pano kasi binigyan ni charles ng bulaklak na papel"-selena.
"WAHHH MAMA BAKA NAMAN SHAAA KAHIT ISA LANG SAKANILA MASAYA NAKOOO"- camilla
"Mag tigil nga! umuwi na tayo. Masyado pako madaming gagawin."
Wag naman sana mang gulo yung mga tukmol na yun sa buhay ko.