DISCLAIMER: THIS CHAPTER IS UNEDITED SO THERE MIGHT/WILL BE SOME ERROR SUCH AS (NG, NANG, SA'AKIN ETC). ALL CHAPTERS WILL BE EDITED WHEN THE STORY IS DONE.
This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
The next day
"Hoy babae bumangon ka na dyan. Baka ma late ka pa." pang gigising sakin ng kuya ko.
"Kuya naman e matuto ka nga kumatok tsaka sabi ko si manang gigising sakin e!" napakamot nalang ako sa ulo ko sabay bangon.
"Balita ko may transferee kayo this school year ah. Totoo ba?" tanong nito sakin sabay upo sa dulo ng kama ko.
"'O...oo bakit? Ano naman kung meron?" pananaray ko dito.
"Ginugulo ka ba?" teka pano? hindi. Imposibleng malaman ni kuya yon. Baka nag iisip nanaman to ng kung ano ano. Aishhh ano baaa erase erase.
"Hindi. Kung meron man nang gugulo dito ikaw yon kaya lumabas ka na at mag aayos nako."
"Ewan ko sayo. Bilisan mo at nag luto si mama ng almusal." tumayo ito mula sa kanyang kinakaupuan tapos nag lakad papunta sa pinto.
Tumayo ako mula sa aking kinaupuan at inayos ang aking higaan. Pagkatapos nito ay agad akong pumasok sa cr upang maligo. Agad akong nag patugtog ng LANY habang naliligo. after 30 minutes. yes 30 minutes ako maligo bakit ba? Para siguradong malinis. sinuot ko ang aking uniform at kinuha ang mga gamit ko upang maka baba nako.
"Goodmorning sa aking prinsesa." bati sakin ni mama.
"Goodmorning din ma"
"Ang bango bango naman ng baby ko." sambit nito habang niyayakap ako.
"Kadiri naman ang aga aga." reklamo ni kuya.
"Inggit ka lang mabaho ka lang e HAHAHAH" pang asar ko dito.
"osya mag almusal na kayo at papasok nako sa trabaho. At ikaw lalaki ka wag ka na mag papalate. " sambit ni mama bago umalis ng dinning room.
Pag katapos ko kumain ay agad akong tumayo at nag paalam na kay kuya.
"Gusto mo ihatid na kita?" tanong sakin ni kuya.
"Wag na. Kaya ko na. Umakyat ka na don at mag ayos baka ma late ka pa. Byeee"
Agad akong sumakay ng sasakyan at nag pahatid kay manong sa school dahil wala pakong 18 kaya hindi pako pwede mag maneho ng sasakyan.
"Sabi na nga ba si sammantha nanaman huling dadating e." natatawang sabi ni selena pag baba ko ng sasakyan.
"Kay gandang babae ka kupad kumilos."-camilla.
"Iniistress niyo lang sarili niyo dadating naman yon."
"Ayan na nga speaking of the devil."- selena.
"Hindi ako late. Huli lang ako dumating. Mag kaiba yon."-sammantha
"Hay nako sam HAHAHA tara na nga."
*after 3 periods*
"Look, the b***h is marking her teritories again." bulong sakin ni sammantha sabay turo sa kinauupuan nila charles.
"Pabayaan niyo na yan si Rene. Wala naman akong pake dyan."
Rene Asoncion, a certified queen b. Maganda nga pangit naman ugali. Napaka plastic pa sarap itapon sa basurahan e.
"Pero dati meron."- selena
"Hoy foul yan selena."camilla.
"Ay sorry akin. Nakaraan na nga pala yon."- selena.
"Kung hindi dahil sa babae na yan buhay pa sana si kuya ngayon." magkahalong lungkot at galit ang tono ni sammantha.
Cloud Ramirez, kuya niya. he died in a car accident last year. How do i know? Lets just say that me and cloud were close back then. The rest is history. History that will forever remain in my heart. Not because of how close me and cloud was, but because of the pain and happiness it caused .
"Hayaan niyo na. nangyari na yung dapat mang yari" ngumiti ako sakanila sabay kagat sa burger.
"Hello sainyo pwede ba ako maki upo?" nakangiting tanong ni andrew.
"Oo naman pwedeng pwede" kinikilig na sagot ni camilla.
"Hoy drew nang chi chixx ka dyan ha sama ako!" sigaw ng isang lalaki sabay upo sa tabi ni andrew.
"Hi ako nga pala si Eric Vergara. Ric nalang for short hehe"
"Hello sainyo" bati ni charles sabay upo sa bakanteng upuan.
"mukhang kaylangan na natin ng malaki laking table para kasya tayong lahat ah." natatawang sabi ni andrew.
"Ano ba kaylangan niyo?" naiirita kong tanong sakanila.
"wala naman gusto lang namin makiupo dito bawal ba?"- andrew.
"hindi naman bawal sadyang may topak lang si sha sha kaya ganyan yan." -sammantha.
"Makikiupo na din kami ha?"- humila silang tatlo ng upuan sabay upo sa tabi namin.
"Masaya to. The more the merrier." naka ngiting sabi ng isang lalaki.
"ay oo nga pala ako si Lance Felix. Kaklase kita diba?" tanong ni lance kay sammantha.
"ah oo." naka ngiting sabi neto.
"Hindi niyo ba nagustuhan presence ni rene?" tanong ni selena.
"Maganda siya pero. Maldita hindi pwede yon samin"- sagot ni luke sabay ngiti.
The way he smiles, He smells, his looks. Hindi to pwede. No, nag iisa lang si cloud wala siyang katulad.
"Sana ayos ka lang sha." -camilla.
"Ah excuse me. Mag c cr lang ako." Nag madali ako tumayo at mag lakad papunta sa cr.
"Arrghhh sha sha ano ba nang yayari sayo? Umayos ka nga" sabi ko sa sarili ko habang naka tingin sa salamin ng cr.
"Well well well look who we have here." napalingon ako kung sino nag salita.
"Kaya pala ang baho. May basura pala dito" sagot ko naman.
"Baka sarili mo na aamoy mo HAHAH. Anyways i see close kayo nung mga bago huh." sabi naman ni rene.
"Hands off my man. Kapag akin, akin lang alam mo yan." sabi nito sabay hugas ng kamay.
"Nakita mo?"
"Oo kitang kita ko."-rene.
"Oh? Nakita mo pake ko? Saan? Alam ko wala na yon e." sagot ko sabay lakad palabas ng cr.
"Oh bat naka kunot noo mo" tanong ni sammantha pagka upo ko.
"Rene." sagot ko sakanya.
"That b***h. Ano ginawa sayo?"- selena.
"kalma kaya ni shasha sarili niya."- camilla.
"Aba mga amazona pala to HAHAHA"-andrew.
"Alam niyo tara na. Baka ma late pa tayong lahat." Nag lakad kaming lahat papunta sa mga room namin at nag aral ng mabuti.
"Tahimik ka kumpara sa iba." bulong ko sa sarili ko habang nakatigin kay luke habang nag rereport sila nila charles sa harap.
"Ayan ha pasimpleng tingin kay luke. Ipapa alala ko lang sayo. Luke yan hindi ano."- selena.
"Nakikita ko siya sakanya. Hindi ko alam kung bakit." malungkot kong saad.
"Namimiss mo lang yun kaya ganun."- selena.
"Siguro nga na miss ko lang yung tukmol na yun."
Alam kong masaya ka na dyan sa langit. Pero ma aari mo ba akong dalawin sa aking panaginip?