“Alam mo sha napapa dalas na pagiging tulala mo simula kaninang recess” sambit ni andrew habang nag lalakad kami palabas ng room.
“May na mimiss kasi yan”- selena.
“Bakit hindi mo puntahan sa bahay nila?” sabi naman ni luke.
“Kung pwede lang. Kung nandun lang siya hindi nako umalis sa tabi niya.”
“Bakit? Asan ba siya?”- Charles.
“Alam niyo bilisan na natin kasi hinihintay na nila tayo.”-selena.
Nag lakad kami papunta sa parking lot kung saan nandun sila sammantha at ang iba pa.
“Alam mo malapit nako mag alala”- sammantha.
“No ok lang ako. Nagugutom lang ako.”
“Tara sa glorietta. Kain tayo sa Sbarro.” yaya ni selena.
Natapos ang araw namin at nag presenta si luke na ihatid ako sa bahay namin.
“Alam mo kaya ko naman umuwi mag isa. Hindi mo nako kaylangan ihatid.”
“Sabi ko kala cammy ihahatid kita diba bago tayo humiwalay sakanila. Tsaka hindi ugali ng isang ginoo ang iwanan ang isang binibini.” nakangiting sabi nito.
“Wow huh. Binibini ako pero kaya ko sarili ko thank you very much.” natatawang sabi ko.
“Pansin ko din kanina na tulala ka. Ok ka lang ba? Alam mo kapag may problema ka pwede moko pag sabihan.”- luke.
LUKE'S POV
“You really remind me of him” sagot ni sharmaine sabay ngiti payuko.
Halata mo sa mga ngiti niya na may kulang. May halong lungkot. Ano kaya dahilan nun?
“Of who?” tanong ko sakanya.
“Wala. Salamat sa pag hatid sakin.” wow so dito pala siya nakatira. Malaking bahay. Magarang mga sasakyan.
“Wala yun. Sige mauna nako. Goodnight.” ngiti ko sakanya sabay lakad palayo.
Meron talagang something sa babaeng yan na hindi ko ma explain.
Dumiretsyo ako sa bar malapit sa condo kung saan ako nag s stay.
“Luke my man! Nahatid mo ba?” tanong sakin ni andrew.
“Oo naman. Safe na safe.” naka ngiti kong sagot.
“Hatid sino? Hi baby.” tanong ni maria sabay halik sa pisngi ko.
“Whoah akala ko ba wala na kayo?”-Charles.
“Akala ko din.” malamig kong sagot.
“Well baby madaming namamatay sa maling akala.” -maria.
SHARMAIN'S POV
“Maaa im homee!” sigaw ko pag pasok ng bahay.
“Saan ka nanaman galing?” tanong sakin ni kuya.
“Nanaman? Ngayon lang naman ako umuwi ng ganitong oras” sagot ko sakanya.
“Abaa sumasagot ka na sakin ha halika ditto” akmang hahablutin niya ko para kilitiin ng biglang dumating si mama.
“Maaaaa si kuya oh! HAHAHAHA” sigaw ko sabay takbo sa likod ni mama.
“Mamaya na kayo mag harutan! Umakyat ka na doon at mag bihis. Sige na”- mama.
tumakbo ako papunta sa taas sabay lock ng pinto sa kwarto.
*BEEP BEEP*
UNKNOWN NUMBER
Hey boo
who r u?
hey its me luke
pano mo naman nakuha number ko?
borrowed ur number from sam XOXO
yung babaeng un talaga kahit kaylan hindi mapag kakatiwalaan sa number ko. Kung kani kanino binibigay jusq.
Hey dont be mad shortcake
Shut up beanstalk
dwarf HAHA anyways. hows ur day?
did u had fun?
hope we made u happy
yeah thanks a lot. really apreciate it
anything for u shortcake ;)
'hoy babae bumaba ka na at kumain.'-kuya.
“eto talagang lalaking to hindi marunong kumatok kaya nga may pinto diba? para katukan. ano yan props? mygosh kuya you’re really getting into my nerves.” naiirita kong sagot sakanya.
“Alam mo kung hindi ka pangiti ngiti dyan sa cellphone mo at wala ka sa cloud 9 maririnig mo pati pag katok ni manang kanina pa.” sabi nito bago siya lumabas ng kwarto ko.
Kanina pa pala kumakatok yung mokong na yun. Luke kasi eh! nang gugulo na kayo masyado. Dapat na kayong itumba.
“Buti naman bumaba ka na sa cloud nine.” salubong sakin ni kuya pagka pasok ko ng dinning room.
“Ma oh si kuya papansin nanaman” tsk epal talaga tong lalaking to sa buhay ko.
“Pano kase yang anak mo ma. ngiti ng ngiti kanina. May man liligaw siguro yan ma” panunulsol neto kay mama.
“Talaga ba? may man liligaw ka anak? Sino yun?” tanong naman ni mama.
“wag ka nga maniwala dyan kay kuya ma. Sulsol lang yan.”
“Kaya pala may nag hatid sayo kanina na lalaki. Dyan pa sa tapat ng bahay oha sabihin mong hindi totoo.” tang*na talaga neto kalahi ni conan e.
“Totoo ba yun anak?” tanong naman ni mama.
“Ahh opo. pero kaibigan ko lang yun ma. Eto kasing si kuya msyado maissue. Hoy detective conan mag imbistiga ka muna bago mag sumbong. tsk papansin.” pananaray ko dito.
“Pag ingatin mo yan ma. Marupok pa naman yan HAHAHA” pang aasar neto sakin.
“HOYY FOUL NA YUN SAMUEL!”
Napatingin kami kay mama na naka ngiti samin habang nangingilid ang mga luha.
“Bakit po ma?”
“Wala. Masaya lang ako na makita kayong ganyan kasaya. Kahit wala ang papa niyo lumaki padin kayong mabubuting bata.” Pinunasan ni mama ang mga luha niya sa mata sabay ngiti.
“Pabayaan mo na yun ma. Masaya na yun sa buhay niya. Hindi ba't dapat tayo din?”- kuya.
“Kasalanan na ni papa yun kung hindi niya nakikita to. Kung gano kasaya tong pamilya na to.”
“Kahit ganun ang ginawa ng papa niyo wag kayo mag tatanim ng sama ng loob sakanya huh?” sambit ni mama.
“Opo mama.”
“Kumain na nga tayo at nang makapag pahinga na.” sagot nito sabay kuha ng kanin.
“Sino ba kasi yung lalaki na yun?” pangungulit padin sakin ni kuya habang nag huhugas ako ng plato.
Pinalaki kasi kami ni mama na marunong gumawa ng gawaing bahay. Oo may maid kami pero isa lang at yun si manang sally. Pero hanggang hapon lang si manang sally dito sa bahay at kapag sabado't linggo naman day off ni manang dahil gusto ni mama kahit nag t trabaho siya nagagawa padin niya yung mga dapat gawain ng isang ina.
“Wala nga kasi yun bakit ba ang kulit kulit mo ha?”
“Ayaw mo talaga sabihin huh? malalaman ko din kung sino yun. Tandaan mo may lahing detective conan ako.” pag babanta nito bago umalis ng kusina.
Wag lang talaga mag sasalita si selena. Crush niya pa naman si kuya. For sure isang tanong lang ni kuya sakanya mag sasalita agad yun.
Nag punas ako ng kamay bago patayin ang switch ng ilaw at umakyat sa kwarto. Ni lock ko ang pinto ng kwarto ko para sure na si manang ang gigising sakin bukas. si manang lang naman may susi ng kwarto ko e.
Kinuha ko ang isang picture frame mula sa drawer at tinitigan ang lirtrato dito.
Would you be happy for me? Or would you be mad at me knowing that i haven't moved on yet. I know your happy now. I miss you so damn much. Wish you were still here.