THE NEXT DAY
“Ang aga mo ngayon ah anong meron?” tanong ni selena kay sammantha na kakadating lang dito sa mcdo.
Dito kami sa mcdo nag kita kita dahil pare parehas kaming wala pang kain and besides maaga pa para sa first period namin.
“Nag babagong buhay na si sam. Kunwari hindi siya laging late HAHAHA” pang aasar naman ni camilla.
“May kasalanan kasi yan sakin eh kaya maaga pumasok.”
“Sorry na. May kapalit naman yun e HAHAHA” sagot naman nito.
*BEEP BEEP*
Beanstalk
hey shortcake goodmorning
Stop calling me shortcake
btw goodmorning to you too
but i love it when i call u shortcake shortstuff ;)
ugh f**k you
“ehem order ka nga ng isang luke dun sam” pang asar ni camilla.
“Kung di lang binigay ng isa dyan number ko edi sana mapayapa buhay ko diba sam?”
“What he reminds me of someone. Someone i miss alot.”-sammantha.
“Alam niyo umorder na tayo dahil may pasok tayo at nagugutom nako.” singit ni selena.
“Tara na nga nagugutom na din ako e”
umorder kami ng makakain at nag kwentuhan habang kumakain. Pagkatapos namin kumain ay nag lakad na kami papunta sa campus at pumasok sa kanya kanyang klase.
“May gagawin ka ba after class?” tanong sakin ni luke.
Last period na pala namin. Ganun padin naman nangyari kanina nung lunch break. We all ate together. Konting kwentuhan bago bumalik sa klase. Nothing new or weird happened.
“Wala naman.” sagot ko sakanya.
“Good. i want to show you something.” -luke.
“Ano yun?”
“Mamaya na. Promise hindi mo pag sisisihan.” sagot naman nito.
Also full of suprises tong lalaking to huh. May sayad din. Minsan tahimik minsan abno. Ewan ko ba siraulo ata tong lalaking to eh adik ata HAHAHA pero ok lang yun. Ayan na siya e wala na kami magagawa.
“iniisip mo ba kung ano un?” tanong sakin ni luke.
“Not really. Pero teka alam na ba nila sam?” tanong ko sakanya.
“Nope. Sayo ko lang gusto ipakita eh. Tsaka na siguro sakanila kapag tama na yung panahon.” nakangiting sagot nito.
Natapos ang aming klase at pinauna ni luke umuwi sila sam. syempre mga mokong laki ng tiwala kay luke kaya hinayaan nila ako na sumama kay luke kung saan man ako dadalhin nito.
“Saan mo bako dadalhin huh luke?” kanina pa kami naka alis ng campus. Luke has been driving for an hour now.
“Nandito na tayo.” sambit nito bago patayin ang makina ng kotse.
bumaba siya ng sasakyan.Syempre ayaw ko maiwan kaya bumaba din ako at sinundad siya. Lakas din ng tama nito e. May parking lot naman sa likod ng campus ng UP los banos dun pa sa malayo nag park.
Nag lakad kami ng ng lakad hanggang maka dating kami sa isang park. Teka parang pamilyar tong lugar na to.
“Dito ako lagi nag pupunta kapag gusto ko mapag isa o kaya may problema ako. Malamig kasidito makakapag isip ka pa ng maayos.” sambit nito habang nag mamasid sa buong paligid.
Galing nako dito hindi ako pwedeng mag kamali.
Nilapitan ko ang isang puno malapit samay swing at pinag masdan ito ng masinsinan. "C&S" naka ukit ito malapit sa ugat ng puno.
FLASH BACK
“Alam mo dito ako lagi kapag gusto ko mapag isa o kaya kapag may problema ako”' kitang kita ang saya sa mata ni cloud habang naka tingin sa mga ulap.
“Bakit moko dinala dito? May problema ka ba?” tanong ko sakanya.
“Nangako din ako na dadalhin ko dito ang babaeng gusto ko makasama sa hirap at ginhawa. Yung babaeng gusto ko makasama habang buhay.” sagot nito habang naka tingin sa aking mga mata.
“G... gusto mo ko makasama hanggang sa pag tanda?”
“Oo. Maaari mo ba akong samahan?” tanong ni cloud sakin.
“Teka. Pero bakit ako? Hindi ba't dapat yung taong mahal-“ hindi na natapos ang aking sasabihin nang bigla siyang sumingit.
“Mahal na kita sha. Mahal kita sa paraang alam ko. Matagal na kitang gusto sha pero hindi ko masabi sayo dahil nahihiya ako.” sambit nito habang naka tingin sa malayo.
“Mahal din kita cloud.”
“Totoo ba yan sha?” tanong nito sakin at kitang kita sa mga mata niya ang pagka galak.
“Oo totoo yun.”
“Dito sa punong ito iuukit ko ang initials natin huh. Gusto ko kapag naging tayo na babalik tayo dito upang i ukit ang date ng araw na yun at kapag naikasal na tayo iuukit din natin dito ang ating mga wedding vows.” nakangiting sabi nito habang inuukit ang mga letra sa puno.
“Dito nga yun.” naiiyak kong sambit.
“Dito ang alin?” tanong ni luke.
“Wala. Dito kasi ako dinala ni mama dati.” pag sisinungaling ko sakanya.
“Hindi ka magaling mag sinungaling sha. Pwede ka naman mag kwento sakin eh.” -luke.
Umupo ako sa isang swing at huminga ng malalim bago ikwento kay luke kung bakit alam ko ang lugar na ito.
“Kaya pala naka ukit ang mga initials niyo sa puno. Pero bakit walang date?”-luke.
Tumigil ang mundo ko at tuluyan nang bumuhos ang mga luha ko nang marinig ang tanong na yun. Yung tanong na yun ang dahilan kung bakit kaylan man ay hindi nako bumalik sa lugar na ito at walang kahit sino mang naka alam noon.
“Kasi hindi naging kami.”