"Hindi naging kami"
Ang sakit lang no? Hindi kayo umabot dun sa point na pwede niyo ipagdamot yung isat isa. Yung tipong pwede mo siya angkinin at tawaging sayo. You really love that person pero hanggang dun na lang yun. Hindi ko din alam kung bakit sinisisi natin yung mundo kahit kagagawan natin kung bakit ganun yung nang yayari satin. alam naman natin na pwede tayo masaktan pero still,nasugal tayo sa mga bagay na walang kasiguraduhan.
Siguro thats love no? Kahit pa walang kasiguraduhan sa pagka panalo o sa pagiging talunan we still manage to make ourself believe that it is real. That it is posible to win this game. Even tho it hurts we still fall inlove, unconditionally.
"Lagi lang ako nandito para sayo."- luke.
"Really?" tanong ko sakanya.
He smiled at me and said "Oo naman."
"Hanggang kaylan?" i asked again.
"Hanggang ma realize mo na may hangganan yang sakit na nararamdaman mo. Alam kong hindi ka nag sasabi pero kita ko naman yun e. Kita sa mga mata mo yung lungkot at sakit." sagot naman nito.
"Why are you saying that? Alam kong nag tanong ako pero bakit? Why are you telling me that you'll stay?"
"Because thats what i want to do. I want to stay with you. I want to be there for you." he answered.
"Pero bakit?"
"I dont know. I just want to."- luke.
"Alam mo tara na. Baka magalit na si mama anong oras na oh" tumayo ako mula sa kinauupuan namin at humarap sakanya.
"Basta lagi lang ako nandito para sayo. Tandaan mo yan." - luke.
Ngumiti ako sakanya at tumango. Sana nga lagi ka lang din nandyan. I dont know why pero i want you to stay.
Nag lakad kami pabalik ng sasakyan at bumyahe pabalik ng manila. Nag offer ulit si luke na ihatid ako sa bahay dahil siya naman daw nag yaya na pumunta kami dun.
"Salamat sa pag hatid luke." naka ngiti kong sabi sakanya.
"Sabi ko nga sayo diba lagi ako nandito tsaka ako nag dala sayo dun natural lang na ihatid kita sainyo."- luke.
"Sige na papasok nako sa bahay. Drive home safely. Goodnight"
"Goodnight din shortcake."-luke.
Tinarayan ko ito bago bumaba ng sasakyan. Hinintay niya muna ako maka pasok sa gate ng bahay bago tuluyang umalis.
"Saan ka naman galing haa?" Bungad sakin ni kuya pag bukas ko ng pinto.
"Ay kuki ka! BURAY! ANO BAAAA? BAT BA NANG GUGULAT KA HA?!"sigaw ko sakanya.
"Bat magugulatin ka? Ano kasama mo si luke?" takte pano nito nalaman?
"SI SELENA NAG SABI?" sigaw ko dito.
"Wag ka nga sumigaw tulog na si mama. Oo si selena nag sabi." sagot nama nito.
"Epal talaga yun." nag lakad ako papunta sa hagdan bago lingunin si kuya.
"Wala kang mapapala sakin HAHAHAHA" sigaw ko bago tumakbo papunta ng kwarto at nilock yun.
Nag palit ako ng pantulog ko at umupo sa kama. Kinuha ko ang frame na naka tago sa drawer at pinag masdan ito.
It still hurts be. I miss you so much.
Binalik ko ang frame mula sa pinag tataguan ko nito at humiga sa kama. Itutulog ko nalang to baka sakali mawala pa lungkot ko.
THE NEXT DAY
"Sha? Gising na anak. Ma ligo ka na at nag almusal. Baka ma late ka pa sa klase mo." pang gigising sakin ni manang.
Sa wakas nagising din ng hindi yung bisungot kong kapatid nang gugulo sakin.
"Buti naman hindi si kuya gumising sakin. Alam niyo po ba manang nung lunes pa po ako pinapalungkot ni kuya." sumbong ko kay manang para di siya gawan ng dinner mamaya muhahahahah.
"Pabayaan mo na yun. Nag papa painsin lang sayo yun. Bumangon ka na at maligo ako na mag aayos ng kama mo." ngumiti ako kay manang bago bumangon at pumunta sa bahanyo.
Naligo ako't nag ayos. Panibagong araw panibagong matututunan nanaman. Asan kaya si kuya? Hindi pa nang gugulo ah.Kinuha ko ang gamit ko at bumaba upang mag almusal.
"Mama si kuya?" tanong ko kay mama bago umupo sa silya.
"Oh bakit miss mo agad kuya mo? Maaga pumasok hindi ko alam kung bakit pero maaga naman daw siya uuwi e." sagot ni mama habang nilalapag ang pagkain sa lamesa.
"Kumain ka na diyan at baka ma late ka pa. Mauuna na ako ha? May meeting pa ako. Umuwi agad mamaya ok?" sambit ni mama sabay halik sa noo ko.
"Sige po ma. Mag iingat ka." ngumiti siya bago kuhain ang kanyang gamit at tuluyan nang umalis ng bahay.
Pag katapos ko kumain ay agad akong nag pahatid kay manong papunta sa school.
"Sharmain mendoza madami kang dapat ikwento saming tatlo' salubong sakin ni selena.
"Yung isa dyan luma lovelife na ano ka jowable?" pang aasar naman ni camilla.
"Kung ako sainyo di nako mag aaksaya ng oras alamin kung ano ang yari kagabi" natatawa kong sabi sakanya.
"Bakit naman?" tanon ni sammantha.
"Kasi di ako mag k kwento HAHAHAH tara na pasok na tayo." sorry pero wla akong balak sabihin sainyo na pumunta kami doon sa lugar kung saan nangako kami sa isat isa.
"Damot mo talaga."- camilla.
"Lagot tatampo si cammy HAHAHAH" pang aasar naman ni selena.
"Kabahan na kayo pag pati si sam nag tampo"
"Grabe ka naman ano ako si cammy? HAHAHA"-sammantha.
"Grabe kayo sakin haaa!"- camilla.
"Charot lang tara na nga mamaya mag tampo pa talaga to."
"De pero kung gusto mo ng mapag k kwnetuhan dito lang kami HAHAHA"- selena.
"Gaga wag ka na umasa di mang yayari yon HAHAHA"- sammantha.
"Tara na mamaiya umiyak pa yan si sha sha HAHAHA"- camilla.
"Punyeta parang kanina lang si cammy inaasar natin ah teka asan na ba sandok ko HAHAHAH"
nag lakad kaming apat sa hallway habang nag tatawanan. Nang bigla namin makasalubong si rene.
"Diba sabi ko sayo layuan mo si luke?" mataray na sambit ni rene.
"Kasalanan ko bang sila yung na lapit samin?" sagot ko dito. Namumuro na to sakin e malapit ko na to sampalin. Konting konti nalang talaga mauubos na pasensya ko sa babaeng to.
"Una si cloud ngayon naman si luke. Grabe naman yan sharmain. Lahat nalang ba?" Ok thats it foul na yan gaga ka ha .
"Una sa lahat ikaw ang umagaw kay cloud at hindi ako. Pangalawa hindi sayo si luke at walang nag mamayari kay luke. Pangatlo matuto ka lumugar kasi paharang harang ka." lumakad ako konti lagpas sakanya bago lumingon at sabihin "By the way sa basurahan dapat ang lugar mo tutal plastik ka naman. Now you know kung saan ka dapat lumugar dun ka na tumambay ok? Hindi yung pakalat kalat ka sa hallway."
Nag patuloy kami sa pag lalakad papunta sa room namin. Ako pa talaga iinisin niya ha. Wag niya akong uumpisahan.
"Lakas talaga sirr HAHAHAH"- selena.
"Wag niya akong uumpisahan takte pag ako nainis pa lalo dyan sumbat ko talaga sakanya lahat lahat ng ginawa niya sakin t*ng*na niya ha."
"Oh bakit ganyan mukha mo? Para kang nakipag away"- charles.
"Anong parang nakipag away talaga HAHAH"- selena.
"Daldal mo alam mo ba yon?" aishh kaylan ba mananahimik tong babaeng to? Pati kay kuya nilalaglag ako e.
"Kanino naman?" Tanong ni luke.
"Kay rene."- selena.
"Kaylan ka kaya mananhimik? Pati kay kuya nilalaglag moko e pisiti ka."
"Bakit naman kayo nag away?" tanong sakin ni luke.
"Wala yun. Hayaan mo na yun nag papansin lang kaya ganun."
"Ok sabi mo eh."- luke
Hindi mo na dapat malaman pa yung nang yari kanina dahil sigurado akong mag tatanong ka nanaman tungkol sa nakaraan at ayokong mangyari yun.