*LUNCH BREAK*
Nauna na kami nila sam umupo dito sa cafeteria dahil nag presenta na si andrew at luke na bumili ng food. Nag lalakad na sila luke papunta sa table namin nang bigla siyang tawagin ni rene.
"Luke dito na kayo umupo" yaya sakanya ni rene.
Ngumiti lang si luke at nag patuloy sa pag lalakad papunta sa table namin.
"Niyaya ka ni rene ah. Bakit hindi ka dun umupo?" tanong ko sakanya.
Hindi ito sumagot sa tanong ko at nag patuloy sa pag lapag ng mga pagkain sa lamesa.
Pinag masdan ko ang table nila rene na nag bubulungan at naka tingin samin. Maya mayalamang ay tumayo si rene at nag lakad papunta sa table namin. Heto nanaman tayo. Isang maling salita lang talaga nito sapak to sakin.
"Look what we have here. Sharmain mendoza nang aagaw nanaman ng boyfriend" Sigaw ni rene sa cafeteria.
"Ano ulit yon? Nang aagaw? NANAMAN?" tanong ko sakanya.
"Oo hindi ba't inagaw mo sakin noon si cloud?" pananaray nito sakin.
"Kaylan pa naging mang aagaw ang nauna? Eh ikaw nga tong masyado makati kaya gustong gusto mag pakamot kay cloud. Hindi ba?"
"Ako dapat kasama ni cloud nung araw na yun kung hindi ka lang nag inarte." sumbat nito sakin.
"Ehem correction lang. Kung hindi IKAW yung nag inarte at nag pasundo sa bar hindi dapat na aksidente si cloud"
"Hindi si cloud ang issue dito ngayon. Ikaw inaagaw mo ang boy friend ko." sigaw naman nito.
"Huh? Boy friend? Sino si luke ba tinutukoy mo? Sorry to destroy your imagination pero luke isn't your man Rene and he will never be yours." pang aasar ko dito.
Akmang sasampalin na sana ako ni rene nang pigilan siya ni luke.
"Tumigil ka na rene dahil hindi moko boyfriend" malamig na sambit ni luke.
"Bakit? Ide deny moko dahil lang sa babaeng yan?!" galit na sigaw ni rene.
"Bakit niligawan ba kita? Sa pag kaka alam ko si sha sha ang gusto kong ligawan hindi ikaw." Tumigil mundo ko nang sabihin ni luke yon. teka tama ba narinig ko? Ako gusto ligawan ni luke? Imposible yun.
"Tandaan mo tong araw na to sharmain dahil sisiguradihin kong pag sisisihan mo lahat to!" sigaw ni rene.
"Sugod sugod ka dito diba tapos ako sisisihin mo? By the way anong date ngayon? I lalagay ko sa reminders ko para di ko makalimutan" pang aasar ko sakanya.
"b***h!" muling sigaw neto.
"OMG! The hoe called me a b***h HAHAHA." nag tawanan ang mga tao sa cafeteria dahil sa sinabi ko.
Kitang kita sa mukha ni rene ang pagka pikon bago nag walk out mg tuluyan sa cafeteria.
"Lakas talaga sha sha HAHAH"-sammantha.
"Well baka amazona yan HAHAH" -andrew.
"Luke kasi wag na masyado pa fall. Napapasama si sha sha oh"- charles.
"Kasalanan ko bang nilagyan niya ng meaning yon?" malamig na sambit ni luke.
Gunggong talaga to e no? Minsan cold minsan hindi. Topakin amporkchop daig pa may regla e ano te mood swings lang?
"Ka lalaki mong tao landi mo"- mataray na sabi ni eric.
"Siraulo" -luke.
Nag patuloy kaming lahat sa pag kain na para bang walang nangyari.
Totoo kaya sinabi ni luke? Ako gusto niya? Takte bakit ko ba iniisip yun? Hindi niya ako gusto period!
"Tara na bakanma late pa tayo." yaya ko nang natapos akong kumain ng burger.
Tumayo kaming lahat at nag lakad papunta sa kanya kanyang klase. Nanatili pading tahimik si luke habang nag lalakad kami papunta sa room.
Natapos na ang klase at hindi padin naimik si luke. Nag salita lang siya noon recitation.
"Bipolar ka ba luke? Lakas ng mood swings mo ah."-selena.
Ngumiti lang eto at nag patuloy sa pag lalakad.
May regla ata tong lalaki na to. Dikitan ko kaya ng napkin to sa noo. Yung all night pa para matagal.
"ganyan ba talaga si luke?" tanong ko kay michael.
"Oo. saming anim siya talaga tahimik sa lahat. Pero nasabay naman sa trip yan masaya din kasama yan." sagot naman ni michael.
"Ahh kanina pa kasi siya tahimik e."
"Nako masanay ka na dyan bigla talaga yan mananahimik."- michael.
Nag patuloy kami sa pag lalakad hanggang makarating kami sa mcdo dahil nag yaya kumai sila sammantha at camilla. Papasok na sana ako ng pinto nang biglang hilahin ni luke ang braso ko.
"Usap tayo pwede?" tanong nito sakin. tumango naman ako at sumunod sakanya papunta sa parking lot ng mcdo.
"Usap tungkol saan ba?" tanong ko sakanya.
"About sa sinabi ni rene."- luke.
"Ano naman tungkol doon sa sinabi niya?"
"Hindi totoo na nililigawan ko siya. Alam mo naman yun diba? Ikaw nga kasama ko nung mga nakaraang araw e." sagot naman nito.
"Pano niya naman nasabi na kayo?"
"Sa chat ata yun. Ang harot niya sa chat e." ahhh nag kaka chat pala kayo? Lakas talaga ng kamandag nung babae na yon.
"Teka bakit ka ba nag e explain sakin?" natatawa kong tanong.
"Kasi totoo din yung sinabi ko kanina." teka? nahihibang na ba tong lalaki na to?
"Sana ayos ka lang."
"Alam kong masyado mabilis pero ewan ko ba. Ikaw talaga gusto ko makasama eh."- luke.
"Nababaliw ka lang luke."
"Pagisipan mo muna. Hihintayin kita." nakangiti niyang sambit.
Ngumiti lang ako sakanya at tumango. Eto na ba yung panahon para kalimutan ko siya?
Cloud is this the sign ?Eto na ba yung oras para kalimutan kita? eto na ba yung oras para palitan kita? Is it worth it?