Pagkatapos namin kumain sa mcdo ay nag kanya kanyang uwi kami. Hindi padin mawala sa isip ko yung sinabi ni luke. Ano yon love at first sight? Ghadd cassie kala ko ba love is blind?
Kinapa ko ang phone ko sa bulsa ng palda ko. Taee asan yonn!? Bakit wala dito sa bulsa ko!? Nawala ang kaba ko nang biglang mag vibrate ang aking phone. Leche yan nahulog lang pala sa tabi ko.
Binuksan ko ang aking phone upang makita kung sino nag message.
*Beanstalk sent a message*
Heeyy shortcake
Ano nanaman kaylangan mo?
Kaylangan kita.
Ngayon at kaylan maann HAHAH
Seryoso. I need you
I need you in my life.
Corny mo ha
Napag isipan mo na ba?
Yung alin?
Aww:
Kinalimutan mo agad?
Ahh yon? Hindi pa masyado.
Teka bakit ba akoo? Nandon
naman si rene diba?
Iba ka sakanila.
Kaylan ba sila naging ako? Duh
Im starting to like you more.
Hayop to. Ganon na ba ako ka cute ha? My ghad cassie ano nakaka fall sa sinabi ko?
Oh please dont
Why?:
Too late. I already like you.
Share mo lang? HAHAHA
Oo tapos ikaw hindi ko
i s share sa iba ;)
Matulog ka na. Late ka
nanaman bukas.
Goodnight shortcake
Dont worry. I wont tell you to
have sweet dreams or to dream
about me.
Just take a rest and relax.
Dont stress yourself too much
Pinatay ko ang aking phone at nilagay sa desk malapit sa kama ko. Ano ba earth? Nananadya ka na ba? Isa lang si cloud. Nag iisa lang siya.
"He isnt cloud."
"Yes he isnt cloud pero that doesnt mean na hindi ka mahuhulog sakanya." napatingin ako sa pinto upang malaman kung sino ang nag salita.
"Ma? Ano ho ginagawa niyo dito?" laking gulat ko ng makita ko si mama sa pinto.
"Mangangamusta sana ako sa baby girl ko. Do you mind sharing your problems to me anak?" tanong ni mama.
"Wala naman yun ma."
"Hay nako ang baby ko nag kakagusto na sa ibang lalaki." naka ngiting sabi ni mama.
"Ano ka ba ma? Iba si cloud kay luke. And luke will never be cloud."
"Bakit? Itinaga ba ng tandhana sa bato na siya lang ang lalaking karapat dapat para sayo anak?" napatingin nalang ako kay mama nang sabihin niya yon. Gusto ko ba talaga si luke?
"Try to stop comparing luke and cloud. Mag kaibang tao sila. Tsaka, Anak wag mo ikulong ang sarili mo sa nakaraan. Pwedeng pwede ka mamuhay sa kasalukuyan na masaya." she said as she stood up. "Dont ever trap yourself in the past, stop being a prisoner.
" sambit ni mama bago lumabas ng kwarto ko.
Ang daya ko naman kasi. Magugustuhan ko si luke bilang cloud? Unfair diba. Pero tama nga siguro si mama. Bakit ko ikukumpara si luke kay cloud. Magkaibang tao naman sila.
And why am i still trap in the past?
Muli kong kinuha ang larawan na itinatago ko sa aking drawer at pinag masdan iyon.
Mahal, hindi porket nasa isip ko si luke ibigsabihin non nawala ka na. Palagi kang nasa puso't isip ko. You will always have a special place here in my heart.
Sana talaga maganda takbo ng araw ko bukas.
KINABUKASAN
"Gumising ka na dyan sha sha may nag hihintay sayo sa baba" bulong sakin ni kuya.
"ano nanaman ba trip mo kitang natutulog pako e aga aga manggising sabado naman."
"bonak kaba? May nag hihintay ngani sayo." malakas na sambit nito sabay batok sa ulo ko.
"Aray potek eto na babangon na! Leche ka lumabas ka dito!" epal talaga tong lalaki na to kitang natutulog istorbo.
Bumangon ako sa aking higaan at inayos eto. Nag hilamos muna ako at nag suklay ng buhok bago bumaba.
"sino ba kasi yon!?" sigaw ko habang pababa ng hagdanan.
"Magandang umaga binibini." nakangiting sabi ni luke.
Amp*ta bat nandito yan!? Ano ginagaw nyan dito!? Wala dapat yan ditooo nako namaaan!
"Bakit ka nandito? Ang aga aga ah tapos sabado pa." tanong ko saknya habang nag lalakad papunta sa sofa.
"Nag paalam siya sakin na may pupuntahan daw kayo." singit naman ni mama na may dalang juice. "kaya mag ayos ka na dun sa taas nang di kayo abutin ng hating gabi." dagdag ni mama habang iniaabot ang baso kay luke.
"ang aga aga pa naman ah."
"inday. 12 na ho ng tanghali. Puyat ka kasi ng puyat. Umakyat ka na dun ay mag ayos."- mama.
"Papayag ka na sumama ako saknya? Saan ba pupunta?" tanong ko kay mama.
"secret daw e hahaha osige na umakyat ka na dun at mag ayos." nakangiting sabi ni mama.
Ah ganon? May tiwala agad sila kay luke? Pano kung iligaw ako neto? O kaya patayin? Sakalin? Sagasaan? O kaya irape potek masyado ako masarap! Chour hahaha.
"Kasi naman eh."padabog akong umakyat sa kwarto at nag ayos.
Since di ko alam kung saan kami pupunta. Nag decide ako mag suot ng sweat shirt na batman cream ang color nito at checkered na skirt both galing h&m. Yiee baka naman h&m chour. Then nag boots ako na black.
Mahigit isang oras bago ako bumaba at magpakita kala luke at mama.
"ang ganda ganda naman ng prinsesa ko." naka ngiting sabi ni mama.
"Kanino pa ba ako mag mamana?" naka ngiti kong sagot.
Tumingin ako kay luke upang tignan kung anong reaksyon niya. Ganun din naman naka ngiti. As in ngiting ngiti.
"Ang ganda ganda naman ng shasha." pambobola ni luke.
"Haynako tara na saan ba kasi tayo pupunta?" tanong ko sakanya.
"Secret ko na yun." nakangiti niyang sabi.
"oh luke ingatan mo ang unica iha ko ok? Umuwi bago mag 10 kung hindi, di mo na makikita anak ko." pananakot ni mama kay luke.
"Yes po tita."
Nag paalam kami kay mama at kuya bago umalis ng bahay. Hindi ko padin alam kung saan ako dadalhin ng lalaking to. Bahala na so batman pag namatay ako edi ouch oras ko na HAHAHA.