Chapter 8

1001 Words
'Luke?' nakangiting sabi ng isang babae. 'Bev? Uy kamusta na?' niyakap nila ang isat isa na para bang matagal di nag kita. Bev? Awit kala ko naman yung maria na. Gandang babae eh pang maria talaga ang kutis. Mariang maria talaga ang dating. Naka suot eto ng kulay puting bistida above the knee ang length. Ganda ng kurba ng katawan. 'Tara pasok tayo.' hinawakan ni luke ang kamay ko sabay lakad papasok ng pinto. 'Uyy shashaaaa namiss ka namin!' hinila ako ni andrew at niyakap. 'Grabe naman yan drew wala pang isang araw mula nung mag kita kayo ni shasha' natatawang sabi ni ric. 'hii shaaangggg! Buti naka rating pa kayo kala ko tinakbo ka na ni luke e HAHAHA.' sigaw ni michael mula sa kinauupuan niya sa salas. 'Teka may ipapakilala ako sayooo.' hinila ako ni ric papunta sa kinauupuan nung babaeng nag bukas ng pinto kanina. 'Bev! Si Sharmain mendoza. Shasha nalang for short. Lover boy niya si lukee HAHAH yiieee pinag palit ka na HAHAH.' pabirong sabi ni eric Siraulong eric to mamaya jowa yan ni luke mag away pa yan. Lagot na konsensya ko pa yan jusmeo. 'Loko! Hahaha by the way im beverly madrigal. Former owner of luke.' nakangiti nyang sabi. Former? Bali ex ganon? Dami naman kuda neto pa former former pa nalalaman. Farmer nalang kaya? Chourr. 'Nice too meet you.' ngumiti ako saknaya at lumingon kay eric na naka ngiti. 'Lukee ung ex mo at future ex nag k kwentuhan dito sa sala!' sigaw ni michael. 'BALIW! DI KO MAGIGING EX YAN! MRS. PWEDE PA!' sigaw naman ni luke kaya napatili ang mga loko. 'ULOL SINABI MO DIN YAN KAY BEV DIBA? HAHAHA.' sagot naman ni lance. 'Hoy wag kayo ganyan. Sinabi nya din yan kay maria HAHAH. Pabayaan mo yang mga yan sha. Upo ka dito wag mo sila pansinin.' umurong konti si beverly para makaupo ako sa sofa. Maria? Sino ba kasi yang maria na yan ano ba guyz ayaw niyo pa sabihin. 'Maria?' tanong ko kay bev. 'Ay. Si luke hindi pa na k kwento ung babae na yun.' sambit ni bev habang naka tingin sa kinatatayuan ni luke. 'Hayaan mo na yun.' malamig na sagot ni luke. 'Sino pa ba hinihintay natin? Tara na sa bar!' yaya ni michael. 'Bar?' tanong ko kay luke. 'Alam ni tita wag ka mag alala. Tsaka hindi naman bar as in tugs tugs.' naka ngiting sagot nya. Anong klaseng bar? Imposibleng hindi ganun yun. 'Lezgoww para malaman!' sigaw naman ni bev. Tumayo kami mula saaming kinauupuan at nag lakad papunta sa pinto. Hinila ni luke ang aking kamay at hinawakan ito. 'Dito ka lang sa tabi ko. Lagot ako kay tita kapag nawala kita.' bulong nya sakin bago lumabas ng pinto. AT THE OPEN MIC BAR Pumasok kami sa loob ng restobar at umupo sa pina reserve ni michael na table. Tama nga ang sabi ni luke. Hindi eto ung typical na klase ng bar. Bagkus isa etong resto bar. May open mic din. 'Nasabi kasi sakin ni tita na dati daw lagi kang pumupunta sa mga may open mic. Nasabi niya din na mahilig ka mag spoken.' Ang daldal talaga ni mama pag may bisita. Pati ba naman yun kwinento niya pa? Ano pa kayang kwinento ni mama dito? 'Ehem sample naman dyan sha bago mag inom.' panunulsol ni eric. "Is there anyone here wants share their talent. Kahit ano singer man yan o manunula(t)." pag aaya ng host doon sa stage. "Meron po dito!" sigaw ni michael. "Hoy ano ba nakakahiya! Matagal nako di nag gaganito." "Ayos lang yan dalii!" tinulak ako ni bev patayo sa akin kinauupuan. Wala nakong nagawa kundi mag lakad papunta sa stage. Putek nakakahiya madaming tao at matagal na din simula nung gumawa ako ng obra. Bahala na on the spot nalang. "Hi magandang gabi sainyong lahat. Ako nga po pala si sharmain isang manunula(t). At gaya niyo din minsang nag mahal ngunit hindi nag tagal." tumingin ako sa lamesa kung saan nakapwesto sila luke. Malaki ang ngiti sakanilang mga labi. "May mga tao talagaang papasok sa buhay natin para mag bigay ng pansamantalang saya at ng pang matagalang sakit." Huminga ako ng malalim dahil matagal tagal na din simula nung gumawa ako ng tula at nag perform sa isang open mic. "Para ito sa mga taong siguro minsang umibig pero nawala bigla. Taong nag mamahal padin kahit nasa malayo na. Taong nag mamahal ng wala na. Ang pamagat ng obrang ito ay 'mamahalin padin kita sa malayo'." Muli akong tumingin kala luke na nakangiti bago mag simula. "Metro, kilometro kahit ano pang panukat gamitin mo Hindi neto masusukat ang distansya sa pagitan natin ngayon Langit at lupa ang distansya mula sa pinaroroonan mo Makapiling kang muli'y imposoble dahil sa distansyang ito. Ruler, metro, kahit meter stick pa ang gamitin mo Hindi neto masusukat ang pag mamahal ko sayo Kahit langit at lupa ang pagitan natin ngayon Mamahalin padin kita sa malayo Alam kong imposibleng makapiling kang muli ngayon Pero batid kong pinagmamasdan moko ngayon mahal ko Gusto ko lang ipa alam sayo na kahit nandyan ka sa malayo Patuloy padin kita mamahalin hanggang dulo Kahit hindi na ako ang mahal mo ikaw padin ang pipiliin ko Katangahan man kung iisipin ngunit akoy mangangako Pangakong lagi kang mag kakaroon ng lugar sa puso ko Patawad kung ako ang naging dahilan ng paglisan mo sa mundong ito Patawad sapagkat wala ako sa tabi mo nung kaylangan moko Patawad kung hindi ako nakinig sayo noon Sana'y nakinig nalang ako sa mga paliwanag mo noon Hayaan mo mahal, lahat ng pangarap natin ay itutuloy ko padin Pangakong hindi ako hihinto at mag papatuloy padin Kahit na langit at lupa ang pagitan natin ngayon Mamahalin padin kita mula sa buwan at pabalik Yun lamang naraming salamat po'. Nag palakpakan ang mga tao na para bang damang dama nila yung tula ko. Isang obra nanaman ang nagawa para sa mahal ko. Sana masaya ka ngayon dyan sa itaas. Mahal na mahal kita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD