"booom ginalingan ni shasha!" naka ngiting sabi ni eric.
"kala niyo si shasha lang marunong mag spoken? ako din kaya! Oh aking iniirog palamas ng iyong s**o" nag tawanan ang lahat sa sinabi ni michael, with action pa HAHAH. Mga sira talaga tuktok nitong mga to.
Nag patuloy kami sa pag iinom hanggang sa may isang babaeng dumating.
'babbyyy imissyouu!' saad ng isang lasing babae habang niyayakap si luke.
Baby? may jowa na pala si luke? Bat di niya sinabi sakin? Ay, sino ba naman ako para sabihan niya. Hindi niya nga pala ako nililigawan or what HAHAH. Sha ano baa umayos ka.
'maria anong ginagawa mo dito?' tanong ni luke sakanya. KIta sa mukha ni luke ang inis at pagka irita.
'Sinabi sakin ni drew na nandito kayo. Bakit hindi moko sinama huh? Galit ka ba?' malambing na tanong niya.
'luke i hatid mo na yan si marie sa bahay nila, baka kung ano pa mang yari dyan.' -bev.
Siya pala si maria. Magandang babae, maria nga talaga. Moreanang babae, matangkad, sexy, bagay na bagay siya kay luke.
'pano si sha? Ako nag paalam sakanya kay tita eh' -luke.
'Kaya ko na umuwi mag isa, mag t taxi nalang ako. Maiintindihan naman ni mama kung bakit di moko mahahatid eh.'
'hindi pwede yon'-luke.
'ako na mag hahatid kay shasha, di naman ako gaanong uminom eh'-charles.
Tinitigan ako ni luke sa mata na para bang nag aalinlangan siyang pumayag. Sinenyasan ko siya na umalis na, baka mapano pa yung jowa niya o kaya mag away pa sila. Ilang segundo lamang ay umalis na si luke kasama si maria. Nag presenta na din si charles na umuwi na kami dahil baka mapagalitan nako ni mama.
'baka isipin mo niloloko ka ni luke ha? Ex niya yon si maria. Di ka naman siguro sasaktan ni luke eh.' -charles.
'huh? pinag sasabi mo dyan? kaibigan ko lang yan si luke.' sagot ko habang naka dungaw sa labas ng bintana.
'Sha warningan lang kita huh? ilang buwan na simula nung nag hiwalay si luke at si maria pero parang mahal padin ni luke si maria eh. Wag ka mag papahulog sa mga salita niya huh?' -charles.
tumango lang ako at ngumiti. Imposible din naman sigurong mahulog ako sakanya, may minamahal padin akong hindi na babalik eh.
'Swerte niya, yung mahal niya pwede niya pang balikan. Samantalang ako? Kahit makita o mayakap man lang sana, kaso imposible na.' Naka ngiti kong sabi.
'Bakit naman? May bago na ba ex mo?' -charles.
'walang bago, imposible lang'
nanatiling tahimik si charles ng ilang segundo, maya maya lamang ay nakuha niya na ang ibig kong sabihin.
'Sorry sha, kailan pa?' tanong nito sakin.
'Isang taon na din lumilipas.'
'Sorry sha.'-charles.
ngumiti ako sakanya at itinuro ang daan papunta sa bahay namin. Maya maya lamang ay natanaw ko na ang chismoso kong kuya sa labas ng bahay namin.
"itigil mo dun sa may bakulaw na yon." turo ko sakanya.
'okii' pinarada niya ang sasakyan sa tapat ng bahay namin. Agad akong bumaba ng sasakyan at humarap sa kuya kong naka pamewang na.
'San ka nanaman galing? Sino nanaman nag hatid sayo?' nakapamewang na tanong ni kuya.
'uy tol, pasensya na ginabi na si sharmain. Hindi ko di yan pina inom ng madami.'- charles.
'uy charles ikaw pala yan. Ikaw ba nanliligaw sa kapatid ko?' maangas na tanong ni kuya kay charles.
'hindi ah, walang nanliligaw kay shasha, meron sigurong may balak. Pero hindi ako yon ha.' depensa naman ni charles.
'ah ganon ba? kamo dumaan muna siya sakin bago manligaw dito. Bantayan mo to ha? Pasaway pa naman to.'- samuel.
'sige tol, una nako.'-charles.
'Uy wag bata kapa!' siraulo talaga to si kuya.
'tado hahaha sige na bye.'
'bye ingat!' nakangiting pumasok si charles sa kotse at nag maneho paalis.
'mag ka kilala kayo?' tanong ko sakanya pagka pasok namin ng bahay.
'Tanga ka kapit bahay natin yan dati bugok.' wow na tanga nako na bugok pa. Combo ba yan ng gabi ha? 'nga pala bat iba nag hatid sayo ngayon? asan na si boy kupido? Sino nga ulit yon? luke ba yon?' tanong niya sakin.
'ah may importanteng pinuntahan eh.'
'mas importante pa sa pag hatid sayo?' biglang sumulpot si mama mula sa kusina.
'ma? gising ka pa pala?' tanong ni kuya kay mama. Tangenang to sila ni mama magkasama sa bahay pero di nya alam na gising pa si mama.
'Oo, asan si luke at sinong nag hatid sayo?' naka pamewang na tanong ni mama.
'hinatid niya girlfriend niya ma, lasing na kasi.'
'Pumayag ka naman?'-mama.
'eh oho, nag presenta naman si charles na ihatid ako eh.'
'kung ako sainyong dalawa? si charles pipiliin ko. ayoko sa kumag na luke na yan.'-samuel.
'charles? sino yang charles na yan?' tanong ni mama.
'Ma, kuya. Pagod nako bukas niyo nalang ako kausapin ok? Mag papahinga nako.' umakyat ako papunta sa kwarto ko at nilock yung pinto buti nalang sabado bukas kaya makakapag pahinga ako ng mahaba haba.
nag hilamos ako at nag palit ng damit na pantulog. Muli kong tinignan ang litrato namin ni cloud bago humiga.
'Pinapag hanap niyo ako ng kapalit ni cloud? tsk para saan? Siya padin naman hanggang sa susunod na habang buhay. Gusto niyo pa talaga si luke ha? Napaka labo.' bulong ko sa sarili ko.
muli kong na alala ang mga pang yayari kanina. masaya na sana eh, kaso epal yung babae. Kapal ng mukha ni luke. Pagkatapo niyako dahlin sa makiling, sabihan na gusto niya ako makasama mahal niya pa pala ex niya? Sabagay ako din, mahal ko pa si cloud. Ang swerte niya naman. Mababalikan niya pa yung mahal niya, mayayakap at makikita pa niya. Samantalang ako? Hanggang miss nalang.
unti unti akong nakatulog dahil sa kakaisip kung anong pwedeng mang yari kapag hindi ako umiwas kay luke.
Mahal? Susugal bako o hindi? Susubukan ko na ba ulit mag mahal ng iba o wag muna? Natatakot ako mahal, baka mawalan nanaman ako ng mamahalin. Hindi nalang muna siguro no? Tama, hindi na muna ako makikipag laro sa tadhana.