Chapter 10

1561 Words
'May girlfriend si luke?' taas kilay na tanong ni mama pag pag upo ko sa upuan. 'Meron po ma, si maria. Matagal na ata sila eh di ko sure.'  nilibot ko ang tingin ko sa kusina at sa sala. Mukhang umalis na si kuya ah.  'Mapayapa ang linggo mo dahil umalis kuya mo may pinuntahan at kailangan ko pumunta sa trabaho ngayon dahil may emergency. Mauuna nako ok? Tawagan mo ako o kaya si kuya mo kung may ipapabili ka.' kiniss ako ni mama sa noo bago  umalis ng bahay. Pagkatapos niya sabihin sakin na gusto niya ako samahan may jowa pala siya? Pano yon pag gusto niya manligaw?  Pwede ka ba dumagdag sa magiging girlfriend ko o kaya will you be my 5th girl? WAAHHH AYOKO MAGING KABET!  Pagkatapos kong mag almusal ay umakyat ako sa aking kwarto. Muli kong na alala ang nangyari kagabi. Kung panong ni yakap siya ni maria at hinalikan sa noo. That s**t hurts, and i dont know why. Nahulog na ba ako sakanya? Tatlong linggo ang lumipas simula nung nakilala ko si maria. Mula noon ay palagi na akong naiwas kay luke. Baka awayin pa ako ng girlfriend niya eh. Si charles ang madalas kong kasama, siya din nag hahatid sakin minsan pauwi. Bukod sa close sila ni kuya gusto din ni mama palaging nakikita si charles. Minsan napapaisip ako kung ako ba yung anak niya o si charles eh hmmp. 'Nag tataka na si luke, parang iniiwasan mo daw siya.' bulong sakin ni camilla. 'si charles na ba ang iyong nais?' natatawang sabi ni selena. 'kupal ka, kababata namin ni kuya si charles kaya ganon. Tsaka gusto ni mama pag nabisita siya sa bahay eh.'  Papasok palang kami ng campus nang bigla kaming hinarang ni luke. 'sha pwede ka ba makausap?'-luke. 'mauna na kami girl, kausapin mo na yan.' agad nag lakas palayo sila camilla at iniwan ako kasama si luke. 'galit ka ba sakin?' tanong nito habang naka tingin sa mga mata ko. Agad akong umiwas ng tingin. Pisti bakit ang bilis ng t***k ng puso ko?  'ha ako galit? Bakit naman ako magagalit sayo?' di ako galit, nag tatampo lang pero bawal sabihin hehehe. 'Bakit moko iniiwasan? Tatlong linggo mo na ako di kinakausap. Dahil ba to kay maria? Sha wala na kami nun, matagal na.'-luke. 'Ah ganun ba? Paara kasing mahal ka pa niya.'  'Ikaw ang gusto ko sha, ikaw lang at walang iba.' muli niya akong tinitigan sa mga mata, tila ba totoo ang kanyang sinasabi. Maniniwala ba ako sa mga sinasabi mo?  'Alam mo tara na ma l late na tayo.' akmang lalakad ako papasok ng gate nang bigla niya akong hinila. 'Sha pwede ba ako manligaw?'-luke.  'Ano bang pinag sasabi mo dyan? Halika na late na tayo oh.' agad akong tumakbo papasok ng gate. Adik ba yon? Gusto niya daw ako? High ata yung lalaki na yun eh. Pag kapasok ko ng room ay agad akong umupo at nag ayos. Mayamaya lamang ay pumasok na din si luke kasunod ang kaming prof. Mahaba habang araw to ah. Mukhang sa library ako mag l lunch. Pagkatapos ng third sub namin ay agad akong dumiretsyo sa library. Sinabihan ko na din sila camilla na doon dumiretsyo after nila bumili ng food nila. Bakit sa library? Naka ban kasi si luke doon, I dont know why tho. Pag pasok ko sa library ay agad kong nakita si charles.  'Himala nandito ka sa library.' bulong ko sakanya pagka upo ko sa tabi niya. 'Wala akong gana mag lunch eh, ikaw bakit ka nandito?' -charles. 'Ah wala lang.' 'iniiwasan mo si luke no? Ayos lang yan sha halata naman hahahaha.'-charles. 'ha? Pinag sasabi mo? Halatang ano?' tanong ko sakanya. 'Halatang gusto mo na si luke.' pang aasae nito sakin. 'Pano mo naman nasabi ha?' 'Hindi ka naman masasaktan at iiwas kung hindi mo siya gusto eh. Sige na una nako, baka masapak mo pa ako. Hatid kita sainyo mamayang uwian ha?' agad siyang tumayo at lumabas ng library. Gusto ko ba talaga si luke o ayaw ko lang palitan si cloud? Natapos ang klase namin ng lumulutang ang isip ko. Totoo kaya sinabi ni charles? Halata ba talaga? Gusto ko na ba talaga si luke? 'Hooyyy lumilipad isip mo tuengg!'-Samantha. 'Iniisip niyan si luke.'-camilla. 'Ayaw pa kasing aminin eh HAHAHA ok lang yan sha mahal ka padin namin kahit ideny mo pa samin na gusto mo si luke.' pang asar ni selena. 'mauuna nako nag hihintay na si charles sa labas.' 'iniba bigla yung topic tsk, osige na ingat kita kits bukas!'-selena. 'tado babush ingat kayo pauwi.'  Pag labas ko ng room agad kong nakita si luke sa dulo ng hallway. Agad akong nag lakad palabas ng building pero nahabol niya padin ako. 'sha!' sigaw nito. 'Ano yun?' 'Gusto ko lang sabihin sayo na with or without a chance, i will court you. No mattter what happens i will always be there for you, tandaan mo yan. I will never ever break your heart. Inagt ka pauwi.' agad siyang nag lakad palabas ng building. Kupal talaga yon, pinapabilis nanaman t***k ng puso ko.  Agad akong nag lakad palabas ng campus. Pag labas ko ng gate agad ako binusinahan ni charles.  'Bakit ang tagal mo ha inday?' tanong nito sakin pagka sakay ko ng kotse. 'wala, may dinaanan lang ako.' pag sisinungaling ko sakanya. 'ulol wag nga ako, magkasunod lang kayo ni luke lumabas. Nag usap kayo no? Yie anong sabi niya? Dali dali share mo.' pangungulit niya sakin. Kwinento ko kay charles ang nangyari sa hallway dahil na stuck kami sa traffic at ayaw niya tumigil kaka kulit sakin. 'Pumayag ka naman?' tanong niya sakin. 'Hindi pa, hindi ko alam.' 'hindi pa tapos hindi mo alam? So bali, Hindi ka pa na payag at hindi mo pa alam kung gusto mo siya?'-charles. 'Parang ganun na nga. Huyy wag ka maingay kay kuya at mama. Promise mo sakin di mo sasabihin ok? Kahit kanino wag mo sasabihin.' 'Ok ok chill, i promise i wont say a word.' natatawa niyang sabi. 'Pinky promise?'  Tumawa muna siya bago niya inikot ang daliri niya sa daliri ko. 'Pinky promise' -charles.  Maya maya lamang ay naka dating na din kami sa tapat ng bahay. Akmang bubuksan ko na ang pinto ng bigla akong pinigilan nio charles. 'Wait.'-charles. 'Ano yun?' 'Ang pangit mo HAHAHA.' kanchaw nito sakin. 'Kupal, tara na. Dito ka na mag dinner.' Bumaba kami ng sasakyan at pumasok sa loob ng bahay. Pagka tapos namin mag dinner ay nag paalam na si charles kala mama at kuya. 'Ingat ka pauwi.' sambit ko bago pumasok ng sasakyan si charles. 'Pumasok ka na don baka isipin nila may multo sa bahay niyo.'-charles. 'Ewan ko sayo. Sige na babush, ingat ka.'  'Sha.'- charles. 'Ano nanaman yun?' 'Ano kasi eh, hindi ko masabi.'-charles 'ano ba yun?' 'Ang pangit mo talaga HAHAHA ' tadong to mang aasar lang naman pala. 'Leche lumayas ka na nga.' ngumiti muna siya bago pumasok sa sasakyan. Hinintay ko munang umalis si charles bago pumasok sa loob ng bahay. Sinilip ko muna ang kusina kung nandun pa sila mama bago umakyat sa aking kwarto. 'natulog na siguro yung mga yun.' pag pasok ko ng kwarto agad kong nakita si mama at kuya naka upo sa higaan ko. 'Akala ko tulog na kayo.' 'Madami kang dapat ikwento saamin ng kuya mo.' naka pamewang na sambit ni mama. 'Sakanya lang, nag k kwento naman sakin si charles eh HAHAH.' hinampas ni mama si kuya sa braso bago ako hinila paupo. 'Wala naman akong dapat ikwento ma.' 'Kwento mo nalang kung kamusta yung araw mo.'-mama. kwinento ko kung anong ginawa ko buong mag hapon pwera lang yung tungkol kay luke. Matapos kong mag kwento ay agad ding lumabas ng kwarto si mama at kuya. Hindi padin maalis sa isipan ko yung sinabi sakin ni luke at sa tuwing naiisip ko yun, naaalala ko yung nang yari sa bar. Para bang may pumipigil sakin na mahulog ako kay luke. Hindi ko lang alam kung ano.  Muli kong kinuha ang larawan namin ni cloud. Heto yung hinding hindi ko pag sasawaang pag masdan, yung mga ngiti mo. Yung ikaw yung katabi ko. Sana masaya ka na dyan sa langit mahal ko. Binuksan ko ang phone ko at nag patugtog sa spotify. Nag play ang playlist ng eraserheads. Kinuha ko ang isang notebook mula sa aking drawer at nag simulang mag sulat. Spolarium Sa isang madilim na sulok Nakatanaw sa malayon iisip kung pano ako napunta dito Kung bakit ganito ang takbo ng mundo, Kung bakit ang daming mapag panggap na tao    Kung panong kayang buranın ng pera ang totoo   Tunay nga bang makatarungan ang mundo? O hindi lang natin makita Ito, ginto ka sa paningin ng iba Pero sakin basura ka lang, Katotohanang iyon binura Kumitil sa buhay ng isa Buhay na binaboy niyong dalawa Habang buhay dadalhin ng isa Ngunit sino nga bang nag bura? Sino nga ba ang may sala? Binalik ko ang aking atensyon sa larawan namin ni cloud bago i balik ito sa loob ng aking drawer bago matulog.  Cloud? Please give me a sign if you want me to fall for luke. I need your help, masyado akong naguguluhan ngayon. Dont worry mahal, ikaw naman hahanapin ko sasusunod na habang buhay eh. Kung ako padin love mo. Imissyou cloud. Dalawin moko sa panaginip ko huh?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD