The next morning
Maaga akong bumangon at nag ayos ngayong araw. Gumugulo padin sa isip ko yung sinabi ni luke kahapon. Totoo kaya yun o baka trip trip niya lang? Kung trip lang yun aba ang kapal ng mukha niyang pag laruan feelings ko ha!
Muli akong tumingin sa salamin at inayos ang uniform ko. Pagka ayos ko ng uniform ay kinuha ko ang aking bag bago bumaba at tumulong kay manang mag luto ng almusal. Si mama ang madalas na nag luluto ng almusal pero minsan hindi dahil sa pagod niya sa trabaho.
'mukhang napagod si mama kahapon ah.' bulong ko sa sarili ko.
Pagkatapos kong tumulong kay manang mag luto ay umupo ako at kumain. Maya maya lamang ay dumating na si kuya kasunod ni mama.
'Ang aga mo ngayon ah, anong meron?' tanong ni kuya sakin pagka upo niya sa tabi ni mama.
'Hmm? wala lang bakit dati naman nagigising ako ng maaga ah.'
Sus oo na lang ako sha.' nakangising sabi nito.
'Mamaya bumili na lang kayo ng dinner ma le late ako ng uwi.'-mama.
'Pahatid ka ulit kay charles mamaya, masarap mag luto yun ng carbonara. Ako na bibili ng ingredients mamaya bago ako umuwi. Maaga naman ako uuwi eh.' utos ni kuya sakin.
'Ok, mauuna nako ma. Baka ma late pa ako.'
Hinalikan ko muna si mama sa pisngi sabay batok kay kuya bago lumabas ng bahay. Ilang minuto lamang ay naka rating na ako sa campus. Nag lakad ako papunta sa mcdo malapit sa school dahil doon ko hihintayin sila camilla. Pinag masdan ko ang paligid animoy kinakabisado ito.
'Isang taon nalang, isang taon nalang aalis nako dito.' bulong ko sa sarili ko.
Maya maya lamang ay dumating na sila camilla at selena na may malaking ngiti. Tsk ano nanaman kayang ganap ng dalawang to.
'Sha shaaaa! eiikk ikaw ha! Hindi ka nag sasabi samin ha!' kinikilig na sabi ni camilla.
'Ano nanaman ba yun ha cammy?'
'Nililigawan ka na pala ni luke ha!'naka ngiting kanchaw ni selena.
'Ha sino nag sabi sainyo nyan?' tanong ko sakanila.
'Secret. So totoo nga? Yiiee ano sabi niya? kailan pa? Kaya mo siguro iniiwasan si luke no para hindi namin malaman?' sunod sunod na sabi ni selena.
'Tange may jowa yan si luke.'
'Ha? so hindi ikaw tinutukoy niya sa post niya?' tanong sakin ni camilla.
'Anong post?'
Pinakita sakin ni selena ang isang status ni luke sa f*******:. Kagabi niya lang pinost.
"I won't leave you, i'll stay despite of everything that has happened. I'll show you that loneliness has an ending."
'Hindi ako yan' sagot ko sakanila.
'Ok sabi mo eh.' sagot naman ni camilla.
Maya maya lamang ay dumating na si Sammantha at nag lakad na kami papunta sa campus. Pag pasok ko sa room ay may naka lagay na isang maliit na box sa ibabaw ng desk ko. Walang naka lagay kung kanino galing. Tinignan ko ang paligid pero wala dun si luke. Binuksan ko ang maliit na box at nakita ang isang necklace na may heart shape na pendant. Sa loob ng heart ay naka ukit ang pangalan ko.
'Kanino galing yan?' tanong sakin ni selena.
'Hindi ko alam eh'
Napalingon ako sa pinto nang biglang tumili si selena at nakita si luke, charles habang si adrew may bitbit na gitara.
'This is for you sha, sana magustuhan mo.' nakangiting sabi ni luke.
'lang awit pa ba ang aawitin, o giliw ko?
Ilang ulit pa bang uulitin, o giliw ko?
Tatlong oras na akong nagpapa-cute sa'yo
'Di mo man lang napapansin ang bagong t-shirt ko'
So seryoso nga siyang liligawan niya ako?
'Ilang isaw pa ba ang kakainin, o giliw ko?
Ilang tansan pa ba ang iipunin, o giliw ko?
Gagawin ko ang lahat pati ang thesis mo
Huwag mo lang ipagkait ang hinahanap ko'
Nag lakad siya palapit saakin sabay abot ng isang rosas
'Sagutin mo lang ako aking sinta'y
Walang humpay na ligaya
At asahang iibigin ka
Sa tanghali, sa gabi at umaga
Huwag ka sanang magtanong at magduda
Dahil ang puso ko'y walang pangamba
Lahat tayo'y mabubuhay ng tahimik at buong...
Ligaya'
'Sha seryoso ako sayo. Hayaan mo sanang ligawan kita.' -luke.
'Oo na payag na akong manligaw ka.' At ayon na nga people, Bumigay na ako. Wag niya sanang sayangin to.
'Nagustuhan mo ba yung necklace?' tanong niya sakin.
'Oo naman. Teka bakit nga pala may pa necklace ka pa?'
'Para nandyan ako palagi malapit sa puso mo' -luke.
'Tanga baka malapit sa s**o! HAHAAHA' gatong naman ni andrew.
'Tado ka talaga drew.' binatukan siya ni charles sabay ngiti sakin.
'Ikaw luke wag mong lolokohin yan si sha sha ha? Lagot ka talaga samin ni samuel.' pag babanta ni charles.
'Akala ko talaga ikaw man liligaw kay sha. Kasi tatlong linggo na din kayo palaging magka sabay umuuwi eh.' sagot ni selena kay charles.
'Tangeks kababata ko kuya ni sha sha kaya ayun pakiramdam ko obligado akong bantayan tong pangit na to diba nget?'- charles.
'Ewan ko sayo ang pangit mo din'
Maya maya lamang ay nag simula na ang aming klase. Smooth naman ang araw na to. ganun padin, sabay sabay kaming nag lunch habang nag k kwentuhan. Muntik na ma late sa 4th subject. Mga bagay na nakasanayan na namin gawin kapag may pasok.
'Charles sa bahay ka daw mag dinner sabi ni kuya.' bulong ko sakanya.
'Sige sabay tayo mamaya papunta sainyo.'- charles.
Nag ring ang bell namin hudyat na tapos na ang last period namin at pwede na kaming umuwi. Nag paalam ako kala selena at luke na mauuna na umuwi dahil hinihintay kami ni kuya sa bahay. Pumayag naman si luke na ihatid ako ni charles dahil kaibigan niya naman daw ito at kababata namin si charles.
'So its official, nililigawan ka na ni luke.' halatang may pagka dismaya si charles ng sabihin niya ito.
'Bakit parang ayaw mo?' natatawang tanong ko.
'Hindi naman sa ayaw ko. Baka kasi lokohin ka ni luke eh.' -charles.
'Hindi mo naman hahayaan yun diba? At alam mong hindi pwede gawin ni luke yun.'
'Sana nga, sana lang talaga' -charles.
Tahimik na nag maneho si charles paalis ng campus. Hindi na ako nag salita baka kasi mag over think nanaman ako. Hindi naman magagawa ni luke yon eh. Nangako siyang sasamahan niya ako. Kaya there's no need for me to worry.
Nang maka dating kami sa bahay ay sinalubong kami ni kuya sa gate. Ngumiti lang ako kay kuya bago umakyat papunta sa aking kwarto. Makalipas ang isang oras ay tinawag na ako ni kuya para kumain ng dinner.
'Nililigawan ka na pala nung mokong na yun?' tanong sakin ni kuya.
'P...pano mo nalaman?' tumingin ako kay charles at nag kibit balikat lang siya.
'Si selena nag sabi sakin. May alam ka ba tungkol dito pre?' tumingin si kuya kay charles na may pag dudang tingin.
'Walang alam si charles at oo. Oo nililigawa na ako ni luke.' sagot ko sakanya.
'Ok.'
Hindi na ako sumagot dahil mukhang ayaw talaga ni kuya kay luke. Hindi ko naman siya ma sisisi. Kung siya din naman mag sasabing may jowa na yung nililigawan niya magagalit din ako eh.
Pag katapos kong mag dinner ay agad din akong bumalik sa kwarto dahil may pag uusapan daw si kuya at charles. Kung ano man yun labas na daw ako dun. Inilibot ko ang tingin ko at nakita ang drawer na pinag tataguan ko ng pic namin ni cloud. Lalapit na sana ako nang biglang nag ring ang phone ko.
Beanstalk
hi short cake
imissyou
sorry di kita namimiss HAHAAH
Awch:
ako i miss you, a lot
sleep na ok? kaya di ka natangkad eh
lol, ok goodnight
goodnight
And again, i wont tell you to dream of me
just have some sleep
Binalik ko ang tingin ko sa drawer bago pinatong ang phone ko sa side table. Kinuha ko ang picture namin ni cloud bago umupo sa kama.
'Hi baby, imissyou' bulong ko sa sarili ko.
Its time to give my heart another chance to love and be happy. Im finally setting you free my love. Dadalawin padin kita at hinding hindi ko itatapon ang ating larawan. Dahil ito ang paraan upang ma alala ko kung gano tayo kasaya noon.
Kinuha ko ang aking notebook at muling nag sulat ng isang obra.
larawang kupas
'Larawan' isang bagay na palagi kong pag mamasdan,
isang bagay na aking pang hahawakan,
mga ngiti mong kay tamis tignan,
pag iibigan nating dalawa'y aking na aalala
ang larawang ito ang sumisimbolo sa ating nakaraan,
nakaraang hindi na muling mababalikan
larawang mag papa alala sa akin kung gaano kita ka mahal
at ito'y larawan nating dalawa
kumupas man ang larawang ito'y
hinding hindi kukupas ang pag mamahal ko sayo,
iingatan ang larawang ito
tulad nung ikaw pa yung iniingatan ko
Isa itong yaman ng puso ko
Makulay na yugto ng buhay ko
Bumabalik ang ligayang lipas
salamat sa larawang kupas
DISCLAIMER!!!
THE LAST STANZA ISNT MINE. LYRICS SIYA NG KANTANG LARAWANG KUPAS BY JEROME ABALOS, ONE OF MY FAVE SONGS (SKL).