Chapter 13

1703 Words
DISCLAIMER: THIS CHAPTER IS UNEDITED SO THERE MIGHT/WILL BE SOME ERROR SUCH AS (NG, NANG, SA'AKIN ETC). ALL CHAPTERS WILL BE EDITED WHEN THE STORY IS DONE. This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. 'Saan nga kasi tayo pupunta?' tanong ko sakanya habang nag s seat belt. 'Gusto mo talaga malaman?' tanong niya ulit sa akin. 'mag tatanong ba ako kung hindi? Ewan ko talaga sayo.' Ngumiti lang siya at muling nag text sa  phone niya. 'Dahil wala ako kahapon babawi ako. Nag paalam na ko kay tita wag ka mag alala.'-luke. 'Saan nga kasi.' 'Ipapakilala na kita kala mama at papa, kay ate na din siguro kung nandun pa siya sa bahay.' sagot niya habang naka tingin sa kalsada. Bigla akong napa tahimik nang sabihin niya yun. Seryoso ba siya? Ipapakilala niya na ba talaga ako sa pamilya niya? 'Oh bakit ka natahimik dyan?' nag aalalang tanong niya sa akin. 'Ha? Wala. Seryoso ka? Ipapakilala mo na ba talaga ako?' tanong ko sakanya. 'Oo, bakit ayaw mo ba?'  tanong niya sakin. 'Gusto syempre. Nakaka kaba naman to hindi mo man lang sinabi sa akin sana nakapag ready ako.' 'Alam mo namang maganda ka na, di mo na kailangan mag handa. Sigurado na ako sayo kaya ipapakilala na kita sakanila.' sagot niya habang hawak ang isa kong kamay. Ah so sigurado na din siya sa ex niya dati kaya nakilala ng pamilya niya.  'Ano nanaman iniisip mo?' -luke. 'Ah wala. Mahal na ata kita.' 'Wag kang mag madali. Hindi naman kita minamadali eh. Handa akong mag hintay sayo. Sabi ko nga sayo diba manalo o matalo susugal ako. Kahit masaktan mo pa ako hindi ako aalis sa tabi mo.' -luke. Ngumiti ako sakanya bago lumingon sa bintana. Pakiramdam ko pulang pula ang mukha ko. I may have lost cloud a year ago but look at what god gave me. He gave me a man who is willing to take the risk and fall.  Maya maya lamang ay naka rating kami sa tapat ng isang wooden gate. Pag pasok namin doon ay agad bumungad ang isang magandang mansyon. Nakaka kalma ang paligid dahil meron itong mga puno at mga damo sa paligid. 90's with a modern twist huh.  'Si mama ang architect ng bahay na ito at si papa naman ang engineer.' Binuksan ni luke ang pinto ng bahay. Agad bumungad ang ate ni luke. 'Oh nandito na pala kayo. Ma sila luke nandito na!' Sigaw ng ate niya. 'Oh kamusta? Eto na ba si sharmain?' naka ngiting tanong ng ate niya. 'Oo. Sha si ate liz. Nag iisang ate ko.' turo niya sa ate niya. 'Hi ako si Lizzie Love Amherst. Call me ate liz.' Ngumiti siya sa akin bago nakipag beso. 'Sharmain Mendoza po, sha sha nalang for short.' 'Pabayaan mo yan si luke dyan. Puntahan natin sila mama.' hinila niya ako papunta sa kusina at nakitang naka upo ang isang lalaki.  'Ay pa, eto na si shasha oh. Yung bebe ni luke.'- lizzie. 'Magandang tanghali po.' 'Umupo ka na iha. Teka asaan na nga ba si luke?' tanong niya kay ate liz. 'Pa, Etong si ate mas excited pa sa akin. Ikaw ba manliligaw niya?'  'What? Im excited eh. Wait until mom sees her.' ngumisi siya kay luke bago umupo sa kabilang side ng table. 'Subukan mo lang talaga.' banta ni luke. 'Oh luke nandito na pala kayo.' Nag lakad siya papunta sa tabi ni ate liz at umupo doon. 'Opo ma, eto po si sharmain. Nililigawan ko.' ngumiti si luke sa akin bago tumingin sa mama niya. 'Sharmain? Bakit ang sabi ng ate mo si maria ang pupunta? Nag luto pa naman ako ng paborito niya.' Ouch, medyo masakit ha. 'Ma, nandyan yung bata oh. Para ka naman walang alam. Maupo na kayo iha pag pasensyahan mo na ito sadyang mali ang balitang nakarating saamin.' sagot naman ng papa niya. 'nako ok lang po.' Ngumiti ako sakanila bago umupo sa tabi ni luke, kaharap ang ate niya. 'Anong balak mo iha for collage?' tanong sa akin ng papa niya. 'Pinag iisipan ko pa po kung mag c-civil engineering po ako or surgeon po.' sagot ko sa kanya. 'Wise choice. Parehas malaki ang income kaso baka mahirapan ka mag hanap ng trabaho niyan.' sagot naman ng mama niya. 'Kung mag d doctor po ako mahihirapan po ako pero kapag nag engineer po ako pwede po ako mag trabaho sa kompanya ng mama ko.' 'Ano bang pangalan ng company niyo?' tanong saakin ng papa niya. 'Mendoza's group of company po.'  'Anak ka ni Architect Mendoza?' nasamid ang mama ni luke nang marinig ang apilyedo namin. 'Ah opo.' tipid kong sagot. 'Well i must say, magaling kang pumili luke.' ngumiti si luke sa papa niya bago nag patuloy sa pag kain. 'Ikaw luke? Anong balak mo for collage?' tanong ng mama niya. 'Civil engineering din ma gaya ni papa.' sagot ni luke. 'Ikaw naman lizzie kamusta naman ang pag take mo ng board exam? ' tanong sakanya ng papa niya. 'Correction pa Attorney Amherst.' Sagot niya. 'Naka pasa ka anak?' gulat na tanong ng mama niya. 'Bakit parang di ka makapaniwala ma?' natatawang tanong niya. 'Congrats anak.' Ang laki ng ngiti ng mama at papa niya. Maganda na matalino pa saan ka pa? Kay ate liz ka na. 'And because i passed we are going to celebrate' ngumiti siya sabay kuha ng cake. Nag patuloy ang tawanan namin dahil nag kwento ang papa ni luke tungkol sakanila mula noong nanliligaw pa siya sa mama ni luke hanggang sa mga kwento nila luke at ate liz noong bata pa sila. 'I never did that!' kontra ni ate liz sa mama niya. 'Oh sweetie yes you did. Infact your cousins can prove it to you hahahaa.' natatawang sagot naman ni tita. Wow lakas tita HAHAHA. 'sorry im late.' bungad ng isang babaeng pamilyar ang mukha pag pasok niya ng dining room. 'Maria! Im so glad you came. Akala ko hindi ka na pupunta.' nag beso si ate liz sakanya bago lumapit kay tita para bumeso. 'Pwede ba yon? Ako mawawala sa celebration mo ha attorney amherst? ' ngumiti siya sa papa ni luke bago tumingin kay luke. 'Hi.' kumaway siya kay luke bago umupo sa tabi ni ate liz. 'Glad you came maria. Kumain ka na, pinag luto kita ng paborito mo.' Ngumiti siya kay maria bago muling nag patuloy sa pag kain. 'Well I'm already done eating. Stay here ill show sharmain something.' sambit ng papa niya bago tumayo. Lumingon ako kay luke para mag paalam. Tumango naman siya sabay bulong na susunod siya pagkatapos niyang kumain. Sinundan ko papunta sa kabilang kwarto si tito. 'Halika rito iha may ipapakita ako sayo.' sinundan ko siya papunta sa isang table habang may kinakalkal siya sa mga drawer. Kinuha niya ang isang blueprint at inilatag ito sa lamesa. 'Eto ang pinaka una kong plano dito sa bahay bago pa dumating sa buhay ko ang mama ni luke. Isa ito sa mga pangarap kong bahay.'- tito. 'Bakit hindi po nasunod?' tanong ko sakanya. 'Mas maganda ang naging plano noong dumating ang tita lucy mo sa buhay ko.' ngumiti siya habang naka tingin doon sa blueprint. 'Gusto ko pag nagka licences ka na eto ang una mong pryekto.' tumingin siya sa akin bago inimis ang blueprint at inilagay sa blueprint carrier. 'P..po? Bakit po sa akin? Si luke po mag e engineer din naman ho siya.' hindi naman sa pinapasa ko kay luke pero nakaka kaba lang talaga.  'Sabihin nalang nating mas may tiwala ako sayo kesa kay luke and also a memory of me na din. You know i support your relationship with luke and i know you will take good care of my son.' inabot niya saakin ang blueprint carrier sabay ngiti. 'Salamat po sir.' 'You can call me papa or tito, kung saan ka komportable and i will call you maine.' 'maine po?' tanong ko sakanya. 'Because i want you to be luke's maine woman.' banat niya naman. Tumawa kami parehas dahil sa banat niya. Alam ko na kung kanino nag mana si luke. Nakarinig kami ng sigawan mula sa labas kaya agad kaming lumabas para tignan kung anong nang yayari. 'Ang kulit mo naman! Hindi ka maka intindi eh no!?' sigaw ni luke kay maria. 'Luke how dare you! Maria is only asking you!' sigaw sakanya ng mama niya. 'Kita mong may nililigawan na ako diba ma?!' sigaw nito pabalik. 'Both of you thats enough! And you, you should stand up' turo niya kay maria. 'T... Tito.'-maria. 'Luke you and maine should go now, its getting dark. Baka hanapin na siya.' tumango si luke at nag lakad papunta sakin. Hinatid kami ng papa niya hanggang sa tapat ng gate nila.  'Ingat kayo pauwi' sambit ni tito. 'Pasensya na pa.'-luke. 'Ayos lang yun. Ingatan mo to si maine. She's a keeper nak.' Muli kami nag paalam sa papa niya bago sumakay sa sasakyan.  'Sorry.'-luke. 'Ok lang ano ka ba.' 'Maine huh? Ano pinag usapan niyo ni papa? At bakit may dala kang ganyan?' tanong niya sakin. 'Maine daw kasi he wants me to be your maine girl.' tumawa siya at nag maneho palayo ng bahay nila. Tahimik lang kami sa byahe. Halatang nalulungkot siya sa nangyari kanina.  'Hey, you know that im always here right?' tanong ko sakanya nang makarating kami sa tapat ng bahay namin. Tumango lang siya at ngumiti. 'Hey baby dont be sad. Its ok, Im still here and no matter what happens i will always be here for you.' niyakap ko siya sabay halik sa pisngi niya. 'I love you, and i would do anything to make you happy.' sagot niya sa akin. 'Anything?' tanong ko sakanya. tumango lang siya sabay ngiti. 'Anything huh? Well then can you be my boyfriend?' tanong ko sakanya. 'Huh?'  'Ay mali. Since you told me na your willing to do anything then be my boyfriend.' 'Sinasagot mo na ako?'-luke. 'Yes. Starting today, September 10, 2020 you are now officially my boyfriend.'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD