bc

The Ceo's Probinsyana Wife

book_age16+
4.9K
FOLLOW
30.4K
READ
HE
friends to lovers
heir/heiress
sweet
like
intro-logo
Blurb

Blurb

Malas. Iyon ang nasa isip ni Nico nang muntikan na niyang mabangga ang isang magandang dilag. Dahil sa malakas nitong bunganga ay umurong ang awa na naramdaman niya. Lakas-loob pa siya nitong binato ng suot nitong sapatos. Dahil sa inis ay papatulan na niya ito ngunit bigla itong nahimatay.

Palabiro, makulit, at madaldal. Iyon si Samantha. Laki siya sa probinsya kaya naman ay lumuwas siya sa maynila upang makipagsapalaran. Para sa kanya ay hulog ng langit ang pagtatagpo nila ng binatang si Nico kahit ubod ng sungit nito. Kaagad niyang tinanggap ang alok ng binata na tumira pansamantala sa pamamahay nito.

Hindi niya namalayan na nahuhulog na pala ang loob niya rito. Ngunit alam niyang mali, at sa huli'y masasaktan lamang siya. Dahil langit ito, at lupa siya. Tatanggapin kaya niya ang alok nitong maging Mrs. Nicholas Monteverde?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Chapter 1: Samantha del Valle “Sorry, Miss, pero wala pong bakanteng trabaho dito,” sabi ng waiter na pinagtanungan ko kung may bakante pa ba silang trabaho sa restaurant na pinagtatrabahuhan niya. “Walang hiring ngayon.” “Ah, ganoon po ba. Sige po salamat,” pilit kong ngiti bago lumabas ng restaurant. Nagpalinga-linga ako habang hawak ang ilang piraso ng papel. Nawawalan na talaga ako ng pag-asang makahanap ng trabaho. Bumuntonghininga ako at hindi ko na matiis ang hapdi ng aking sikmura. Gutom na gutom na talaga ako. Hindi ako kumain para hindi mabawasan ang kaunting perang naitago ko bago lumuwas ng maynila. Kanina pa akong umaga naghahanap ng trabaho pero kahit waitress man lang ay walang tumanggap sakin. Ipinusod ko ang mahaba at kulot kong buhok. Ganitong naghihirap ako ay hindi ko maiwasang isipin ang dalawang taong kumupkop sa akin. Noong nabubuhay pa sina Nanay at Tatay, ang sabi nila ay nakita lang nila ako nakatago sa ilalim ng puno ng saging. Sabi nila ay parang iniwan daw ako roon. Dahil liblib ang lugar, hindi nila alam kung sino ang nag-iwan sa akin. Mabuti na lang daw at sila ang nakakita sa akin at nabigyan ako kahit papaano nang simple at magandang buhay. “Ate, gutom na po ako. Pahingi po ng pambili ng pagkain,” rinig kong wika ng batang babae na nakatayo sa aking tabi. Nilingon ko siya. Bigla akong naawa dahil sa itsura niya. “H-Huh? Nako, sakto lang din itong pera ko,” sabi ko habang iniisip kong tutulungan ko ba ang babae. Kapag binigay ko sa kanya, wala na rin matitira sa akin at baka sa kalye na lang din ako titira. Malapit na siyang maiyak kaya naman dali-dali akong nagsalita. “Ano ba ang pangalan mo?” tanong ko sa kanya. “Ellen po,” tipid niyang sagot. “Sige. Halika na at maghanap tayo ng karinderya. Kakain tayong dalawa,” alok ko sa kanya. Nakangiti naman itong sumunod sa akin. Hinawakan ko ang kamay niya at sabay kaming tumawid sa daan papuntang kabilang kalye pero hindi ko kaagad napansin ang mabilis na sasakyan. Hindi ako makagalaw nang napagtanto kong masasagasaan kami. Mabilis kong ipinikit ang akong mga mata pero lumipas ang ilang segundo ay wala akong maramdamang sakit sa katawan kaya dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata. Bumungad sa akin isang mamahaling itim na sasakyan. Nakahinto ito sa aming harapan. Ramdam ko rin ang paghihigpit ng kamay ni Ellen na nakahawak sa akin. Ilang sandali lang ay bumaba ang isang matipunong lalaki na nakasuot ng pormal na damit. Hindi ko alam kung dahil ba ito sa gutom pero nang magsalubong ang aming mga mata ay biglang bumilis ang t***k ng aking puso. Nahigit ko aking hininga. May kung anong pumitik sa aking dibdib. Hindi ko maintindihan ang aking nararamdaman, kusang naghahabulan ang mga paru-paru aking tiyan. Hindi ko alam kung bakit. “What the heck! Are you trying to kill me?” malakas at galit nitong sigaw ng makalapit sa kinatatayuan namin. Naramdaman ko ang panginginig ng kasama ko kaya hinawakan ko siya nang mahigpit. Sa isang iglap ay nawala ang kiliti sa aking tiyan at napalitan ito ng inis. Biglang kumulo ang dugo ko dahil sa pagsigaw ng lalaki. “Hoy, Mr. Balasubas! Sa pagkakaalam ko, ikaw ang muntik ng bumangga sa amin. Baka nakakalimutan mong nasa pedestrian lane kami.” Tinuro ko pa ang kinatatayuan namin para maalala niyang siya ang mali. “Kung gusto mo ng mamatay, huwag mo kaming idamay. Gutom lang kami pero gusto pa naming mabuhay!” malakas kong singhal sa kanya dahil sa sobrang inis. Pakiramdam ko ay tatalon palabas ng aking katawan ang aking puso sa sobrang bilis ng t***k nito. “Ang tigas ng mukha mo, gagawin mo pa akong mamamatay tao. Tirisin kita riyan, eh,” hinihingal ko pang dagdag. Nahihirapan akong huminga dahil sa inis ko sa kanya. “Gwapo sana kaso ang pangit naman pala ng ugali,” bubulong-bulong ko pang wila. Napatitig lang siya sa akin ng ilang segundo bago tumikhim at magsalita. “Such a clumsy, stupid girl,” seryuso nitong sabi bago tumalikod at bumalik sa sasakyan. “Aba!” Sumosobra na talaga ’tong balasubas na ’to, ah. Yumuko ako at tinanggal ang suot kong sapatos. Malakas ko itong binato at sapol ito sa batok. Pinandilatan ko siya nang galit itong lumingon sa amin. “Ate, anong ginawa mo?” nahintakutan na tanong sa akin ng aking kasama. Magsasalita na sana ako nang bigla akong nakaramdam ng pagkahilo. Napahawak ako sa balikat ng aking kasama. Dumidilim ang aking paningin. “A-Ate . . . Ayos ka lang po ba?” nag-aalala niyang tanong sa akin. Hindi nagtagal ay tuluyan ng nilamon ng kadiliman ang aking paningin.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
104.4K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.4K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.6K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.8K
bc

The naive Secretary

read
69.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook