CHAPTER 7 : TYRONE BIRTHDAY | PART ONE

997 Words
IYA POV Araw na ng linggo at ngayon ang kaarawan ni Tyrone. Hindi ko siya nakita simula pa kahapon. Ala sais na rin ng gabi at marami na ang mga bisita. Puro mga modelo at artista, nakakahiyang makipag sabayan sa kanila. Nandito lang ako sa isang tabi nakatayo, simpleng dress lang ang suot ko dahil ito lang ang meron ako. Nagpa-cater lang si Senyorita Qatara para daw hindi na mapagod si Manang Belen. "Ehem Iya," napalingon ako sa likuran nang tawagin ako ni Senyorita Qatara. "Magandang gabi, po Senyorita, ang ganda niyo po," manghang sabi ko sa kaniya. Naka-golden yellow gown siya na hapit sa katawan niyang maganda. Lahi siguro nila ang mga modelo? "Thank you, by the way. I have something for you," sabi niya sa akin. "A-ano po iyon?" tanong ko. "Come with me." Hinila niya ako paakyat sa taas at nagtungo sa kaniyang kuwarto. "Senyorita, ano po ang ginagawa natin rito?" tanong ko pagpasok namin sa kaniyang kuwarto. "Bibihisan ka, pasasalamat ko sa'yo sa pagtulong mo para sa birthday ng kapatid ko," nakangiti siya sa akin. "Ruth, puwede mo ba siyang pagandahin tonight?" tanong niya sa babae na nag-ayos siguro sa kaniya. "Yes, Maam," sagot nito. "Hmm, maganda ka naman. Kaunting ayos lang 'to and palitan natin ang dress mo," Sabi sa akin ng babae na si Ruth. "T-talaga?" hindi makapaniwalang tanong ko. Na e-excite ako sa maging kalabasan ng itsura ko. Aminado akong maganda ako, 'di nga lang ako mahilig mag-ayos. Sinimulan na niya akong make up-an, naka pikit lang ako at hinayaan ko siya sa gagawin niya sa mukha ko. Mayamaya pa, ay ang buhok ko naman ang inayos niya. May ini-spray siya at tinali niya ang kalahati tapos may tinira siya sa magkabilaan at pakiramdam ko kinulot niya. "Ayan, perfect!" sabi niya. Dahan-dahan kong ibinuka ang mga mata ko at tumingin ako sa salamin. Hindi ako makapaniwala sa naging itsura ko. Ako ba talaga to? "Here is your dress, go change it," sabi ni Senyorita at inabot sa akin ang red dress. Kinuha ko iyon at pumasok sa banyo. Paglabas ko nanlaki ang mata ni Ruth at lumawak ang ngiti ni Senyorita. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin at mas hindi ako makapaniwala sa itsura ko. Kahapon lang ay isang katulong lang ako at ngayon, nagmukha akong prinsesa. Prinsesa na walang palasyo. "You look gorgeous, Iya. I'm sure maraming mapapalingon sa'yo na mga bisita. Are you ready?" tanong ni Senyorita Qatara at inabot niya ang kamay ko. Nanginginig akong tanggapin iyo. "Maraming salamat, Senyorita Qatara. Hindi ko po ito inaasahan," sabi ko sa kaniya. "You're welcome, let's go," sabi niya. "Ay teka, ito ang isuot mo." Inabot niya sa akin ang black sandals na may 'di kahabaan ang takong. Mga 3 inches lang, sanay naman akong magsuot ng may takong dahil sumasali ako ng school pageant noon. Campus model 'to 'no. "You know what, you can be a model, Iya. Your tall, beautiful and sexy. Makinis din ang balat mo and maputi. Anyways, saka na natin pag-usapan 'yan. Let's go downstairs, naghihintay na sila sa akin," sabi ni Senyorita Qatara at lumabas na kami ng kuwarto niya. Nasa ibaba na kami, at dumiretso sa may pool kung saan nagtipon-tipon ang mga bisita ni Tyrone. "Good evening, everyone," masayang bati ni Senyorita sa mga bisita. "Good evening, Miss Qatara," sagot naman ng mga bisita. "Thank you for coming. Enjoy your night and chill. Anyway, my brother is here. Lady's and gentlemen a round of applause, the celebrant Tyrone Fuentabella!" Napatingin ako sa lugar kung saan pumasok si Tyrone. Naka-black tuxedo siya at itim na sapatos. Ang guwapo niyang tingnan, nagpagupit pala siya at nag-ahit ng balbas. No'ng unang kita ko kasi sa kaniya may balbas siya. Ang hot ng dating niya feeling ko nakakita ako ng Hollywood star. Nasa tapat ko na siya at lumingon siya sa akin. Kusa akong napangiti sa kaniya. Akala ko gaganti siya pero inirapan lang ako at nagpatuloy sa paglalakad. "Suplado," bulong ko. "Hi." May biglang nagsalita sa likuran ko. Paglingon ko si Ryan pala, ang guwapo niya rin sa white tuxedo niya. Ang hot niyang tingnan mukha siyang anghel. "H-hi," nauutal kong bati kay Ryan. "You look gorgeous, Iya, hindi kita nakilala kaagad. Mabuti na lang nagtanong ako kay Ate Qatara." "Salamat, ikaw rin ang guwapo mo," sabi ko sa kaniya. Napatalikod ako nang ma-realize ko ang sinabi ko. Nanginit tuloy ang pisngi ko, nakakahiya. "Alam ko namang guwapo ako, 'wag mo nang sabihin," proud niyang sabi at tumabi sa akin. "Medyo mahangin, natangay ako," pa-biro kong sabi. Tumawa lang siya at nakatingin sa mga bisita. "Gusto mong kumain? I'll get you a food." "Sige, nahihiya kasi ako e, salamat," sabi ko sa kaniya. "Okay, wait me here." Umalis na siya at nagtungo sa mahabang lamesa na may mga pagkain. "Hi!" May babaeng lumapit sa akin. Maganda siya, at parang na mumukhaan ko siya. "M-miss Margaux Lopez?" tanong ko na nanlaki ang mga mata ko. Artista siya at madalas napapanuod ko siya sa tv. Idol ko rin siya. "Yes, I am. You know me pala?" tanong niya "Opo, idol ko ang mga palabas mo," nahihiya kong sabi. "Thank you, your gorgeous. Ka ano-ano mo si Tyrone? Ngayon lang kasi kita nakita." Anong isasagot ko? "A-ahm, f-friend. Oo friend kami," sagot ko. "Ahh, I see." Palapit na sa puwesto namin si Ryan dala ang pagkain. Salamat naman. "Margaux, hi," bati niya sa babae. "Hey! Ryan, magkakilala rin kayo?" turo niya sa aming dalawa. "Yes, sinama ko lang siya rito. Friend namin ni Tyrone," sagot ni Ryan. Nakahinga naman ako ng maluwag. "Owh, really? Anyways, I have to go, babatiin ko muna ang celebrant. See yah," sabi niya at umalis na. "Okay ka lang?" tanong ni Ryan sa akin. "O-okay lang, grabe 'no? Mga big time ang bisita ni Tyrone, nakakahiyang makipag-usap," usal ko. "Masanay ka na, ganiyan talaga kapag artista," sabi niya sa akin. Kumain na kami ni Ryan at in-enjoy ang music sa gabing iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD