TYRONE POV
Natigilan ako matapos naming mag-usap ni Ryan. Hindi ko rin maintindihan kung bakit ganito na lang ang galit ko sa babaeng 'yon. Naalala ko ang una naming pagkikita. It was so annoying dahil binuksan niya ang banyo. I was shock, wala pa ako sa maayos na pag-iisip dahil nag-away kami ni Jessica. Nakipag hiwalay ako sa kaniya dahil nahuli ko siyang may kasamang lalaki sa loob ng condo niya. Naglasing ako, umuwi akong lasing. Kaya paggising ko naligo ako dahil masakit ang ulo ko. And that's it, naliligo ako tapos bigla na lang may nagbukas ng banyo. Isang babae. I don't even know kung nakita niya ang kahubaran ko. Hindi ko pa nakalimutan ang mukha niya no'ng time na 'yon.
Chubby cheek, red lips, matangos ang ilong and maputi. Mahaba rin ang buhok niya na maitim at makintab. Kung hindi ko alam na probinsiyana siya, iisipin kong taga-Maynila siya. But when I knew na probinsiyana siya, nainis ako sa kaniya. Baka nagpapanggap lang siya na mabait pero may hidden agenda pala. They can't blame me, dahil gano'n ang nalalaman ko. Gagamitin nila ang charm nila at kabaitan to get what they want. I will not waste my time to get to know about her. Wala akong interes na kausapin o kilalanin siya.
Lumabas na ako ng studio at pumunta sa condo ko. Doon na lang ako matutulog.
Next week is my birthday. And I don't know kung mag ce-celebrate ako. Since namatay ang parents namin hindi na ako nag ce-celebrate ng birthday. Si Ate lang ang may gusto.
Pumasok na ako sa condo ko and I take a shower.
Paglabas ko ng banyo, saktong tumunog ang phone ko. And It was Ate Qatara, calling.
"Tyrone, where are you? Can we talk about your upcoming birthday party?" tanong niya sa kabilang linya
"I don't have time for that Ate, ikaw na ang magplano," I said.
"But, this is your birthday..."
"Just do whatever you want for the party, Ate..."
"Fine," sabi niya at pinatay na ang tawag.
Kung buhay lang sila Mom and Dad, maybe I was the one who is excited to celebrate my birthday.
IYA POV
Habang nagluluto kami ni Manang, pumasok si Senyorita Qatara sa kusina.
"Manang, sa linggo na ang birthday ni Tyrone. Can you help me for his party?" tanong niya kay Manang Belen.
"Oo naman, Senyorita. Ano ang maitutulong ko?"
"Ahm, I don't have any idea. I ask him pero ako ang pinagdesisyon niya." Sabi ni Senyorita.
"Excuse me po, Senyorita kung gusto niyo po puwede ko po kayong tulungan. Marunong po ako sa mga event na ganiyan," singit ko. Tumingin siya sa akin.
"Really, ano ang alam mo about sa designs?" tanong ni Senyorita Qatara.
"Ano po ang favorite color ni Senyorito Tyrone? Para iyon po ang gagamitin natin."
"Black, he loves black color..."
"Hmm, ganito po. Ako po ang bahala sa design tapos kayo na sa foods kasi po wala naman po akong alam sa pagkain e," kamot-ulo kong sabi.
"Are you sure? Tutulong naman kami, it's just that... Wala akong maisip na idea."
"Sige po, saan po ang event ng birthday ni Senyorito?" tanong ko.
"Sa pool, sa likod ng bahay," sagot ni senyorita.
"Sige po ahm, puwede po kayong tumawag ng event organizer tapos tutulong po ako sa pagdesinyo," suhestiyon ko.
"Okay, thank you Iya. This is a big help for me" sabi niya na hinawakan pa ang braso ko.
"Walang ano man po, senyorita. Gusto ko lang pong makabawi," sagot ko.
"Sige, maiwan ko muna kayo. Tatawagan ko lang ang kakilala kong event organizer," paalam ni senyorita at lumabas na ng kusina.
"Mahilig ka pala sa mga event iha?" yanong ni Manang Belen.
"Sa school po kasi namin dati ako po ang designer kapag may school event and activities," kwento ko kay Manang.
"May talento ka pala?" tanong ni Manang.
"Oo naman po, kumakanta nga po ako e," sagot ko.
"Manang, ano po kaya ang magandang regalo? Gusto ko po sanang regalohan si Senyorito. Peace offering na rin," tanong ko kay Manang Belen.
"Naku iha, 'wag ka nang mag-abala. Iba na lang ang ibigay mo, maliban sa material may puwede ka pa namang iregalo sa kaniya," sabi ni Manang sa akin. Napaisip naman ako, ano naman iyon?
Natapos ang gabing iyon na hindi ko alam kung ano ang ireregalo ko kay Tyrone.
Sabado na ngayon at abala kami sa pag-aayos ng pool. Bukas ng gabi ang selebrasyon ng kaarawan niya. Kumakanta ako habang inaayos ko ang mga table cloth. Natigilan ako sa naiisip ko.
"Tama, alam ko na kung ano ang iregalo ko," usal ko at nagmamadali sa mga ginagawa ko.