BREAKING PROBINSIYANA'S HEART : CHAPTER 5

714 Words
TYRONE POV Nakabihis na ako, pababa na ako ng hagdan at rinig ko ang tawanan nila sa kusina. Nangibabaw ang boses ng probinsiyanang iyon. Ewan pero naiinis ako sa kaniya. Ayoko sa kaniya, naalala ko kahapon ang katangahan niya. Naiinis ako, I want her to leave this house. "Enjoy chitchatting huh!" bungad ko. "Ty, sumabay ka na sa amin, masarap ang pagkain," Yaya sa akin ni Ryan. "No thanks, I am not hungry," pagtanggi ko. "Manang, make me a cup of coffee please," utos ko kay Manang Belen. "Ako na po Manang, maupo na kayo," Singit niya. "Ikaw ba ang inutusan ko? Ikaw ba si Manang?" sarkastikong tanong ko. "A-ahm, hindi pero kasi hindi pa nakakain si Manang Belen, kaya ako na lang ang magtitimpla ng kape mo," sagot niya. "Will you stop pretending na mabait? Sa tingin mo maloloko mo 'ko? Alam kong nagpapanggap ka lang, pero ang totoo may plano kang manipulahin kami." "Ano ba ang pinagsasabi mo, Tyrone? Kung galit ka sa akin dahil aksidente na pumasok ako sa kuwarto mo, sorry. Hindi ko naman talaga sinasadya 'yon," sabi niya. Naningkit ang mga mata ko ang nanggigigil. "Sorry your ass. Let's go Ryan, nakakawalang gana ang pagmumukha ng babaeng 'yan!" padabog kong sabi at lumabas na ng kusina. Sumakay na ako ng kotse ko at nauna nang umalis. "I really hate her!" bulong ko habang nagda-drive. IYA POV Hindi ko alam kung ano ang ikinagagalit sa akin ni Tyrone. Naging maayos naman ang pakikitungo ko sa kaniya. Pero kung pagsalitaan niya ako ng masasakit na salita ay parang hindi ako tao. "Iya, aalis na ako. H'wag mo nang isipin ang mga sinasabi ni Tyrone. Hayaan mo magbabago rin ang pagtrato niya sa 'yo. Not now but not sure," sabi ni Ryan sa akin. "Matatawa sana ako e, pero masakit dito," sabi ko at tinuro ko ang puso ko. Masakit naman talaga mainsulto. "Hayaan mo kakausapin ko siya. Alis na ako, salamat sa breakfast," paalam ni Ryan. Mabuti pa siya mabait sa akin. Niligpit ko na ang pinagkainan namin at hinugasan ko. Pagkatapos kong maghugas pumunta ako sa kuwarto namin ni Manang. Kinuha ako ang litrato ni Lolo. "Lolo, magsisisi na ba ako? Natupad nga 'yong pangarap ko, may kapalit naman. Akala ko Lo, mabait siya kagaya ng mukha niya sa mga magazine. Pero masungit at suplado pala siya sa personal. Lo, tama po kayo hindi ako papatulan ng lalaking 'yon. Pero hindi naman siguro masama kung magustuhan ko siya 'di ba?" Napabuga na lamang ako ng hangin at tinitigan ang mukha ni Lolo sa litrato. Nakangiti siya rito at para bang sinasabi niya na kaya ko 'to... RYAN POV Nagda drive na ako papuntang studio, na una na pala sa akin si Tyrone. Hindi ko alam kung bakit gano'n na lang ang galit niya kay Iya. Mabait naman 'yong tao, pero tinatrato niya ng gano'n. Pagdating ko sa tapat ng studio kaagad akong nag-park. Lumabas ako ng kotse, as usual nagtitilian ang mga kababaehan kapag nakikita ako. Guwapo ko talaga. Pumasok na ako sa loob, minsan si author kontrabida sa kaguwapohan ko. Tsk. "Ryan, move faster kanina pa kami naghihintay sa 'yo," tawag sa akin ng manager namin. "Sorry manager." Pumasok na ako at nagbihis . Pictorial na naman para sa magazine cover, tsk. Makikita na naman ang abs ko nito. "Ryan!" tawag sa akin ni manager M. Isa pa 'to parang araw-araw ni reregla." Bulong ko. After 1year, natapos rin ang pictorial. Lumapit ako kay Tyrone para kausapin siya. "Bro, puwedeng magtanong?" "What is it?" "Bakit nga ba galit na galit ka kay Iya?" "As I've said, idon't like her." "Grabe ka naman bro, 'wag mo namang tratohin ng gano'n ang tao. Why don't you try to know her. Alam mo bang wala na siyang pamilya." "I don't care, sinasabi niya lang 'yan para kaawaan siya. Ugali ng mga taga-probinsiya, paawa effect." "H'wag mong husgahan ang tao bro. Ikaw rin, baka pagsisihan mo ang mga sinasabi mo tungkol sa kaniya. Hindi mo pa siya kilala bro," sabi ko sa kaniya at umalis na. Naawa lang ako kay Iya. Hindi niya deserve ang tratohin at pag-isipan ng masama. I can see in her eyes na nagsasabi siya ng totoo. Nakakalungkot ang buhay niya dahil maging ako ay mag-isa na lang rin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD