chapter 1
Gising na!, ang malakas na sigaw ng barkada ni james sa kanyang kwarto, sabay dagan dito.
"ano ba pre?, kita mong puyat ang tao ei," maktol na sagot nito sa kaibigan na ricky," ano nanaman ang sideline mo kagabi at mukhang pagod at puyat ka?, mukhang nakarami tayo ah? " sabi ng kaibigan, "luko!, may tinapos akong research para sa project namin. syempre kailangan ko itong tiyagaan para naman sa sunod na taon ay makaakyat na ako ng stage, ayaw ko din naman tumanda kakaaral nuh!, paliwanag ni james., "kung sabagay, ilang beses ka na rin nahinto sa college, for sure naman,next year kasama ka na sa mga candidate na ggraduate." sagot ni ricky., teka, bakit hindi mo hanapin ang tatay mo?. wala ka bang plano na hanapin sya? dagdag ng kaibigan, " naku,! hindi na. ngayon pa ba?, ang dami na namin napagdaanan ng inay. saka pa ba ako susuko?. nakangiting sagot ni james habang tumayo at inaayos ang pinaghigaan., "teka pre, phone mo oh, kanina pa ata yan ilaw ng ilaw," nguso ng kaibigan sa cellphone ni james,
Binasa ni james ang sunod sunod na text sa kanya, napangiti nalang sya habang napapailing,."schedule loaded" sabay ngiti at pasok sa cr para maligo.
ginawang partimejob ni james ang pag hire sa kanya upang makadate, dahil sa may itsura at kagandahang pangangatawan ay ginamit nya ito para kumita,. bawat babae ay halos sya na ata ang pinapangarap na makasama o maging kasintahan, binibigyan nya ito ng mga oras para matupad yun sa mga kababaihan ngunit sa tamang presyo.
natatawa nalang si james sa mga babaeng nakakadate nya,dahil sa mga reaksyon ng mga ito, kapag kasama sya, alam ni james na limitado ang lahat, dahil nrerespeto nya ang mga kababaihan, sadyang pinagbibigyan nya lang ang mga request nito na makadate, ngunit may bayad,. ni isa sa mga nakasama o nakadate ni james ay hindi nya binigyan ng kahulugan, hindi sya nag iinvest ng feeling dahil alam nya sa sarili nya na kailangan pa nyang makatapos ng pag aaral, at kailangan nya makapagtrabaho ng maganda.
kahit kailan hindi na nya naisip na hanapin ang dayuhan nyang ama, tanggap na din naman nila ng kanyang nanay ang pag iwan sa kanila, at pinaramdam sa kanya kung gaano sya kaimportante, simula nung nagkasakit ang kanyang ina, ay sya na ang nag trabaho para sa kanila,.ilang beses na din syang nahinto sa pag aaral dahil sa kakulangan sa pera,. kaya ngayon sa kanyang pagsisikap malapit na syang makatapos sa isang University., masaya sya dahil makakahawak na din sya ng dimploma.