Chapter 1
A/N: Before reading this story, make sure na kaya mong lunukin lahat ng masasakit na salita na mababasa mo at mga murang sagad sa buto.
DAFNEY
"E-eto na-napo 'yung p-pinabibili niyo!" Dahan dahan kong iniyabot sa kaniya ang hawak kong kape. "P-pasenya na h-ho, n-natagalan," saad ko.
"Natagalan?" Tumayo siya at bahagyang kinalampag ang lamesa. "Baka sabihin mo nakipag landian kapa sa ibang students dito. Iww lang ah!" Tinignan niya ko mula ulo hanggang paa.
"Pasenya n-napo t-talaga!" Garalgal na ang boses ko, dahil alam ko kung ano ang susunod niyang gagawin at ayun lang ang kailangan kong hintayin.
Gusto ko man tumakbo paalis dito, hindi ko magawa dahil alam kong mas mahirap na kalbaryo ang dadanasin ko pag ginawa ko 'yon.
Kinuha niya ang kape sa lamesa pagkatapos nilagyan niya ito ng spagettie. "You want to try this? Ang sarap diba, nag karoon ng toppings ang kape." Dahan dahan siyang tumayo at hinala ako paupo do'n. "Paulit ulit kong sinabi sa'yo, within ten minutes dapat nandito kana. Sinasagad mo ang pasensya ko babaeng nerd!" Tinapik niya ang balikat ko. "Kainin mo!" Inabot niya sakin yung kutsara.
Hindi ko alam kung kaya kobang kainin 'yon. Siguro kahit baliw ay hindi kayang sikmurain ang kape na may nakahalong spagettie.
"H-hindi k-kopo k-kaya!" Nagmamakaawa na'ko sa kaniya, gusto ko narin maiyak dahil sa kahihiyang natatamo ko ngayon.
Lahat ng mata ay saakin nakatingin, halos mabingi narin ako sa sabay sabay nilang pag tawa at bulungan.
"Kakainin moba 'yan o huhubaran kita sa harapan ng mga studyante dito? Mamili ka!"
Gusto ko man manghingi ng tulong, pero kanino? Lahat sila ay nasa panig niya. Wala akong laban! Wala na siguro akong pagpipilian kung hindi sundin ang gusto niya, ayaw koman pero may natitira pa naman akong awa sa sarili ko.
Sinandok kona 'to gamit ang kutsarang hawak ko, napapalunok nalang ako dahil sa kakaiba at nakakadiring itsura ng spagettie na may kape.
Pumikit nalang ako habang unti unti kong sinusubo 'to.
"Good! Sa susunod kasi bilisan mo ang lakad ha? Hindi yung nag momodel kapa sa hallway. Kala mo naman kinaganda mo, iww lang ah!" Rinig kopa ang mahinahanon niyang tawa.
Na alam kong kinatutuwa niya!
Pakiramdam ko bumabaligtad ang sikmura ko dahil sa hindi kaaya-ayang lasa ang kinakain ko ngayon. Hindi masarap, nakakadiri! Naiiyak nalang ako habang pilit kong nilulunok ang pinakakain niya sa'kin.
"Napaka bagal mo! Hindi mona naman ikakamatay ang pagkain ng marami niyan!" Narinig kong tugon niya, hanggang sa inagaw niya ang kutsara sa kamay ko ng siyang kinadilat ng mata ko.
Hinila niya ang cup sa harapan ko, dinamihan niya ang sandok at hinawakan ako sa panga. "A-ano p-po--"
"Nganga!" Pilit niyang binubuka ang bibig ko, pero umiiling ako. "Sabi ng nganga, e! Iniinis moba--"
Pareho kaming nagulat dahil hindi namin inaasahan ang biglang pagtilampon ng kutsara sa may gilid. Nakatingin lang ako sa kaniya, hindi ko maipinta ang kakaibang seryoso ng mukha niya na ngayon ko lang nakita, kadalasan kasi ay palagi siyang nakangiti.
"Pang ilang students naba ay kailangan mong bullihin?"
Kay Yuri lang siya nakatingin.
"Hanggang gusto ko." Sagot niya habang nakangisi, inalis niya ang kamay niya sa panga ko. "Bakit, ba palagi ka nalang nagingialam sa mga ginagawa ko? Who are you, ba! Isa ka lang namang, student dito!"
"Exactly! Isa lang akong student dito, gano'n rin siya!" Dinuro niya ako, "ako na ang nakikiusap sayo! Wag mong gamitin ang kapangyarihan mo dito, lalo na'yang kayabangan mo para lang makapang api ng tao!" Nagulat na lamang ako ng bigla niya akong hilahin patayo. "Tara na!" Hinila niya na'ko palabas ng cafeteria, pero bago ako tuluyang makalayo ay pinagmasdan ko muna si Yuri.
Seryosong mukha at bahagyang pagngisi ang binato niya saakin na alam ko kung ano ang ibigsabihin!
Huminto kami sa hallway, tinignan niya ako sa nga mata ko. "Sa susunod miss, pag alam mong sobra na ang ginagawa sa'yo ni Yuri matuto kang mag sumbong sa office ng makarating sa head!" Hindi ko mabasa kung ano bang sinasabi ng mata niya, ngayon ko lang siya nakaharap na ganito kalapit dahil kadalasan natatanaw ko lang siya sa malayo. "Dafney, right? Bago ka lang dito at deserve mong itreat ng maayos pero dahil naduduwag kang mag sumbong hinahayaan mo nalang! Tao lang si Yuri at hindi siya kailanman pwedeng katakutan." Huminga siya ng malalim, at tumingin ulit sakin.
"O-oo," garal-gal kong sagot. "S-salamat!"
"Isipin mo lahat ng sinabi ko sa'yo, para sa kabutihan morin 'yon." Ngumiti siya at bahagya pa'kong tinap sa balikat.
Hindi ako sumagot, tumango lang ako.
"Una na'ko sa'yo. May klase pa ako e!" Tsaka siya tumalikod, pero sandali siyang huminto at lumingon saakin. "Lance nga pala." Tumango lang ulit ako, tuluyan na siyang umalis sa harapan ko.
Isang malakas na hininga ang pinakawalan ko, pagkatapos bumalik na'ko sa reyalidad. Kusang mga kilay ko ang tumaas, kasabay no'n ang pag irap ko sa kawalan dahil sa pangalan niyang bumungad sa cellphone ko.
"Why?" Bungad ko.
Nilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng campus, baka mamaya mga students na naman na bigla-bigla nalang susulpot sa harapan ko.
["Finally, you answered your f*****g phone! Ano bang pinag kakaabalahan mo at napaka busy ng princesa ko? Baka naman pinagpalit mo na'ko diyan, ha."]
Sa hinaba ng sinabi niya, parang nag pintig ang mag kabilang tainga ko.
"Ano bang pinag kakaabalahan ko rito jerk?!" Mariin kong tugon. "And please lang, stop calling me princesa. Naiinis ako!"
Narinig ko pa ang mahina niyang bungisngis ng dahilan para mapataas pa lalo ang kilay ko. "Hey! Gusto mo bang sumigaw ako rito ngayon?"
["Just kidding. Anyway, how was your new school? Nag eenjoy kaba?"]
"Are you insulting me? Hindi kaba talaga titigil diyan sa kakaganiyan mo, ha! Barron Samonte!!"
Hindi ko alam kung paanong sigaw ba ang sasabihin ko sa bwisit na'to, dahil baka mamaya ay may makarinig saakin.
["Why? Tinatanong ko lang, Lorraine. Tinabi moba kasi yung pagiging warfreak at kamalditahan mo diyan sa bago mong school? Sa kinikilos mo ngayon ay parang halatang halata kana!"]
"Sa sobrang pag tatago, halos mag mukha nakong tanga Barron! Hanggang kailan ba'ko mag tatagal dito?" Singhal ako.
["Hanggang hindi pa natin nahahanap ang dapat hanapin! Sa ngayon isipin mo muna kung bakit kaba nandiyan, kung ano ba talaga ang pakay mo diyan! Kung paiiralin mo ang kaartehan mo walang mangyayari Lorraine, ako na ang sasabi sa'yo!"]
Kaya ayokong kausap ng matino 'to, e. Umiiral ang pagka matured ng utak!
"Okay!" Walang gana kong tugon.
["Bumalik kana sa klase mo!"]
Hindi nako sumagot pa, binaba kona ang cellphone ko, bagsak ang mag kabilang balikat ko habang nag tutungo ako sa classroom ko.
N
akakabagot, nakakainis, nakakawalang gana. Halo-halong emotion ngayon ang mayroon saakin. Siguro kahit sino naman ganito ang mararamdaman lalo na't mayaman ka at dito ka mag aaral sa PUBLIC SCHOOL? Walang aircon, walang facilities na maganda, walang masarap tambayan, walang masarap na pagkain, at higit sa lahat walang kwentang mga studyante.
Imagine, public school ka tapos ang attitude mo daig mopa ang nag aaral sa private school? Pakshet kung gano'n! Pero wala akong choice kung hindi mag tiis, kailangan kong lunukin lahat ng kaartehan ko sa katawan, kailangan kong ihide ang tunay kong pagkatao para kahit papaano ay may mapala na'ko sa school na'to!
Ilang hakbang nalang sana ang bubunuin ko ay nasa room na'ko, pero kaagad napakunot ang noo ko dahil sa lalaking nakita ko mula sa 'di kalayuan. Malabo ang mata ko kaya hindi ako sigurado kung saakin ba siya nakatingin or sa ibang direksyon?
Kung iisipin kong maiigi, walang kahit sinong students ang gano'n ang porma! Or else may minamatyagan siya rito?
Black jacket with hoodie ang suot niya. Kahit naman nakasalamin ako ay tanaw ko parin siya, 'yun nga lang ay hindi na abot ng mata ko ang itsura niya!
Hindi nako nag dalawang isip pang tumakbo pababa ng building na 'to, dahil baka mamaya ay tama ang iniisip ko.
Na ako ang tinitik-tikan niya!
"Kung sino kaman at malaman kong ako ang pakay mo dito, hindi ako mag dadalawang isip na ilibing ka ng buhay!" Mahina lang ang pagkakasabi ko dahil mapagkamalan akong may sayad.
Malapit nakong makarating sa pinang galingan niya at hanggang ngayon ay nanatili parin siyang nakatayo do'n.
"Talaga? Nililigawan ka niya. Nakakainggit ka naman! Huhuhu."
"Wag kang mainggit, may darating din para sa'yo. Malay mo artista pa 'yan!"
May parating na dalawang students at mukhang dito sa way ko dadaan. Ako na ang nag adjust dahit busy sila sa kalandian nilang dalawa, pero dahil hindi sila tumitingin sa dinadaanan nila. Kusa nalang akong napaupo sa damuhan!
"Sorry miss. Hindi ka namin nakita, ang pangit mo kasi!"
"Hahahahahahahah!!" Nag apir pa silang dalawa at sabay na tumalikod.
Tikom ang mag kabilang kamao ko habang pilit na tumatayo, sandali ko silang nilingon at inimagine ko habang binabali ko ang leeg nilang dalawa.
Nakakagigil!
Binaling kona ang tingin do'n, buti naman ay nando'n pa siya hanggang ngayon. Nag madali na'kong tumakbo at dahan dahan na lumapit sa kaniya, nakatalikod siya sakin at mukhang may pinag kakaabalahan. Niready ko ang sarili ko just in case na manlaban siya!
Hinila ko ang hoodie niya at pinaikot sa harapan niya ng dahilan para masakal siya nito.
"A-ano---"
Gano'n nalang ang pagkabigla ko ng ibang tao ang nakaharap ko, si Lance..
"S-sorry..." Binitawan ko kaagad yung hood niya, hindi ko alam kung anong paliwanag ang gagawin ko nito ngayon.
Tumalikod na kaagad ako at hindi na hinintay pang mag salita siya!