Mahimbing pa ang pagkatulog ko nang gisingin ako ni Hamish. Hindi ko pa nga sana gustong bumangon kaya lang kailangan naming umalis na sa kaharian ng agila. Ang isa niyang kamay ay nasa balikat ko na niyugyog ako nang mahina kasabay ng pagbulong sa aking tainga. "Bumangon ka na diyan." Ramdam ko ang init ng hininga niya sa aking balat. "Mamaya na," daing ko na binabaon pa ang aking mukha sa unan. "Babangon ka ba? O may gagawin tayo ngayon? Pasukin na kaya kita," ang huli niyang bulong na ikinamulat ko ng aking mga mata. Hinawakan pa niya ako sa pisngi ng puwetan ko. Napabangon na lang ako ng upo kasabay ng pagsiko sa kaniyang tagiliran. "Masyado ka," sabi ko pa nga. Bihis na bihis na siya samantalang ako ay hubo't hubad pa rin. "Masyadong ano?" panunubok niya sa akin na nakangiti.
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


