Halos walang naging tulog si Isabela, ngunit katulad ng sinabi ni Uno ay kailangan niyang pumasok ng mas maaga sa alas otso. Bukod kasi sa pag-aalala niya sa kaniyang ina ay hindi rin niya magawang makatulog dahil sa pag-iisip ng kung anong magiging kabayaran sa lahat ng naitulong sa kaniya ng boss niya. Hindi naman siya nagsisisi na tinanggap niya ang tulong ni Uno, hindi lang niya maiwasan ang kabahan. Pakiramdam niya ay tuluyan nang mababago ang buhay niya sa oras na tumuntong siya sa opisina ng kaniyang boss mamaya at malaman ang kapalit ng lahat ng naitulong nito. “Anak, sigurado ka bang kaya mong pumasok?” may pag-aalalang tanong ng kaniyang ina. “Opo naman Inay,” nakangiting sagot niya at pilit na itinago sa ina ang kabang nararamdaman. Lumapit siya sa kaniyang ina at hinalikan ni

