9

1688 Words
Masyado nang umaapaw ang katuwaan sa puso ni Isabela dahil sa wakas ay mayroon na siyang libro ng paborito niyang nobela. Wala mang malinaw na sinabi ang boss niya kung libre ba ito o kaltas na naman sa sahod niya ay wala na siyang pakialam. Kinuha na niya ang kaniyang bag pati na rin ang paperbag upang umalis na. Ngunit natigil siya nang biglang tumunog ang kaniyang de-keypad na cellphone. Kinuha niya ito sa kaniyang bulsa at binasa ang isang text message ng kaniyang kapitbahay. Isabela, sa ospital ka na dumeretso. Isinugod namin ang nanay mo dahil inaapoy siya ng lagnat. Agad na pumatak ang mga luha ni Isabela dahil sa narinig. Malayo ang public hospital sa kanilang bahay pati na rin sa opisina kaya naman hindi niya alam kung paano makakarating agad doon. Tiyak na kulang ang naitabi niyang pera para sa pagpapagamot sa kaniyang ina, at ayaw na niyang bawasan pa iyon para ipasahe niya. Mabilis niyang pinahid ang mga luha sa kaniyang mata. Wala na siyang oras upang mag-isip pa. Isang solusyon lamang ang naiisip niya kaya mabilis siyang pumasok sa opisina ng kaniyang boss. Ni hindi na niya nagawa pang kumatok. "Ms. Isabela," gulat na sambit ni Uno. "Sir Ichiro, alam kong kalabisan na po ito pero maaari po ba akong bumale sa inyo? Kailangan na kailangan ko po kasi ngayon ng pera," desperada niyang sambit. Kumunot ang noo ni Uno at pinag-aralan niya ang babaeng nasa harapan niya ngayon. Hindi agad siya makapagsalita sapagkat nabigla siya sa mga sinabi ng dalaga. Hindi nagugustuhan ni Isabela ang hindi pagsasalita ng kaniyang boss. Kaya dahan dahan siyang lumuhod. "Isabela, what the h*ll?" "Sir, please po. Nasa ospital po ang nanay ko at walang wala po ako ngayon. Kayo na lang po ang pag-asa ko," umiiyak na pakiusap ni Isabela. Ni minsan ay hindi niya naisip na luluhod siya sa harap ng boss niya o sa kahit na sinong tao pa, ngunit para sa kaligtasan ng kaniyang ina ay gagawin niya ang lahat. "I want you down on your knee, but not in that way." Hindi lubos na naintindihan ni Isabela ang sinabi ng kaniyang boss. Tatanungin na sana niya ito ngunit agad na itong lumabas ng opisina. Sa pagkataranta niya ay sumunod naman siya dito. "Sir, please po. Pabalehin niyo na po ako," pag-uulit pa niya habang sinusundan niya ito. Kinuha ng binata ang cellphone sa bulsa nito. Nagpipindot ito at saka inilagay sa tainga. "Hello, bring my car to the front," maawtoridad nitong sabi sa cellphone nito. Pagkatapos ay humarap sa kaniya ang kaniyang boss. "Saang ospital naka-admit ang nanay mo?" kaswal na tanong pa nito sa kaniya. "P-po? Sa public hospital po," alanganin niyang sagot. Muling naglakad si Uno kaya walang nagawa si Isabela kundi ang sumunod dito. Nang makarating sila sa labas ng building ay nandoon na ang sasakyan ng binata. Nanlulumong pinagmasdan niya ang kaniyang boss na sumakay sa sasakyan nito. Buong akala niya ay tutulungan na siya nito ngunit nagkamali siya. Sa palagay niya ay uuwi na ito na hindi man lang siya binigyan kahit piso. "Ano pang tinutunganga mo dyan? Sakay na," kaswal na sabi ni Uno nang ibaba nito ang bintana ng kotse niya. Agad na nabuhayan ng loob si Isabela kahit walang kasiguraduhan kung bakit siya pinapasakay nito sa sasakyan. Ngunit hanggang hindi siya binibigyan ng pera ng boss niya ay hindi siya lalayo sa binata. Kaya mabilis siyang sumakay ng sasakyan nito. Walang imik na nagmaneho si Uno habang si Isabela ay hindi mapakali sa kaniyang inuupuan. Umaasa siya na ihahatid siya ng amo niya sa ospital ngunit ayaw naman siyang madismaya kung sakaling mali pala ang akala niya. Ang hirap pakiramdaman ng kaniyang amo. Sa sobrang tipid nitong magsalita ay hindi niya tuloy alam kung may binabalak ba ito o tutulungan lamang siya. Mabilis din ang patakbo ng sasakyan kaya mas pinili na lamang ni Isabela na manahimik. Tiningnan na lamang niya ang kaniyang cellphone at itinext ang kaniyang kapitbahay. Tinanong niya kung kumusta ang kaniyang ina at tinanong na rin niya kung sino ang nagbabantay dito. Ilang saglit pa ay nakarating na sila sa ospital. Lihim na napangiti si Isabela sapagkat kahit hindi pala-salita si Uno ay naa-appreciate niya ang kabutihan ng loob nito. Pagkaparada ng sasakyan ay agad na bumaba si Isabela. Hindi na niya nahintay pa si Uno sapagkat nais na niyang makita ang kaniyang ina. Pagkapasok pa lamang niya ng ospital ay agad niyang nakita ang kaniyang kapitbahay, si Mateo. "Mateo, kumusta ang inay? Nasaan siya?" agad niyang tanong sa binata. "Halika." Agad na sumunod si Isabela kay Mateo. Doon siya dinala nito sa ward kung saan halos sampung pasyente ang nasa loob. Ang kaniyang ina ay nakahiga sa may pinakadulong bed. Naka-dextrose ito at mahimbing na natutulog. "Inay," mahinang tawag niya sa kaniyang ina. "Kinuhanan na siya ng dugo upang matingnan kung bakit mataas ang lagnat niya. Pansamantala rin siyang tinurukan ng pampababa ng lagnat niya," narinig niyang sabi sa kaniya ni Mateo. "Salamat, Mateo," naiiyak niyang sambit. "Huwag kang mag-alala. Magiging maayos din ang lahat," malumanay na sabi naman ni Mateo, at bahagya siyang tinapik nito sa kanang balikat. "Isabela, anak," mahinang tawag sa kaniya ng kaniyang ina. "Nay, kumusta po kayo?" umiiyak na tanong naman niya. "Maayos na ako, anak. Maaari na tayong umuwi," nakangiting sambit ng ina ngunit mababakas naman sa mukha nito ang iniindang sakit. Bahagya namang ngumiti si Isabela. "Hintayin po natin ang sasabihin ng doctor, 'Nay." "Magandang gabi po. Miss, ikaw po ba ang anak ni Ms. Manalo?" "Yes po," mabilis na sagot ni Isabela sa nurse na lumapit sa kanila. "For transfer na po siya sa Doctor's Hospital. Kailangan na lang po ng pirma niyo," nakangiting sabi sa kaniya ng nurse. "For transfer po? Sa Doctor's Hospital? Teka, hindi po ba't private po iyon?" nalilitong tanong naman ni Isabela. "Yes po Ma'am. Pero okay na po lahat ng papers. Bayad na rin po ang bill niya," sagot naman sa kaniya ng nurse. "It's fine, Isabela. Just sign the paper." Napalingon si Isabela kay Uno nang magsalita ito. Doon niya naalala na kasama niya nga pala ang amo niya at bigla siyang nakaramdam ng hiya dahil naiwan niya ito. "Wait lang po ate ha," alanganin niyang sabi sa nurse. Agad siyang lumapit kay Uno at hinila ito palabas ng ward. Dinala niya ito sa may balkonahe ng ospital. "S-sir, ang hinihiram ko lang po ay pambayad sa ospital na ito. Hindi ko na po kakayanin kung dadalhin sa private hospital si Inay," nahihiya niyang sambit kay Uno. "Mas mahalaga pa ba ang pera sa 'yo kaysa sa kaligtasan ng iyong ina?" tanong naman sa kaniya ng binata. "P-po?" "Look, nasa isang ward ang iyong ina at may siyam pa siyang kasamang pasyente sa kwarto. Hindi natin maitatanggi na may kaedadan na siya at mas mabilis na siyang mahahawa sa mga sakit. Mas maganda kung ililipat siya sa Doctor's Hospital. Doon ay kukuha ako ng personal nurse. I'm sorry to say this, pero hindi kita papayagan na mag-leave agad sa trabaho. Kaya kailangan mong tanggapin ang offer ko," mahabang litanya sa kaniya ni Uno. Napalunok ng laway si Isabela. Sa haba ng sinabi nito ay hindi na niya alam kung paano pa tatanggi. Pakiramdam niya ay kapag tumanggi siya, mawawalan na rin siya ng trabaho agad agad. At isa pa, may punto rin naman ang kaniyang boss. Kung may pagpipilian nga naman siya ay ililipat din niya sa pribadong ospital ang kaniyang ina. Marahang tumango na lamang si Isabela dahil parang nalunok na niya ang kaniyang dila. Inalalayan siya ng kaniyang boss pabalik sa kwarto upang pirmahan ang mga papel. "Samahan mo na ang iyong ina sa ambulansya. I will follow you with my car," bulong sa kaniya ni Uno bago ito lumabas ng kwarto. Agad namang lumapit sa kaniya si Mateo na may pag-aalala sa mga mata nito. "Sigurado ka ba dito? Paano mo babayaran ang lalaking iyon?" nag-aalalang tanong sa kaniya nito. Isang buntong hininga ang kaniyang pinakawalan. "Mas mahalaga ang kaligtasan ng Inay. Salamat ulit sa mga tulong mo, Mateo." Ayaw na munang isipin ni Isabela kung ano ang magiging kapalit ng lahat ng tulong sa kaniya ni Uno. Kung magiging kaltas man ito sa kaniyang sweldo ay maluwag niyang tatanggapin iyon. Knowing Uno, lahat ng ginagawa nito ay may kapalit. Matiwasay na nailipat sa Doctor's Hospital ang ina ni Isabela. Nasa isang private room ito at may nurse na siyang mag-aalaga at magtitingin dito. Kaya kahit papaano ay mapapanatag si Isabela kahit na pumasok pa siya bukas sa opisina. Pinagbawalan kasi siyang um-absent o mag-leave kaya sa gabi niya lamang mababantayan ang kaniyang ina. Matiwasay nang natutulog ang kaniyang ina kaya naman pansamantala niyang iniwan ito. Naghihintay kasi sa labas ng kwarto ang kaniyang boss at masyado nang maraming oras ang ginugol ng binata para sa kanilang mag-ina. "Sir Marasigan," pagtawag niya sa binata na nagpipindot sa cellphone nito. "How is she?" seryosong tanong sa kaniya ng binata. "Bumaba na po ang lagnat niya. Lumabas na rin po ang resulta ng test niya. May dengue po si Inay at medyo mababa ang platelet count niya. Ngunit sabi naman ng doctor ay posible na siyang mailabas after three days kapag tuloy tuloy po ang gamutan niya." "That's good to hear," maikling komento pa ni Uno. "Sir, alam ko pong hindi basta basta ang magagastos dito. Pero hihilingin ko po sana na 60% po ng sahod ko ang ikaltas. Hindi ko po kasi kakayanin kung lahat ng sweldo ko ay dito mapupunta. Okay lang po kung magkatubo man o tumagal man ng ilang taon ang pagbabayad ko sa inyo. Basta po may maiuwi pa rin ako sa amin kada araw ng sweldo," lakas loob niyang sambit. Isang ngisi ang sumilay sa labi ni Uno. "Actually, iyan ang pag-uusapan natin bukas sa opisina ko." Lumapit sa kaniya si Uno kaya bahagyang napaatras si Isabela. Ngunit sa kakaatras niya ay napasandal na siya sa pader ng ospital. Inilapit ni Uno ang kaniyang labi sa kanang tainga ni Isabela. "Just embrace yourself, Ms. Isabela Manalo. See you tomorrow at my office, 7:00 in the morning, SHARP."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD