“You’re all set,” walang emosyong sambit ng kaniyang boss kay Isabela matapos niyang makapagpalit ng damit. Katatapos lang nilang mamili ng mga magagandang damit at agad nga siyang pinagpalit ng binata. Hindi siya ganoon ka-komportable sa suot niya ngayon na isang plain na bistida na tinernuhan ng isang sandals na may takong. Maayos naman ang damit at sandals na iyon ngunit hindi siya sanay kaya nangangapa pa siya sa itsura niya ngayon. “Hindi na po ba ako makikilala ng lahat?” alanganin niyang tanong sa boss niya. Tipid na ngumiti si Uno. “No. At makikilala ka nila bilang si Atasha Marie Buenaventura. Napag-aralan mo na ba ang personal at family background na ibinigay ko sa ‘yo noong isang araw?” Marahang tumango si Isabela. Nabasa niya ang sampung pahina ng papel na ibinigay sa kaniy

