Unang araw ng proposal ni Uno kaya kasalukuyang tinitingnan ni Isabela ang kaniyang sarili sa salamin. Walang sinabi sa kaniya ang binata kung ano ang gagawin nila para sa unang araw ng isang linggo. Ang totoo ay hindi rin naman naging malinaw ang kanilang pag-uusap. Hindi niya tahasang sinabi na pumapayag siya o hindi sa proposal ng binata. Masyado yata siyang nabingi sa pagtatapat ni Uno na maski ang katinuan ng pag-iisip ay tinakasan siya. Ni hindi na rin niya maalala kung paano natapos ang kanilang pag-uusap kagabi. Ang huling natatandaan na lamang niya ay ang paghalik ni Uno sa kaniyang noo bago siya pumasok sa kwarto. "Ano na naman bang pinasok mo, Isabela? Tinawag ka lang na Bella, natameme ka na," iiling iling na sambit niya sa sarili. Hindi rin kasi ipinaliwanag ni Uno kung paan

