Halos malaglag ang panga ni Isabela dahil sa narinig sa binata. Kaswal na kaswal lang itong sinabi ni Uno na animo'y para lamang silang nag-uusap ng normal. Hindi rin mahagilap ni Isabela ang mga tamang salita na dapat niyang bigkasin. Nauumid ang dila niya at wala siyang ibang magawa kundi ang tumingin lang ng deretso sa binata. "Isang linggo lang ang hinihingi ko. At kapag natalo ako sa proposal ko, hinding hindi na kita guguluhin pa, maski ang pagsusulat mo," dugtong na sabi pa ni Uno. Napahinga ng malalim si Isabela. "Para saan ba ito? Tuwang tuwa ka ba talaga na pinaglalaruan ako?" dismayadong tanong naman niya. It's a trap. Ito ang paulit ulit na naglalaro sa isipan ni Isabela. Kung tutuusin ay maikli lamang ang isang linggo, ngunit nagdadalawang isip siyang sumugal. Paano kung ma

