“Miss Sophie Ann Zaavedra?” Napalingon si Sophie sa lalaking lumapit sa kaniya. Kararating lang niya ng Pilipinas at halos limang minuto na siyang nakatayo sa may waiting area. Naiinip na siya kaya mainit na ang kaniyang ulo. “You’re late,” mataray niyang sambit kay Mateo. Ito rin ang lalaking ikinukwento ng kaniyang kapatid na si Isabela na siyang naging kaibigan nito sa Pilipinas. “Pasensya na po Ma’am Sophie, naipit po kasi ako sa traffic,” pagpapaliwanag naman sa kaniya ng binata. Hindi napigilan ni Sophie na pagmasdan mula ulo hanggang paa ang binata. Hindi naman maitatanggi na may angking kagwapuhan din ito, ngunit hindi niya nakikita ang kapatid na ito ang mapapangasawa. Base kasi sa mga ikinukwento sa kaniya ni Isabela, halatang may pagtingin ang binata sa dalaga. At iyon agad

