21

1250 Words

Dahil sa hindi maayos na pag-uusap ay naisipan ni Fyra na tumambay muna sa kubo habang nagkakape. Nai-stress siya at kailangan niya ng kape ngayon. Kasalukuyan siyang nakaupo doon at nakatanaw lang sa asul na dagat. Nakita niya kanina na magkasamang umalis ang dalawa niyang kuya na sina Dos at Tres habang ang kaniyang mga magulang ay umalis din upang bisitahin ang kanilang isla na tinawag na “Agatha’s Place”. Ito ang islang iniregalo ng kaniyang Daddy sa kaniyang Mommy noong wedding anniversary nila. Hindi rin niya natatanaw ang kaniyang Kuya Uno sa buong resort kaya malakas ang kutob niyang magkasama ito ang kaniyang girlfriend na si Atasha. At sa muling pagbalik niya sa probinsya nila, muli na namang naramdaman ni Fyra na mag-isa siya. “Fyra.” Agad na naputol ang kaniyang malalim na p

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD