22

1025 Words

Matapos na maiwan ulit ni Isabela sa kwarto ay saka lamang siya natauhan sa pinag-usapan ng magkapatid na Marasigan. Hindi na siya mapakali at mas lalo siyang kinakain ng kaniyang konsensya. Buong akala niya ay wala talagang namamagitan kina Uno at Azel. Ngunit dahil sa nalaman niyang may nangyari na pala sa dalawa ay bigla siyang napaisip. Totoong nakakasakit na siya ng kapwa dahil lamang sa pagtanggap niya sa proposal ng kaniyang boss. Kaya iisa lang ang nasa isip niya ngayon, at iyon ay ang itigil na ang kalokohan niya. Hindi na niya kaya pang magpanggap na girlfriend ng isang Uno Ichiro Marasigan. Natatakot na siya sa karmang maaari niyang kaharapin dahil sa mga naging desisyon niya. Huminga siya ng malalim at saka mabilis na lumabas ng kwarto niya. Kahit na kabilin bilinan sa kaniya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD