6

1868 Words
Bandang ala una y media ay nagawang matapos ni Isabela ang lahat ng nakatambak niyang trabaho. Bahagya siyang nakahinga ng maluwag sapagkat hindi na niya kailangang magmadali sapagkat may natitira pa siyang kalahating oras upang magpahinga. Sa sobrang pagkaabala niya ay hindi na niya nagawa pang kumain ng tanghalian. At ang isa pang dahilan ay wala rin siyang pananghalian kaya hindi na siya nag-abala pang mag-lunch break. At ngayong natapos na niya lahat ay saka niya naramdaman ang gutom. Kumakalam ang kaniyang sikmura ngunit nahihiya naman siyang bumaba sa canteen upang kumain. Napagdesisyunan na lang niyang hintayin na lumabas si Mr. Marasigan sa opisina nito para sa appointment nito. Nagkasya na lamang siya sa pag-inom ng tubig upang kahit papaano ay maibsan ang gutom na nararamdaman. “Isabela.” Napatingin si Isabela sa lalaking tumawag sa kaniya at napangiti siya nang makitang si Lucas ito. Simula kasi nang maituro nito ang mga dapat gawin ay bumalik na rin ito sa sariling table at iniwan na siyang mag-isa. “Lucas,” nakangiting sambit niya. “Malapit nang mag alas dos. Natapos mo na ba ang mga gawain mo?” tanong sa kaniya ng binata. Marahan namang tumango si Isabela. “Oo natapos ko na. Maraming salamat sa ‘yo,” nakangiting sagot naman niya. “Hindi kita nakitang kumain sa canteen kanina. Nagtanghalian ka ba?” seryosong tanong pa ni Lucas. Nag-iwas ng tingin si Isabela. “Oo. Sa labas ako kumain kaya hindi mo siguro ako nakita,” pagsisinungaling niya. Isa sa pagiging secretary ni Mr. Marasigan ay ang pagkakaroon ng sariling table sa loob ng opisina kaya naman hindi siya gaanong pansinin ng mga ka-opisina niya. Malayo kasi ang table niya sa table ng mga katrabaho, at malapit naman ito sa pintuan ng opisina ni Mr. Marasigan. “Ganoon ba? Hinintay pa naman kita sa canteen para sana sabay tayong mag-lunch,” alanganing sabi pa ni Lucas na bahagyang ikinagulat at ipinagtaka ni Isabela. “H-hinintay mo ako?” hindi makapaniwalang tanong pa niya. “Oo. Alam ko kasi ang pakiramdam kapag bago pa lang sa trabaho. Panigurado kasing mahihiya ka pang makihalubilo sa mga ka-trabaho natin kaya nais sana kitang sabayan,” sagot naman ng binata. Bahagyang napatango si Isabela. Hindi kasi niya alam kung ano pang dapat sabihin kay Lucas sapagkat natameme siya sa sinabi nito. Ngumiti na lamang siya dahil hindi niya mahanap ang tamang salita para isagot sa binata. “You’re chit-chatting again?” Sabay na napalingon ang dalawa sa kanilang boss na kalalabas lang ng opisina nito. Salubong ang kilay nito at nakakunot pa ang noo habang nakatingin sa kanilang dalawa. “Hindi po Sir, kinukumusta ko lang po si Ms. Isabela sa trabaho niya,” kaswal na sagot ni Lucas. “Really?” sarcastic na tanong naman ni Mr. Marasigan. Nagkatitigan ang dalawang binata na labis na ikinabahala ni Isabela. Hindi niya mawari kung anong maaaring mangyari at ayaw naman niyang madamay si Lucas sa init ng ulo sa kaniya ng kanilang boss. Kaya bago pa man mauwi sa hindi magandang pangyayari ay naglakas loob siyang tumayo, at sinadya pa niyang patunugin ang kaniyang swivel chair upang maagaw ang atensyon ng dalawang binata. “Ah Sir Ichiro, mawalang galang na po ngunit kailangan na po nating umalis dahil baka mahuli po kayo sa business meeting,” kinakabahan ngunit seryosong sambit niya. Hindi nakatakas sa paningin ni Isabela ang mahinang pag-iling ni Lucas at ang mas lalong pagkunot ng noo ng kaniyang boss. Pakiramdam niya ay may nasabi siyang mali kung kaya’t napatungo na lamang siya. Napahawak rin siya sa laylayan ng kaniyang damit dahil sa kabang nararamdaman. Pakiramdam niya ay may mas nakakahiya pang mangyayari sa kaniya. “S-sir, ipagpaumanhin niyo po sapagkat hindi ko agad nasabihan si Miss Isabela,” kinakabahang sabi ni Lucas. Sa buong pakikipag-usap ni Lucas sa kanilang amo ay ngayon lang kinakitaan ni Isabela ng takot at pangamba ang binata. Mas lalo lang kinumpirma nito na may mali talaga siyang nasabi o nagawa. Para na tuloy sinilihan ang kaniyang pang-upo at gusto na niyang tumakbo palabas ng building. “No need. Let’s go, Isabela,” malamig at malakas na sabi ni Mr. Marasigan. Tumalikod ang binata at naglakad na palayo sa kanila kaya naman agad na inayos ni Isabela ang kaniyang gamit at binitbit ang kaniyang notebook at planner. Bago siya makahakbang pasunod sa boss ay agad na hinawakan ni Lucas ang kaniyang braso. “Pakiusap Isabela, huwag na huwag mo na ulit tatawagin sa second name niya si Mr. Marasigan, kung gusto mo pang tumagal sa trabahong ito. Sige na, sumunod ka na sa kaniya,” seryosong sabi ni Lucas. Iyon pala ang pagkakamali niya, ang tawaging Sir Ichiro ang kaniyang amo. Hindi man niya naiintindihan ay tumango na lamang siya at saka mabilis na sumunod sa masungit na amo. Pinagtitinginan pa siya ng mga ka-opisina niya ngunit hindi na lamang niya pinansin pa iyon. Ang focus niya ay ang makasunod agad sa boss niya na napakatulin maglakad. Paglabas niya ng building ay bumungad sa kaniya ang isang kulay itim na sasakyang may nakalagay na Ford. Hindi siya marunong sa mga sasakyan ngunit sa itsura pa lang ng sasakyang nasa harap niya ay alam niyang hindi basta-basta ito. Hindi niya napigilang mamangha sa kotseng nasa harapan at ilang ulit pa niyang pinagmasdan ang kabuuan nito. Naputol lamang ang kaniyang pagkamangha nang bumaba ang bintana ng sasakyan at bumungad sa kaniya ang kaniyang boss na seryosong nakatingin sa kaniya. “Tititigan mo na lang ba ang sasakyan ko o sasakay ka?” baritono nitong tanong sa kaniya. “S-sasakay po ako diyan?” hindi makapaniwalang tanong niya kay Mr. Marasigan. “And what do you expect?” balik tanong sa kaniya ng binata. Aligaga man ay nagawa naman ni Isabela na makasakay sa sasakyang hindi niya akalaing makakasakay siya. Nalanghap niya ang perfume ni Mr. Marasigan na halos nagpatameme na naman sa kaniya. Pinigilan na lamang niyang mapatingin sa amo sapagkat nahihiya siya dito. “Buckle up,” malamig na sabi pa ng amo niya. “Po?” kinakabahan niyang tanong. Ayaw niyang magkaroon ng maraming pag-uusap sa pagitan nila sapagkat natatakot siyang may masabi na naman siyang mali. Ngunit hindi niya maintindihan ang sinabi ng binata kaya kinailangan pa niyang magtanong. “Your seatbelt.” Doon lamang niya lubusang naintindihan ang sinabi nito. Nakakapanood naman siya sa mga teleserye kung paano magkabit ng seatbelt kaya agad niya itong kinuha sa may likuran niya. Buong akala niya ay napakadali lamang magkabit nito dahil iyon ang napapanood niya sa telebisyon. Ngunit sa hindi malamang dahilan ay hindi niya mahigit ang bagay na ito. Narinig niya ang pagbuntong hininga ng kaniyang amo at sa isang kisapmata ay nasa harapan na niya ang gwapong mukha ni Mr. Marasigan. Parang biglang lumukso ang kaniyang puso at parang biglang nag-slow motion ang lahat. Napatitig din siya sa manipis na labi ng binata at hindi sinasadyang napalunok siya. Natauhan lamang siya nang marinig ang mahinang click, hudyat na naikabit na ang kaniyang seat-belt. “Saang mundo ka ba galing at hindi ka marunong magkabit ng seatbelt?” seryosong tanong sa kaniya ni Mr. Marasigan. Palihim niyang sinapok ang sarili upang mabalik sa huwisyo ang kaniyang isipan. “P-pasensya na po Sir. Ngayon lang po kasi ako nakasakay sa ganitong sasakyan,” kinakabahan niyang sagot. Nagsimula nang mag-drive si Mr. Marasigan kaya naman tumingin na lamang sa labas ng bintana si Isabela. Sa tingin niya ay hindi na magsasalita pa ang kaniyang amo sapagkat alam naman niyang walang pakialam ang binata sa kung anong buhay ang mayroon siya. Baka nga hindi pa naintindihan ng binata ang kaniyang sinabi. Nagkasya na lamang siyang pagmasdan ang bawat building na nadadaanan nila at paminsan-minsan ay napapangiti na lamang siya. Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na sila sa dapat na pupuntahan. Isa iyong fine dining restaurant na ngayon lamang niya nakita. Hindi niya alam ang lugar na iyon sapagkat tanging mall, school at bahay lamang ang lagi niyang destinasyon. Ngunit kung pakakaisipin niya ay alam niyang para lamang sa mga mayayaman ang ganitong klaseng restaurant. Mas lalo tuloy kumalam ang kaniyang sikmura dahil sa isiping paniguradong masarap ang mga pagkain dito. Ayaw niyang umasa ngunit hinihiling niyang i-order din siya ng kaniyang boss ng pagkain. Late lunch meeting kasi ang nakalagay sa appointment planner ni Mr. Marasigan ngunit walang nakalagay kung sino ang ka-meeting nito. “Good afternoon po Mr. Marasigan. Dito po tayo,” magiliw na bati ng isang waiter sa kanila nang makapasok sila sa restaurant. Walang imik na sumunod ang binata sa waiter kaya sumunod na lang din siya. Habang naglalakad ay kinuha niya ang kaniyang ballpen sa bag sapagkat kailangan niyang mag-take notes sa mga mapapag-usapan ng amo niya at ng ka-meeting nito. Nang mahanap niya ang ballpen ay saktong tumigil ang binata at waiter kaya naman agad din siyang napahinto. Mabuti na lamang na hindi niya nabunggo ang matipunong likod ni Mr. Marasigan dahil kung hindi ay baka mapalabas siya ng wala sa oras. “Hay salamat naman at dumating ka na. Late ka ng dalawang minuto.” Napasilip siya sa unahan kung saan nanggaling ang boses. Literal na napanganga siya nang makita ang dalawang binatang kawangis ng kaniyang boss. Dos Jirou Marasigan Tres Saborou Marasigan Ang dalawang kakambal ni Uno Ichiro Marasigan. “Shut it, Dos. Where’s Fyra?” malamig na sambit ng kaniyang boss. “Ano pa bang aasahan mo sa bunso nating iyon? She doesn’t like our family business,” sagot ni Dos. Nagpakawala ng buntong hininga si Uno at naupo na lamang. Habang si Isabela ay naiwang nakatayo at palipat lipat ang tingin sa triplets. Hindi lingid sa kaalaman niya na may dalawa pang kakambal ang amo niya sapagkat nakikita niya ang tatlong ito sa school nila noon. At isa pa, sikat na sikat ang tatlo kaya naman kilala niya ang mga ito. Hindi lang niya maiwasang hindi matameme sapagkat ngayon niya lamang nakita ng malapitan ang tatlo na magkakasama. Kung hindi nga niya kilala si Uno ay baka hindi niya malalaman kung sino sa tatlo ang kaniyang boss. “Ms. Isabela, have a seat,” walang emosyong sambit sa kaniya ng boss niyang si Uno. Agad siyang tumalima at umupo sa tabi ng boss habang ang dalawa ay hindi makapaniwalang nakatingin sa kaniya. “Siya ang bago mong secretary?” tanong ni Dos kay Uno. Marahan namang tumango si Uno kaya hindi napigilang mapangiti ni Dos. “Nakakapagtaka naman,” makahulugang sambit ni Dos. “By the way, I am Dos Jirou Marasigan,” pagpapakilala pa nito kay Isabela na inilahad pa ang kamay. Tatanggapin na sana ni Isabela ang pakikipagkamay ngunit nagulat siya nang tabigin ng kaniyang boss ang kamay ng kapatid. “Stop it, Dos,” malamig na sambit pa ng binata. “You look familiar,” sabi ng isang binata na alam ni Isabela na si Tres, ang bunso sa triplets. Agad na napatungo si Isabela. Ayaw niyang ipagtapat sa tatlo na iisang eskwelahan lang ang pinasukan nila noong kolehiyo. Ayaw na niyang balikan pa ang mga nangyari noon at nagpapasalamat pa nga siya na hindi siya nakilala ng triplets noon. “Leave her alone. Let’s get back to business, Dos, Tres.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD