Tahimik na nag-aalmusal sina Dos, Tres at Fyra. Silang tatlo lamang ang nasa hapag kainan sapagkat nasa isla ang kanilang mga magulang nila, at si Uno naman ay nasa girlfriend nito. Medyo nakaramdam ng hang-over si Fyra sapagkat hindi siya sanay na uminom. Pinilit lang niyang uminom kagabi dahil inakala niyang ito ang magiging dahilan upang mag-away ang Kuya Uno niya at si Atasha. Ngunit sa nakikita niya ay mukhang walang nangyaring away. Baka nga ang Kuya Uno pa niya ang nag-aalaga sa dalaga ngayon. "Naamoy kita kagabi, Fyra. Uminom ka," pagbasag ni Tres sa katahimikan. Alanganin namang ngumiti si Fyra. Ang totoo nyan ay lahat ng kuya niya ay pinagbabawalan siyang uminom. Kaya nga hindi rin siya malakas sa alak at mabilis din siyang malasing. Nakakatakas lang kasi siya ng inom kapag hin

