Isang nakakabinging katahimikan ang namagitan kina Isabela at Uno habang pinagsasaluhan nila ang isang simpleng hapunan. Kahit naman kasi masama ang loob ni Isabela ay hindi niya matitiis ang gutom. Kaya kahit halos isumpa na niya ang binata ay kinain pa rin niya ang inihandang hapunan nito. Hindi na siya mag-iinarte pa sapagkat gutom na talaga siya. At hindi niya gugustuhin na mamatay na lamang sa gutom. Pwede na. Iyon lamang ang masasabi ni Isabela. Masarap naman ang inihaw na isda at sakto lang ang lambot at luto ng kanin. Mayroon ding fresh na sabaw ng buko bilang inumin, at mga ilang prutas bilang panghimagas. Kung tutuusin ay nakakatuwa ang effort ni Uno, ngunit mas nangingibabaw pa rin kay Isabela ang inis na nararamdaman niya. Husband material na nga sana, kaso married naman na an

