“You’re drinking.” Napatingin ako sa kakambal kong si Dos ngunit hindi na ako nag-abala pang magsalita. Wala ako sa mood ngayon na makipag-usap sa kahit na sino. Ang gusto ko lang ay uminom at magpakalasing. Nais kong pansamantalang makalimutan ang lahat. “Baka kung ano na namang masabi o magawa mo kapag nalasing ka. Alam mo naman ang kalagayan ng publishing house, hindi ba?” dugtong na sabi pa ni Dos. Seryosong seryoso si Dos at kung pakakaisipin ay parang mas panganay pa siya sa akin. Iyon kasi ang isa sa katangian ni Dos. Makwela at easy go lucky siya ngunit kapag business na ang pinag-uusapan, mas seryoso pa siya sa akin. Ibinaba ko ang beer na hawak ko. “Wala na akong magagawa pa sa mga authors na naagaw ng iba,” walang emosyon kong sambit sa kaniya. “Well, hindi iyan ang Uno na

