Raze Natigilan ako sa narinig. Bakas sa mukha ni Haritha na hindi siya nagbibiro sa sinabi nipa. Wala rin naman siyang rason para magbiro ng gano'n. S-So, she's telling me... that the girl we've been following right now- Is not Xena? "P-Paano mo-" "Nakabili na kayo ng potion na kailangan niyo?" Hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang may sumingit sa akin sa pagsasalita. Pareho kaming natigilan ni Haritha at dahan-dahang napatingin sa babaeng sumunod sa amin. Nakakurba ang labi ni Xena sa isang ngiti habang nakatingin sa amin. Hindi kaagad kami naka-react ni Haritha na parehong nabigla sa pagsulpot niya. "A-Ah, wala na pala ang kailangan kong potion." Kinakabahang sagot ni Haritha. Napunta sa kaniya ang tingin ni Xena. "Ah, gano'n ba. Tara, tignan natin kung-" "A-Ano, sa tingin ko

