Raze Nakabibingi ang katahimikan. Sapat na para marinig namin ang paghampas ng hangin. Nanatiling walang buhay ang mga mata ko habang nakatingin sa babaeng kaharap. Mahigpit ang pagkakasara ng kamao ko habang nakatingin sa kaniya. Hindi ko maitatangging hindi ko napansin ang posibilidad na 'yon... dahil katulad na katulad niya siya. The person who looks like Xena. Sounds like her, talks like her, acts like her... But will never be her. "So?" Walang kaemo-emosyong pagbasag ko sa katahimikan. Para siyang natauhan nang muli akong nagsalita. Pilit siyang tumawa at nag-akmang humakbang papalapit sa akin. "T-Teka lang, saan ba kasi nagsimula ang lahat ng 'to?" Marahan niyang tanong. Hindi ko pinakinggan ang tanong niya at matalim ko siyang tinignan. "Inuulit ko, patunayan mo sa akin na i

