17. Fiancé

1257 Words
Zairah Nagkaroon ng sandaling katahimikan sa loob ng kastilyo. Hindi kaagad naproseso ng utak ko ang narinig kong sinabi ng babaeng kasama ni Lei. Natauhan na lang ako nang lumingon siya sa akin na hindi maipinta ang mukha at nangungusap ang mga mata. "E-Eh?!" Pare-pareho kami ng mga naging reaksyon ng mga kasama ko. Maliban kay Xena na nagtataka at walang kaalam-alam sa mga nangyayari. T-Tama ba ang narinig ko? Ikakasal?! We immediately got the attention of both of the rulers of Frencide. Nabigla sila nang makita kami na para bang hindi nila kami nakitang kasama ni Lei na pumasok. "L-Leirus! Sino ang mga taong ito?!" Naiwang nakaawang ang bibig ni Lei na nabigla rin sa nangyari. Nang akmang sasagot na siya ay muli siyang unanahan ng babaeng kasama niya. Napatili ito na para bang nakakita ng daga nang masilayan kami. I was too shocked to utter a word. T-This woman is overreacting! "T-Teka-" "Palabasin ang mga iyan! Mga guwardiya!" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang mabilis kaming nilapitan ng mga guwardiya. Namilog ang mga mata ko nang isa-isa nila kaming pinagdadampot. "L-Lei-" "Tara na, anak. Darating na mamaya ang mapapangasawa mo kaya kailangan mong magpahinga." Hindi man lang nagawang makapagsalita ni Lei sa babaeng kasama niya. Nakangiti siyang inilakad nito palayo sa amin. Parang bumagal ang oras habang pilit akong nililingon ni Lei at unti-unting sumasara ang pinto sa kastilyo. "Bitawan niyo ko!" Hindi ako pinakinggan ng mga guwardiya hanggang makalabas kami sa mataas na bakod ng pinakamalaking kastilyo sa bayan. "Huwag na kayo magpapakita rito kung ayaw niyong may masama pang mangyari sa inyo." Nanggagalaiti akong napatingin sa kanila. That's it. I'm going to freaking destroy this castle. Nang akmang hahakbang ako ay nakaramdam ako ng paghawak ng kung sino sa braso ko. Sumalubong sa akin ang nag-aalalang mukha ni Haritha. "T-Tama na, Zairah. Hindi natin panahon ito. We can't do anything that may mess things up." Napaismid na lamang ako at napakagat sa ibabang labi. Pilit kong ipinakalma ang sarili harap nila. F-Fuck... How can I calm down? Alam kong sinasabi ko na hindi kami pwedeng makielam sa takbo ng mga kaganapan dito. That we should just go with the flow. But this is f*****g different! Humigpit ang pagkakasara ng kamao ko. As if.... I'll let that Leirus marry someone else even if its for the sake of this freaking time. "K-Kailangan natin makaisip ng paraan." Nag-aalalang sambit ni Tana. Mabilis na tumango si Haritha. "Mukhang mga magulang ni Lei ang mga nandun kanina. Sila ang mga naunang mga tagapamuno ng Frencide." "Hindi natin basta-basta pwedeng itakas si Lei rito. Sa kasal na iyon ang magiging pinagmulan ng hinaharap ngayon." "Yeah. We'll don't know for sure what will happen. Kung hindi matuloy ang kasal ay baka iba ang maging ruler ng Frencide sa kasalukuyan." Natatawang pagsingit ni Raze. Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Iritado ko siyang tinignan. "So? Hahayaan na lang natin silang ikasal?" Walang ekspresyong sambit ko. Nahihirapang tumingin sa akin si Haritha. "Kung para sa takbo ng mga kaganapan sa panahon na ito.... Oo, kailangang ikasal si Lei." I gritted my teeth. Determinado akong tumingin sa kanila. Ni hindi ko man lang pinag-isipan ang sasabihin ko bago ko iyon sabihin. "That freaking stupid blonde jerk, is my! f*****g! Fiancé!" Nagkaroon ng sandaling katahimikan. Natulala ang mga kasama ko sa narinig. Unti-unting napaawang ang bibig ko nang mapagtanto ko ang sinabi ko. Kasabay ng paghampas sa amin ng hangin ay ang pag-init ng pisngi ko. Mabilis akong napaiwas ng tingin. Kasunod n'on ay ang pagtawa nina Tana, Haritha, at Raze na natauhan din sa sinabi ko. "Yeah, yeah. Alam namin iyon, Zairah. Kaya hindi namin hahayaan na ikasal ang kupal na iyon sa iba." Natatawang sambit ni Raze. "Oo, noh! Ano siya, sinuswerte?" Dagdag ni Tana. Nagsimula kaming magtawanan. Pero agad din kaming natigilan nang magsalita ng isa pa naming kasama. "Fiancé? Ano iyon?" Mabilis kaming natigilan sa pagtawa. Nawala ang ngiti ko sa labi habang dahan-dahan akong napatingin sa nagsalita. Sumalubong sa amin ang mukha ni Xena na walang kaalam-alam sa mga nangyayari. Doon ako natauhan na hindi siya ang Xena na nakasama namin sa panahon namin. Nawala sa isipan ko... Wala siyang alam sa mga nangyayari ngayon.... Mabilis ding natauhan si Raze na hindi alam ang isasagot o magiging reaksyon. Imbis na sagutin si Xena ay inilipat niya ang atensyon niya kay Raina na nanatiling nanonood sa amin. Hudyat na ipinagkakatiwala na niya sa amin ang paggawa ng palusot. Napalunok ako nang malalim at nagkatinginan kami nina Tana at Haritha. Sa aming tatlo ay ang iyakin pa ang naglakas loob na humakbang papalapit kay Xena. "A-Ah... isa iyong salita mula sa pinanggalingan namin Xena. Ang ibig sabihin n'un ay..." "Ah... ano..." Napakagat ako sa ibabang labi dahil sa inakto ni Tana. For pete's sake, it's freaking obvious that she's just making it up! "Ano eh..." "Kaibigan! Isang matalik na kaibigan." Pagsingit ko. Hindi nakaimik sina Xena sa sinabi ko. Haritha shut her mouth and Tana looks like she's about to freaking cry. Tinignan ko ang babaeng nabigla sa pagsali ko. Humigpit ang pagkakahawak ko sa ibabang suot ko at patuloy ako sa pagdadasal na sana kumagat sa palusot ko si Xena. Nagkaroon ng sandaling katahimikan bago nagkaroon ng reaksyon ang babaeng kaharap namin. Xena looked at us, dumbfounded. Tumango ito na para bang may natutunang bago sa sinabi ko. Parang natanggalan ako ng tinik sa lalamunan at nakahinga ako nang maluwag sa naging reaksyon niya. We all sighed in relief. Muling bumalik sa katinuan si Raze. "Anyways, what should we do?" Mahinang sambit sa akin ni Haritha habang hindi nawawala ang tingin kay Xena na inililibot ang tingin sa paligid. "Ano pa? Kailangan nating hanapin ang totoong Leirus sa panahon na ito. Siya ang ikakasal bukas." Sagot ko. "But it's freaking obvious na tumakas siya. At sobrang dami ng pwede niyang puntahan." Pagsingit ni Raze. Hindi ako nakasagot sa sinabi niya. Pasimple akong napaismid at napakagat sa ibabang labi. Mahirap mang isipin pero may pag-asang malayo na nga ang narating ng totoong Leirus. Posible iyon dahil umabot pa ang mga alagad niya sa sinumpang bayan na pinuntahan namin. Bago ako makaisip ng paraan ay muling inagaw ni Xena ang mga atensyon namin. "Sa totoo lang... ito ang bayan na dapat nating pupuntahan." Pare-pareho kaming napatingin sa kaniya. Hindi kaagad naproseso ng utak ko ang narinig. "H-Huh?" Pagtataka namin. "Ang bayan ng Frencide ay pagkukuhaan ko ng isa sa mga kakailanganin ko para sa spell na ginagawa ko." Casual na sagot ni Xena. "Ang akala ko ay matatagalan pa tayo bago makapunta rito. Kaya sinabi ko na dalawang linggo ang paglalakbay. Pero kung makukuha na natin ang kailangan ko rito ay pwede ko na kayong dalhin sa guro ko pagkatapos." Dagdag niya. All of our jaw dropped. Namilog ang mga mata ko at hindi ko kaagad nakasagot. T-That only means.... Hindi pag-aaksaya ng oras ang pinunta namin dito! To be exact, mas napadali pa ang trabaho namin!  I was about to celebrate when something caught my attention. Habang nakatingin kay Xena ay mabilis na napako ang tingin ko sa taong nasa hindi kalayuan sa likod niya. Naningkit ang mga mata ko habang pinagmamasdan ito. He's wearing a cloak and its pretty obvious that he's hiding. Doon ko napagtanto. It looks like both Leirus from the present and past are both idiots. Kaya hindi siya mahanap dahil sinong mag-aakala na tatakas at magtatago siya pero rito lang sa Frencide. "Looks like I've found the stupid prince." •••
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD