Raze
Sumasabay ang paggalaw ng buhok ko sa hangin habang wala akong tigil sa pagtakbo. Maigi kong inililibot ang tingin ko sa paligid.
Fuck... Raina, asan ka na?
Huminto ako sa pagtakbo at inikot ko ang tingin ko sa paligid ng gubat. Pare-pareho lamang ang nakikita ko at naririnig ko.
Ang mga ingay ng naghahampasang dahon, mga tunog ng iba't ibang hayop na nandito, at ang walang tigil na mabigat na paghinga ko.
"Bwisit..."
Napahawak ako sa magkabilang tuhod ko upang suportahan ang pagod kong katawan.
Nasaan na kaya si Tana? Nakita na kaya niya si Raina at ung higante?
Tsk, why did Raina went here anyways?! I told her to stay close to me!
Napaismid na lamang ako. Hindi siya nakikinig!
Hinahabol ko pa ang paghinga ko nang makarinig ako ng kaluskos sa paligid.
Mabilis akong natauhan at naging alerto.
Kusang gumagalaw ang mga puno kapag may taong dumadaan malapit sa kanila. Kung hindi ito umuusog ay ibig sabihin lang nun ay hindi isang tao ang dumadaan.
Maigi kong tinignan ang nasa paligid ko at humanda ako sa pag-atake.
Napalunok ako nang malalim nang papalapit nang papalapit ang mga kaluskos. Parang bumagal ang oras at hindi kaagad ako naka-react nang makita ang nilalang na dahilan nito.
A-A f*****g Bauros...
Isa silang klase ng mga baboy ramo- per kasing laki sila ng elepante.
Walang pinagkaiba ang itsura nila sa totoong baboy ramo, pwera na lang na umaapoy ang mga ilong nila... literal na umaapoy.
Namilog ang mga mata ko at dahan-dahan akong umaatras. Hindi nawawala ang tingin ko sa kaniya na matalim ang tingin sa akin na para bang nakakita ng hapunan.
"C-Chill... chill..."
Pilit ko itong pinapakalma habang umuusok ang butas ng ilong niya. Natigilan ako sa pag-atras nang makatapak ako ng kahoy at nakagawa ng tunog.
Nanlumo na lamang ako nang naglabas ng malakas na tunog Bauros at humanda na itong tumakbo.
"F-Fuck..."
Natagpuan ko na lamang ang sarili kong tumatakbo sa gubat. Wala akong karapatan na patayin ang nilalang na ito o maski saktan.
If Xena sees me, she'll get mad at me for sure.
Napaismid ako sa sarili ko habang tumatakbo. Kailangan ko ng mahanap si Raina. Hindi pwedeng-
"Hindi ka pa rin nagbabago."
Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig. Inikot ko ang tingin ko habang tumatakbo upang hanapin kung saan nanggaling ang boses.
Ang boses na iyon.... Siya na naman.
"Isa pa ring hangal... mahina..."
Mariin akong napakagat sa ibabang labi ko at humigpit ang pagkakasara ng kamao ko.
S-Shut up...
"Duwag ka pa rin..."
"Shut up!"
"Kaya wala kang napoprotektahan..."
"I said, shut the f**k up!"
"Kaya nawawala ang lahat ng mahalaga sa'yo-"
Madiin akong napahawak sa ulo ko at huminto sa pagtakbo. Punong-puno ng ekspresyon akong humarap sa nilalang na humahabol sa akin.
"vrontí!"
Isang kidlat ang tumama sa harapan ko. Walang hinto ang pagbilis ng t***k ng puso ko at ang pagtulo ng mga pawis sa mukha ko.
Natauhan na lang ako sa nangyari nang makita ang nilalang na tustado sa harapan ko- walang buhay.
Para akong nanghina at nanlumo. W-Wtf am I doing?
Napaismid ako sa sarili at napahawak sa mukha.
F-Fuck... I'm starting to blame myself again...
I'm starting to feel like I'm not good and strong enough.
My parent's death... losing the woman I love...
It's too much... too much...
Parang bumagal ang oras. Napaluhod ako sa pwesto ko at ang bigat ng paghinga ko. Para bang sinasakal ako ng kung sino at hindi ko magawang makahinga.
A-Ayoko na... Hindi ko na kaya-
"Teacher Raze!"
Bumalik sa dati ang takbo ng oras at mabilis akong natauhan. Tila bumalik ako sa katinuan nang marinig ko ang isang pamilyar na boses.
"Teacher Raze! Teacher Raze!"
Mabilis akong napalingon sa pinanggalingan ng boses.
Parang walang nangyari at natagpuan ko na lamang ang sarili kong tumatakbo ulit.
Now is not the time to be f*****g depressed... as long as there is someone that gives me strength.
And that is my friends... the chance that I'll see Xena once again... and my student...
Raina is my strength.
"lámpsi."
Para bang nagkaroon ng kuryente sa mga paa ko at kusang bumilis ako sa pagtakbo. Hindi nagtagal ay naaninagan ko na ang isang pamilyar na bata.
Raina is being carried by a person in a cloak.
"Let my student go!"
Hindi ako pinakinggan ng taong hinahabol ko. Bagkus ay bumilis pa ito sa pagtakbo.
Napaismid na lamang ako nang makitang walang tigil sa pag-iyak si Raina.
Bwisit!
"Sas kaloúme fotiá."
Lumabas ang bilog sa tinatapakan ko pati na rin ang mga simbolo. Nang lumiwanag ito ay sumulpot ang sinummon ko.
A fire bear spirit.
Nagsimula na rin itong tumakbo papalapit sa taong hinahabol ko. Hindi ko pwedeng atakihin sila dahil baka madamay si Raina.
Nagpatuloy kami sa takbuhan hanggang sa tumigil ang taong hinahabol ko. Nung una ay nagtaka ako kung bakit siya huminto, hanggang sa makita ko ang dahilan.
Isang dulo ng bangin ang nasa likuran niya. Katabi ko ang osong nag-aapoy na hinihintay na lang ang signal ko para sumugod.
"Bitawan mo ang bata." Walang ekspresyon kong sambit.
Hindi ko makita ang mukha ng taong kaharap namin dahil nakasuot ang hood niya. Ni hindi ko man lang malaman kung isa ba siyang babae o lalaki.
"Hindi ka pa rin talaga nagbabago... mahina..."
Namilog ang mga mata ko sa sinabi ng taong kaharap ko. Hindi ko nakikitang bumubuka ang labi niya at dumederetso sa isipan ko ang mga gusto niyang sabihin.
"W-Who are you?! Anong kailangan mo sa amin?! Bakit mo kami sinundan dito?!"
Wala akong narinig na sagot. Bagkus isang tawa ang umalingawngaw sa isipan ko.
"You asked who I am."
"You'll know it soon."
Napaismid ako sa sinabi niya. Matalim ko siyang tinignan.
"T-Teacher Raze!"
Mariin akong napakagat sa ibabang labi ko.
Nahihirapan na sa kaniya si Raina. Pero hindi ko siya pwedeng atakihin nang basta-basta.
"Are you going to attack? Or you're letting me first?"
Punong-puno siya ng kumpiyansa sa katawan. Sinusubukan niya talaga ako.
Humanda ako sa pag-atake. Huminga ako nang malalim bago magsalita.
"ilekt-"
"Fotiá!"
Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang maunahan ako ng kung sino.
Isang apoy ang lumitaw sa kung saan at akmang tatama na ito sa taong kaharap ko nang bigla siyang nawala. Nabitawan niya si Raina na muntik ng mahulog ngunit mabilis na nasalo ng isang pamilyar na lalaki.
"L-Lei! Zairah!"
Nakahinga ako nang maluwag nang makita silang dalawa sa harapan ko. Hindi ko rin napansin na kasama nila si Xena.
"S-Sino iyon?" Marahang tanong ni Xena.
Nagkatinginan kami ng mga kaibigan ko. Para bang kilala at alam na nila kung sino ang taong nandito kanina.
Sigurado akong nandito siya para pigilan nanaman kami sa gusto naming gawin.
Hindi ko alam kung bakit... hindi ko alam kung sino siya...
Pero hindi ko hahayaang pigilan kami ng kung sino.
Tatapusin ko na ito kaagad...
Ibabalik ko na siya.
Ibabalik ko na si Xena.
•••