14. Next stop

1334 Words
Raze Mabigat ang tensyon sa silid. Walang nagsasalita at nakapatay ang mga ilaw. Tanging ang sinag lamang ng buwan ang nagsisilbing liwanag namin. All of us are too shocked and agitated to even start a conversation. Kasama ni Xena si Nyssa na iniikot ang gubat upang makasigurado na wala ng iba pang witch ang nandito. Samantalang kasama ni Haritha si Raina na nagpapahinga sa isa sa mga kabute rito. It's only me, Lei, Zairah and Tana that is inside this room. "S-Sinundan niya tayo."  Nabasag ang katahimikan nang magsalita si Tana. Nakatingin siya sa lapag at bakas sa mukha niya ang takot. Magkahawak ang dalawa niyang mga kamay. "I saw that person when we were at Palisma..." Kumento ni Zairah. "Kung nandito rin siya sa bayan na ito ay sinusundan niya nga talaga tayo." Dagdag niya. Napaismid si Lei at umiwas ng tingin. "Who the heck is that person anyways?!" Mariin akong napakagat sa ibabang labi ko at napayuko. Hindi mapakali ang mga kamay at mga paa ko. Hindi ko rin mapigilang mapaisip at kabahan... sino ang tao na iyon at bakit niya kami sinusundan? "Kung sino man siya, hindi siya basta-basta." Muling sambit ni Zairah. "That person might be an énas..." "Or even higher." Pare-pareho kaming natigilan. Hindi nakaimik si Tana at napalunok nang malalim si Lei. "Bigla-bigla na lamang siyang sumusulpot at nawawala." "Nagagawa niya pang makipag-usap sa atin gamit lamang ang isipan." "That person is freaking dangerous." Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi ni Zairah. Mas lalong bumilis ang t***k ng puso ko at bumigat ang pakiramdam ko. Mas lalong bumigat ang tensyon sa silid. Ayokong mag-isip ng kung ano... pero hindi ko mapigilan. This is not the first time.... that I've experienced this... Sumagi sa isipan ko ang pangyayaring iyon noong nakaraang limang taon. Ang gabing nasa gubat kami at ang gabing nalaman namin kung sino si Xena Mayroon akong nakaharap na isang witch din nung gabing iyon... Pero imposible... imposibleng siya iyon... Afterall... Aeros disappeared together with Xena... Imposibleng siya ang taong sumusunod sa amin ngayon... pero kung hindi siya, sino? "We have no choice, we don't have time to face that person. We need to move forward." Pag-iiba ni Zairah. Hindi ko masyadong napakinggan ang mga sinasabi niya dahil nagsisimula na akong mag-isip nang kung ano-ano.... Kinakabahan ako... na baka maulit ang nangyari noon. That I will lose someone important, again... because I'm too weak. "Raze." Paano kung si Aeros nga talaga ang taong sumusunod sa amin ngayon? "Raze." Nagawa niyang tapatan si Xena... Paano namin siya matatalo- "Raze!" Natauhan ako nang sumigaw si Zairah. Doon ko napagtanto na lahat ng tingin ng mga kasama ko ay nasa sa akin. Mabilis kong iniling ang ulo ko. "S-Sorry. What are you saying again?" Malalim na huminga ang babaeng kaharap ko habang nagpigil ng tawa sina Lei at Tana. "Tsk, I told you to watch over Raina. Sa ating lahat ay ikaw ang pinaka-kayang pumrotekta sa kaniya." Agad akong tumango sa sinabi niya. Kumurba ang mga ngiti sa mga labi ng mga kasama ko. "Yeah! I'm gonna kick that person's butt if I see him!" Masiglang kumento ni Lei. "H-Hindi ito ang oras na kabahan... gagawin ko ang lahat ng makakaya ko." Dagdag ni Tana. "Of course, we will bring Xena back." Sambit ni Zairah. Nawala ang tensyon sa silid at gumaan ang pakiramdam ko. Nakalimutan ko na hindi lang pala ako nag-iisa rito. Akmang magsasalita na sana ako nang bumukas ang pintuan sa silid. Iniluwa nito ang babaeng kakabanggit lamang ni Zairah. Nahihiya ito nang magtama ang mga tingin namin. "P-Pasensya na. Akala ko ay walang tao." Nagkaroon ng sandaling katahimikan. Mas lalong namula si Xena dahil sa mga reaksyon namin. Nabasag na lamang ito nang hindi na napigilan ni Lei ang pagtawa niya. And before I knew it, everyone of us started laughing.  Maybe it's the first time that I laughed so hard after five years. --- Kinabukasan ay maaga kaming nagsiayos at naghandang umalis sa bayan ng Lachan. "Maraming salamat Nyssa!" Masiglang nagpaalam si Xena sa mga taga-bayan. "Paalam po! Balik po kayo!" Malalawak ang mga ngiti ng mga tao at mga higante sa amin. Kahit sobrang aga pa ay sinadya nila kaming abangan sa pag-alis. Isang batang higante ang tumatakbo papalapit sa amin. To Tana, to be exact. Olyn is smiling while holding something. Huminto ito sa tapat ng babaeng kasama ko. "Maraming salamat po, ate Tana! Napakagaling ninyong witch!" Namumula si Tana habang nakatingin sa batang higante at halatang paiyak na. Pare-pareho kaming nabigla nang nag-abot sa kaniya si Olyn ng isang bagay na binabalutan ng malalaking dahon. "Sana po ay tanggapin ninyo ang regalo ko!" Nakangiting tinggap ng kasama ko ang bagay na inabot sa kaniya. Tana is excited while removing the leaves but her jaw dropped when she saw what's inside. Mabilis na tinakpan ni Lei ang bibig niya upang pigilan ang sarili sa pagtawa. Maski ako ay agad na napakagat sa ibabang labi para matahimik. "Oh! It's a rock!-" Mabilis kong tinakpan ang bibig ni Raina nang ituro niya ang binigay ni Olyn kay Tana. Lei burst out laughing. Pilit na ngumiti ang babaeng kasama namin. "A-Ah... S-Salamat!" Nagsimula na kaming maglakad habang kumakaway paalis. Nanatiling nasa mga mamamayan ng bayan ang mga atensyon nina Zairah at Xena. Habang si Lei naman ay natatawang lumapit ay Tana na mukhang paiyak na habang hawak-hawak ang isang bato. "Pfftt. Cheer up, Tana! Ako rin naman nung bata pa ay naregaluhan na rin ng mga bato. Tho, kumikislap sila at transparent." Iritadong tumingin si Tana kay Lei. "Those are freaking diamonds, idiot!" "E-Eh? weh? Nilagay ko ung mga bato sa fish pond..." Hindi maipinta ang mukha ko habang nakikinig sa usapan nila. As usual, wala akong mapapala. ---  Nagsimula kaming maglakad papalabas ng mga tanim na gulay ng Lachan at gubat. Sumalubong sa amin ang malawak na palayan na nagsisimulang magkakulay dahil sa sinag ng palitaw na araw. "Pupunta na tayo sa susunod na bayan!" Masiglang sambit ni Xena. Nagsimula ulit kaming maglakbay. Casual na mga palayan at mga gubat lamang ang mga nadadaanan namin. Hindi ko namalayan na katabi ko na palang naglalakad si Xena. "A-Ah..." Napatingin ako sa babaeng katabi ko nang mapansin kong gusto niyang magsalita kaso inuunahan siya ng hiya.  I bit my lower lip before smiling. "May sasabihin ka ba?" Natigilan si Xena sa sinabi ko at hindi nito magawang makatingin ng deretso sa akin. "A-Ah... gusto ko lang sanang humingi ng tawad." Kumunot ang noo ko. "Para saan?" Malalim na napsinghap ang babaeng kaharap ko bago siya tumingin sa akin. "Pasensya na... dahil sa pagsama niyo sa akin ay muntik pang mapahamak ang batang kasama ninyo." Her face softened. I suddenly felt my cheeks turning red after seeing her cute expression. Mabilis akong napaiwas ng tingin at napahawak sa batok. "A-Ah, ano ka ba. Hindi mo na kasalanan iyon. Kami nga dapat ang humingi ng tawad dahil naabala ka pa namin sa paglalakbay mo." Agad na umiling si Xena sa sinabi ko. "H-Hindi ah! Masaya akong kasama kayo..." "Pakiramdam ko nga... matagal ko na kayong kilala. Gusto ko pa kayong makasama ng matagal." My heart skipped a beat. Hindi kaagad ako nakasagot sa sinabi niya. Nang akmang magsasalita na ako ay mabilis na naagaw ang mga pansin namin. "H-Hey! Tignan niyo ito!" Napunta ang mga tingin namin kay Lei na nakatingin sa hindi kalayuang bayan. Nilapitan namin siya at tinignan ang tinuturo niya. Nagbago ang ekspresyon ko nang makita ang bayan. Bumigat ang pakiramdam ko at humigpit ang pagkakahawak ko kay Raina. Sira-sira ang mga bahay. Napupuno ng mga uwak ang paligid. Patay na ang mga pananim at mga puno sa bayan. Napupuno ng mga abo at dumi ang mga daanan. Para bang nasunog ito pero nakatayo pa rin ang mga estraktura. "W-What happened?" Bulong ni Tana na hindi makapaniwala sa mga nakikita. Seryoso ang ekspresyon ni Zairah habang lumapit sa amin at tinignan mabuti ang kabuoan ng bayan. "This town... is cursed." •••
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD