Raze
Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig. Unti-unting umawang ang bibig ko at namilog ang mga mata nang humarap ako sa batang nagsalita.
"R-Raina?!"
Inosente itong nakatingin sa akin na walang kaalam-alam sa nangyari. F-f**k!
I can't think properly and I don't know what to do.
Balisa akong lumapit sa kaniya at hinawakan siya sa magkabilang balikat.
"A-Anong ginagawa mo rito?!"
Casual lamang itong nakatingin sa akin at inabot ang papel na hawak-hawak niya. "Ung seatwork ko po, ipapasa ko na."
Naiwan akong tulala sa sinabi niya. Mariin akong napapikit at huminga nang malalim upang pakalmahin ang sarili ko.
"O-Okay. Good job." Inabot ko ang seatwork niya at dahan-dahang humarap sa mga kasama ko.
Tulad ko ay nakatulala rin silang nakatingin sa amin na nabigla rin sa pangyayari. Nagtama ang mga tingin namin ni Zairah at mabilis naming naintindihan ang gustong ipahiwatig ng isa't isa.
Mabilis niyang sinenyasan si Lei na agad naintindihan ang gusto niyang iparating.
"W-Wah, tara Raina!" Pilit na ngiting sambit ni Lei bago lumapit sa estudyante ko at ilayo ito sa amin.
Nang nakalayo na sila ng kaunti ay roon ko na nailabas ang pagkairita ko.
"s**t! s**t! s**t!" Napahampas ako sa mukha ko sa inis.
Bwisit! Hindi pwedeng masama ang estudyante ko rito!
"I-Is there any way to bring her back?" Marahang tanong ni Haritha.
Napunta ang tingin namin kay Tana na nagdala sa amin dito at mukhang paiyak na.
"S-Sorry. Hindi ko kasi nabasa lahat. Nakita ko lang ung spell na papunta at hindi pabalik." Naiiyak na sagot niya.
Napaismid ako at mariin na napakagat sa ibabang labi dahil sa inis.
"Bwisit! Anong gagawin natin?!" Iritadong sambit ko.
Napakagat sa kuko sa hinlalaki si Haritha habang nag-iisip ng paraan. Kapwa niya ay nagsimula na ring mag-isip si Tana na halatang balisa.
"Wala tayong choice." Walang ekspresyong sambit ni Zairah.
"Nandito na siya. Kailangan na lang nating masiguradong hindi siya mapapahamak at makakasagabal sa gagawin natin." Dagdag niya.
Kumunot ang noo ko at hindi ako makapaniwalang napatingin sa kaniya." Nasisiraan ka na ba? Ni hindi nga natin alam kung nasaang taon tayo ngayon. Hindi pa tayo sigurado sa lugar na ito. Mapapahamak lang siya!"
Walang kaemo-emosyon akong tinignan ng kasama ko. "Your choice Raze. Akala ko ba nandito tayo para humanap ng paraan para ibalik si Xena?"
Tila nagkaroon ng sandaling katahimikan at hindi ako nagawang makasagot. Napakagat na lamang ako sa ibabang labi ko nang tumama ang hampas ng hangin sa amin.
Tsk, bwisit.
"Yoh! Ano napagisapan niyo?" Pilit na tawang sambit ni Lei nang makabalik sa pwesto namin habang kasama si Raina.
Huminga ako nang malalim at napabuntong-hininga. Pilit akong ngumiti nang humarap ako sa estudyante ko.
"Hey, Raina. Uhm, we're going to have a fieldtrip okay? Pero may mga rules si teacher." Pangunguna ko.
Hinawakan ko ang magkabilang balikat niya at mariin siyang tinignan sa mga mata.
"Unang-una sa lahat, susundin mo ang lahat ng sasabihin ni teacher. Okay?"
Kahit nabigla at naguguluhan ay dahan-dahan siyang tumango sa akin. Napalunok ako nang malalim bago muling magsalita.
"Next, no matter what happens, kapag sinabi kong tumakbo ka, tatakbo ka. Maliwanag?"
Kumunot ang noo ni Raina sa sinabi ko. "Pero bakit po? Akala ko ba fieldtrip ito?"
Pasimple akong napaismid sa sinabi niya. "Y-Yeah. Ang kaso, namali kasi ng lugar ung nagdala sa atin. Kaya kailangan ay sure tayo, okay?"
Nagtataka pa rin ito sa sinabi ko pero nagawa niya ng tumango.
"And lastly, wala kang sasabihin kahit kanino o sinong makita mo rito kung saan tayo nanggaling at kung mga ano tayo, ha?"
Napakagat ako sa ibabang labi habang hinihintay ang sagot ng batang babaeng kaharap ko. P-Please Raina... makisama ka.
"Hm... okay po!" Masigla niyang sagot sa akin.
Nakahinga ako nang maluwag bago muling tapunan ng tingin ang mga kasama kong nanonood sa amin.
"So that settles it." Sambit ni Zairah.
Muli naming pinagmasdan ang paligid. Malawak ang taniman dito kung saan iba't ibang kulay ang mga palay. Mukhang ito ang itsura dati ng mga bayan nung wala pang mga borders at mga portals.
"Saang taon kaya tayo napunta?" Marahang tanong ni Lei habang inililibot ang tingin.
"We're still not sure. Para makisigurado ay kailangan nating pumunta sa pinakamalapit na capital. Pagtapos n'on ay pwede na nating simulan ang paghahanap kay Xena." Sagot ni Zairah.
Naramdaman ko ang paglapit sa akin ni Raina at ang paghawak niya sa kaliwang kamay ko.
"But before that, hindi tayo pwedeng gumala-gala ng ganito ang mga itsura natin." Muling sambit ni Zairah.
Tinignan niya ang mga itsura namin at doon ko napansin na iba pala ang mga pananamit namin sa lumang panahon.
"Hindi tayo pwedeng makilala ng iba, lalong-lalo na si Xena."
Humigpit ang pagkakahawak ko sa kamay ni Raina dahilan ng pagtingin niya sa akin.
"alláxte emfánisi." Bigkas ni Zairah.
Pare-parehong nagbago ang mga kulay ng mga buhok namin. My gray hair turned black. Even our skins changed its colors.
Tila naging moreno ako na kadalasang kulay rito.
"állaxe roúcha." Sambit ni Haritha.
"allagí fonís." Dagdag niya.
Sunod na nagbago ang mga kasuotan namin. Bigla na lamang akong napaubo at doon ko napansin na nagbago rin ang boses ko.
"Mahirap na, hindi mababago ang mga mukha natin pero kahit papaano ay iba dapat ang mga boses natin." Sambit ni Haritha.
Hindi ko mapigilang hindi mapahanga sa mga ginawa nila. Hindi hamak na iba na talaga ang mga kakayahan at kaalaman nila pagdating sa mahika kumpara noong dati.
"Anyways, mula ngayon iba na ang pangalan natin." Muling sambit ni Zairah.
"Mula ngayon, ako si Zai."
Sunod ako nitong tinuro. "You're Razen."
"You're Ritha." Sambit niya kay Haritha.
"You're Taniya." Sunod niya kay Tana.
"Me! Me! Ako gusto ko Tony Starks, napanood-"
"Shut up, you're still Lei. Hindi na problema yun dahil pare-pareho kayo ng name ng mga naging ruler ng Frencide, remember?" Pagsingit ni Zairah kay Lei.
Nawala ang masiglang ekspresyon ni Lei at agad itong napalitan ng pagkasimangot.
"Anyways, all we have to do is to find a town." Pag-iiba ng babaeng kasama namin.
Nanatili akong nakikinig kay Zairah nang biglang hinila ni Raina ang kamay kong hawak niya.
"Teacher! Teacher!-"
"Shh, not now Raina. Makinig muna tayo." Pagtigil ko sa kaniya.
Raina pouted and continued calling me. Napabuntong-hininga na lamang ako bago siya tapunan ng tingin.
"Hays, ano ba 'yon?"
Kumurba ang labi ng estudyante ko sa isang ngiti bago ituro ang isang babaeng naglalakad papalapit sa amin.
"Why won't we ask that lady?" Masiglang tanong ni Raina.
Napunta ang tingin ko sa babaeng itinuro niya.
Parang bumagal ang takbo ng oras habang humahampas ang hangin. Sumasabay ang buhok niya sa paghampas ng hangin at tanging ang mga tunog lamang ng mga puno na nagtatama sa isa't isa ang naririnig ko.
Casual siyang naglalakad habang inaayos ang buhok niyang nilagay niya sa likod ng kaniyang tenga.
Napalunok ako nang malalim nang magtama ang mga tingin namin.
I don't know how many times I fell inlove with that look of hers.
"Xena..."
•••