Tana
Nakatingin sa akin ang lahat ng kasama ko sa silid. Pare-pareho kong nakuha ang mga atensyon nila dahil sa sinabi ko.
Huminga ako nang malalim upang kumuha ng lakas ng loob.
"All we need to do is to go get some help to Xena's teacher!" Desididong sambit ko.
Kumunot ang noo ni Haritha. "Her teacher? Saan naman natin siya mahahanap?" Tanong niya.
Huminga ako nang malalim bago magsalita. Ilang gabi kong pinag-isipan at pinag-aralan ang plano na ito. Kailangan ko itong sabihin sa kanila.
"Sa Gretta! Sa Gretta nanggaling si Xena!" Sagot ko.
Malalim na nag-isip ang mga kasama ko.
"Yeah, we know that. Pero magagawa kaya natin siyang hanapin? Even though Gretta is just a small city, hindi namin nagawang hanapin si Xena roon." Sambit ni Zairah.
Nagbago rin ang ekspresyon ni Raze. "f**k. Dapat pala sinundan ko si Xena noon nung pumunta siya sa kweba." Iritadong dagdag niya.
Tila napanghinaan sila ng loob. Pero kahit gano'n pa man ay nanatili ang tiwala at lakas ng loob ko.
"Then all we need to do is ask someone! Humingi tayo ng tulong para dalhin tayo roon!" Muling sambit ko.
Everyone looked at me with a confused face. Kumunot ang noo ni Lei sa sinabi ko.
"Tanging mga first witches lamang ang nakakaalam kung nasaan iyon Tana. Hindi natin sila mahahanap lang kung saan. We can't just ask every witch in town to know if they're a first witch." Aniya.
"Hindi rin natin alam kung meron pa bang buhay na first witch ngayon na nasa labas. Wala tayong kilala sa kanila." Dagdag ni Haritha.
Walang gana silang napatingin sa akin. Napaismid ako at agad akong napailing.
"Meron tayong kilalang first witch!" Giit ko.
"And that is Xena!"
Pare-pareho silang napatingin sa akin na para bang hindi inaasahan ang sinabi ko.
"We can ask her to take us there!" Muling sambit ko.
Matalim akong tinignan ni Raze. "Cut the crap Tana. Baliw ka ba? Kaya nga natin gagawin ito para ibalik si Xena. Tapos sinasabi mong humingi tayo ng tulong sa kaniya?" Walang kaemo-emosyong sagot niya.
Mariin akong napakagat sa ngipin ko. Desidido ko silang tinignan.
"Stupid! Ikaw na ang nagsabi kanina! Bumalik tayo sa nakaraan!"
"Let's all ask Xena to take us to her teacher!"
Napakagat ako sa ibabang labi ko habang hinihintay ang mga reaksyon nila. Tila nagkaroon ng sandaling katahimikan.
Napayuko ako nang hindi sila nakapag-react kaagad. Nagbago ang ekspreyon ko at humigpit ang pagkakasara ng kamao ko.
Tsk, ang tanga mo talaga Tana. Imposible ang gusto kong gawin...
Siguro nga ay mababaliw na ako at kung ano-ano na lang ang pumapasok sa isip ko.
"S-Sorry... it was a stupid idea."
Napakagat ako sa dila para wala akong ingay ma mailabas habang pinipigilan ko ang luha ko.
Ilang segundong tumahimik nang nabasag ito nang biglang tumawa si Raze.
This is the first time we heard him laugh, after 5 years... after Xena disappeared.
Hindi lamang siya ay sumunod na tumawa si Zairah at Lei. Para bang nawala ang tensyon sa silid nang nagsimula silang tumawa at ngumiti.
"Tsk, mukhang hindi ka na talaga katulad nang dati na puro iyak lang ang alam." Natatawang sambit ni Raze.
"To be honest, that's a good plan. Kahit mahirap at delikado." Kumento ni Zairah.
"Pwede na, pwede na. Hindi ko naisip 'yon ha." Dagdag ni Lei.
Nanlambot ang puso ko sa mga reaksyon nila. Naramdaman kong malapit nang tumulo ang mga luha ko.
Lumapit sa akin si Haritha at hinawakan ang ulo ko. Kumurba ang labi niya sa isang ngiti. "Let's go and bring Xena back."
Kani-kaniya kaming ayos ng mga pwesto. Tila gumaan ang tensyon sa silid.
It looks like we're back. The team we've had before.
"So, we're going back to the past. No freaking stupid ideas Raze." Panimula ni Zairah at tinapunan nito ng tingin ang lalaking kasama namin.
"Babalik tayo roon para hanapin si Xena para dalhin tayo sa guro niya. Kailangan nating ibahin ang mga itsura natin at mga pangalan. Hindi natin pwedeng galawin ang nakaraan." Dagdag niya.
Inilibot nito ang tingin niya sa aming lahat na nasa silid.
"Hihingin lang natin ang tulong ni Xena, pagtapos n'on ay wala na dapat tayong kumunikasyon sa kaniya. Dahil kung makilala niya tayo ay magbabago ang takbo sa kasalukuyan."
"And after that, we'll ask her teachers help. Aalamin natin ang paraan para ibalik si Xena nang walang mababago sa nakaraan, kasalukuyan, o hinaharap."
Pare-pareho kaming tumango. Kailangan naming sundin ang plano. Pero hindi ko mapigilang kabahan para kay Raze.
Baka makalimutan niya ang pinunta namin sa hinaharap sa oras na makita niya ulit si Xena.
"Tana, here."
Nawala ang pag-iisip ko nang biglang nag-abot sa akin ng isang libro si Haritha. Ito ung librong hawak-hawak kanina ni Raze.
"Let's look for the spell that can bring us back in time."
Kumurba ang labi ko sa isang ngiti at tumango. Agad naming binuklat ang libro at binasa ang kada pangungusap sa mga pahina.
Patuloy lamang ako sa paglilipat ng pahina hanggang sa mapako sa isang pangalan ang tingin ko.
'Aeros'
Napalunok ako nang malalim at agad kong binasa ang mga impormasyon na nakasulat. Baka nandito-
Tila natigilan ako sa pag-iisip nang tumama sa amin ang isang malakas na hangin.
"Pare-pareho kayong nahihibang. Wala kayong kaalam-alam. Isang imahinasyon lamang ang lahat. Wala kayong mapapala sa mga impormasyon na inyong nakalap."
Nagsitaasan ang mga balahibo sa katawan at namilog ang mga mata ko. May narinig akong nagsalita sa isipan ko.
Hindi lamang ang kung hindi pati na rin ang mga kasama ko na nagbago rin ang mga ekspresyon.
"Hindi ko kayo hahayaang gawin iyan. Mga bagay na makasisira sa sangkatauhan."
Hindi namin malaman kung saan o kung sino ang nagsasalita. Iba-iba ang boses niya na hindi man lang namin malaman kung isa ba siyang babae o lalaki.
"Bilisan mo Tana!" Giit sa akin ni Raze.
Bumilis ang t***k ng puso ko sa kaba. Agad kong ibinalik ang tuon ko sa libro habang patuloy ang paglakas ng hangin.
"F-Follow the light and it will lead you from the start. Then you will find what you're looking for and restart. Don't look back and move fast. Continue and you may come back to the past." Pagbasa ko.
Nanginginig ang mga kamay ko habang hawak-hawak ang libro.
"Hindi niyo mababago ang kasalukuyan. Ipaparanas ko sa inyo ang impyerno."
Napalunok ako nang malalim sa narinig at mabilis kong binasa ang mga nakasulat sa libro.
"Bilis, Tana!"
Tila bumibilis ang oras habang palakas nang palakas ang hangin.
N-Nasaan ba-
Ito na! Nakita ko na!
"Tana-"
"epistrépste sto parelthón." Mabilis na bigkas ko.
Tila nagliwanag ang paligid. Parang nasusunog ang laman ko at tanging puti lamang ang nakikita ko.
Nang muli kong minulat ang mga ko ay ibang lugar na ang bumungad sa akin. Unti-unting namilog ang mga mata ko at umawang ang bibig ko.
N-Nagawa naming makabalik sa nakaraan.
"N-Nagawa natin." Hindi makapaniwalang sambit ni Raze.
"Ang galing mo Tana!" Dagdag ni Haritha at mahigpit ako nitong niyakap.
Hindi ako naka-react kaagad dahil sa pagkabigla. Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari.
"P-Pero sino ung kanina? Gusto niya tayong pigilan." Biglaang sambit ni Zairah.
Kapwa niya ay hindi rin mawala sa isipan ko ang tanong na iyon.
Sino siya?
Bakit niya kami gustong pigilan?
Muli dapat akong magsasalita nang pare-parehong naagaw ang mga atensyon namin ng isang batang nagsalita.
"T-Teacher Raze. Nasaan po tayo?"
Dahan-dahan kaming napalingon sa batang nagtanong. Parang nakakita ng multo si Raze nang masilayan ang bata.
"R-Raina?!"
•••