3. A way to bring her back

1078 Words
Raze "Break time na class." Nakangiting sambit ko sa mga estudyante ko. Sabay-sabay silang tumayo at nagbigay galang sa akin bago isa-isang iniabot sa akin ang mga seatworks nila. "T-Teacher Raze. Hindi ko pa po tapos yung sa akin." Nahihiyang sambit ni Raina nang mapunta ito sa harapan ko. Napabuntong-hininga ako bago siya tapunan ng tingin. I patted her and flashed a smile. "It's okay Raina. Just pass it later okay?" Sagot ko. Kumurba ang malawak na ngiti sa batang babae na kaharap ko bago siya tumango. Lumabas na rin siya ng silid at sumama sa mga kalaro niya. Tahimik akong pumunta sa opisina ko. "diorthotheíte." Bigkas ko. Nagsimulang magsilutangan ang mga libro at papel na nakakalat sa sahig. Nagsipuntahan ang mga ito sa shelves at cabinet. Malalim akong huminga. Hindi mawala sa isip ko ang pagtatalo namin nina Zairah. Siguro nga ay sumobra ako ngayon. I spoke without thinking. Nanatili akong nakatingin sa kawalan nang makuha ang atensyon ko ng pagkatok sa pinto. Mabilis akong napatingin dito at bumungad sa akin ang isang pamilyar na babae. "Haritha!" Pagtawag ko. Nakangiting pumasok ng opisina ko si Haritha havang may dala-dalang isang libro. "Dala ko na yung gusto mong ipakuha sa akin." Sambit niya. Tila nabuhayan ako ng loob at namilog ang mga mata. Hindi ako nag-aksaya ng oras at agad kong inabot ang librong hawak-hawak ng babaeng kaharap ko. "Tho, hindi madaling kunin 'yan. Para saan ba 'yan Raze?" Muling sambit ni Haritha. Nag-aalala itong tumingin sa akin. "I-It's for..." Hindi ko kaagad nakasagot. Hinintay akong makasagot ni Haritha. Napalunok ako nang malalim at deretsong tumingin sa mga mata niya. "Babalik ako sa nakaraan Haritha. Pipigilan kong mangyari 'to." Walang kaemo-emosyong sambit ko. Unti-unting namilog ang mga mata ng babaeng kaharap ko sa narinig. "H-Hindi mo magagawa 'yon. Imposible ang gusto mong gawin Raze." Hindi makapaniwalang sagot niya. Napailing ako. "Nagawa ko ng makabalik sa nakaraan noon. Kailangan ko na lang alamin kung paano at kaya ko ng gawin 'yon." Binuksan ko ang librong dinala ni Haritha at bumungad sa akin ang iba't ibang spells. This is a book of spells from midén witches. Dahil isa nakong énas ay alam ko na ang mga tungkol sa kanila. At alam kong ung kupal na si Aeros ay isa ring midén. Siya ang nagpadala sa amin ni Xena sa nakaraan. Kaya kailangan kong alamin ang mga spells na gamit ng mga midén na katulad niya. "H-Hey Raze! Alam mo ba yang ginagawa mo?!" Tanong ng kasama ko. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at mariin akong tinignan. "Hindi mo pwedeng galawin ang nakaraan Raze. Mababago ang kasalukuyan. Magbabago lahat." Seryoso niyang sambit. Inalis ko ang pagkakahawak niya sa balikat ko. "Anong alam mo Haritha? Bakit? May alam ka pa bang ibang paraan? Para mabalik siya?" Hindi ito nakasagot. Napaismid na lamang ako. Bakit ba sila nakikielam sa mga desisyon ko? "Raze..." Muling pagtawag ni Haritha. "Kung magawa mo ngang makabalik sa nakaraan. Anong gagawin mo? Hindi mo pwedeng pigilan ang gagawin ni Astria. Iyon lang ang paraan para mawala ang Grimoire. Kailangan niyang magsakripisyo." Dagdag niya. Nandilim ang paningin ko. Humigpit ang pagkakahawak ko sa libro. "R-Raze. P-Pag-isipan mo mabuti-" "Hindi ko pipigilan si Xena na gawin ang spell niya nung blue moon." Pagsingit ko. Natigilan si Haritha. Muli ko siyang tinapunan ng tingin. "Pipigilan ko mismo si Xena na gawin ang Grimoire." Hindi pa nagagawang maka-react ng babaeng kaharap ko nang umalingawngaw ang isang boses sa silid. "YOU FREAKING JERK!" Naramdaman ko ang pagtama sa akin ng isang makapal na libro. Walang hiyang pumasok sina Zairah, Lei, at Tana sa opisina ko. Hindi pa nakuntento ang babaeng naghagis sa akin ng libro at muli niya itong kinuha at hinampas sa akin. Kunot noo akong tumingin sa kaniya. "W-What the heck are you doing here?" Giit ko. Hindi pinansin ni Zairah ang tanong ko. Pinadilatan niya lamang ako ng mata. "Anong pinagsasabi mo ha?!" Muling sambit niya. Napaismid ako bago ibaba ang hawak-hawak kong libro. Bakit ba minsan ay iniisip ko na nanay ko 'tong si Zairah. "You already heard me. Iyon ang balak ko. Masaya ka na? Pwede na ba kayong umalis?" Walang gana kong sambit. "Are you freaking nuts Raze? Hindi mo ba iniisip ang mangyayari kapag ginawa mo 'yang nasa isip mo?" Marahang sambit ni Zairah. Her face softened. Para bang nawalan na ito ng lakas na makipagtalo pa. "When do that, everything will change. If there is no Grimoire of Astria, there won't be reason for us to be here. Walang rason para magkakilala tayo." "Mananatili ang digmaan sa pagitan ng iba't ibang nilalang. Mabubuhay ng puno ng takot ang mga tao Raze. At isa pa," "Walang rason para magkakilala kayo ni Xena, Raze. Have you ever thought of that? Have you ever thought what will happen in the present?" Sunod na sunod na sambit sa akin ng babaeng kaharap ko. Seryoso siyang nakatingin sa akin na mukhang nagpipigil ng pagbagsak ng mga luha niya. Humigpit ang pagkakasara ng kamao ko. Nanghihina ko silang tinignan. "What's the sense of being here in the present without her?" Natigilan ang mga kasama ko. Napayuko si Lei at napaiwas ng tingin si Haritha. Sa kabilang banda ay nagpipigil ng luha si Tana na nanatiling tahimik. Napaupo ako sa lapag. "Hindi ko na alam ang gagawin ko Zairah. Siya na lang ulit ang meron ako. Bakit pati siya nawala pa?" Nanlabo ang paningin ko. Para bang wala nakong nararamdaman. Akala ko ay muli nakong lalamunin ng kadiliman nang may boses na umagaw ng pansin ko. "W-We can bring her back." Biglaang sambit ni Tana. Lahat ng atensyon namin ay napunta sa kaniya. Desidido itong tumingin sa akin. "Ung araw na 'yon. Ang gabing naging asul ang buwan. Nawala si Astria, dahil mismo sa spell na ginawa niya." Pangunguna ni Tana. "The spell that completes her grimoire. A cipher spell we haven't seen or heard of." Dagdag niya. Kumunot ang noo ko. "Anong pinapalabas mo?" Tanong ko. "Kailangan lang natin ng tulong mula sa witch na kayang makahigit sa spell na ginawa ni Astria." Sagot sa akin ni Tana. Napaismid ako. "Nasisiraan ka na ba? Xena is the greatest witch of all time! Sino sa tingin mo ang mas hihigit sa kanya?!" Giit ko. Tana is speaking nonsense. Hindi ito nagpatinag sa sinabi ko at seryoso akong tinignan. "Meron pang isang witch na kaya siyang tapatan." Sagot niya. "The witch who taught Xena how to make spells." •••
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD