2. Ciphers

964 Words
Zairah Paulit-ulit kong binabasa ang mga papeles na nasa harapan ko. Pero kahit pang-ilang beses na to ay wala pa ring pumapasok sa isip ko. "Bwisit." Bulong ko sa sarili. Napa-ismid na lamang ako nang muli kong maalala si Raze. Hindi mawala sa isip ko ang pagtatalo namin noong kaarawan niya. Freaking jerk. "Kung nakakapagsalita lang siguro ung papel kanina pa yan natakot sa itsura mo." Rinig kong sambit ng isang lalaki. Napaismid ako kay Lei na hindi ko namalayan na pumasok sa silid. "Iniisip mo pa rin 'yon? Antatanda niyo na, antataas pa rin ng mga pride niyo. Ayaw niyo aminin kung sino ung tama at mali." Muling sambit niya. Napaawang ang bibig ko. Parang nabingi ata ako sa sinabi niya. Hindi ako makapaniwala na lumabas ang mga salitang 'yon sa bibig ng mokong na'to. "Shut up, Lei. Natural ako ang tama. Oras na para tumigil." Mariin na sagot ko. Napabuntong-hininga si Lei at umupo sa lamesa sa harapan ko. "Pero hindi rin mali si Raze. Hindi mo siya masisisi." Seryosong sagot niya. Hindi ako nakasagot at nagbago ang ekspresyon ko. I also know that. Kahit anong sabihin ko ay hindi rin makikinig si Raze kung iba ang paniniwala niya. At isa pa, kung ako rin siguro ang nasa posisyon niya ay magpapatuloy pa rin ako. Kaso napapabayaan na ni Raze ang sarili niya. Hindi nakabubuti ang pagsubok ng iba't ibang spells. There are some that might harm him. "Sinasabi mo 'yan pero katulad ka rin ni Raze, hindi ba Zairah?" Biglaang sambit ni Lei. Natigilan ako sa sinabi niya. Nang tapunan ko siya ng tingin ay pinakitaan niya ko ng mapang-asar na ngiti. Mabilis akong umiwas ng tingin. "W-what the heck are you talking about?" Pagmamaang-maangan ko. Narinig ko ang muling pagbuntong-hininga ng lalaking kasama ko. "We've been together since kids. Wala ka ng matatago sa akin. Hanggang ngayon, pinag-aaralan mo pa rin ang Cipher Spells, hindi ba?" Hindi ako nakaimik. Kahit magsinungaling ako ay malalaman din 'yon ni Lei. Kagaya ng sinabi niya ay wala na 'kong maitatago sa kaniya. Napaismid na lamang ako bago bigkasin ang mga spell. "éla edó." Sambit ko. Nagsilutangan ang mga nakatagong libro sa silid at nagsilapitan ito sa akin. Napaawang ang bibig ni Lei sa ginawa ko. "A-Alam kong pinag-aaralan mo ung mga Cipher Spells pero hindi ko inakala na ganito ka kaseryoso roon." Hindi makapaniwala niyang kumento. Kumurba ang labi ko sa isang ngisi. Natural lang na ganito karami ang mga librong babasahin ko, hindi basta-basta mapag-aaralan ang mga spells na gawa ni Astria. Kumuha ako ng isang libro at binuklat ito. "Kakaunti lang ang mga impormasyon tungkol sa mga Cipher Spells. Tho, we should already expect that." Panimula ko. Bumungad sa amin ang unang pahina na hindi lalagpas sa apat na paragraphs ang nakasulat. Tanging ito lamang ang impormasyon na meron ang librong ito tungkol sa Cipher Spells. Ang tanging alam lamang ng mga tao ay si Astria ang gumawa ng Cipher Spells. Ito ang mga klase ng spells na tanging sa Grimoire niya lamang makikita. Mga nakakataas lamang ang nakakita ng mga pahina ng libro pero hindi lahat ng nakasulat dito. Kabilang sa Grimoire ni Astria ang mga kaalaman niya sa mahika at sa mga nilalang na kasama namin. She's the child who was born loved by magic. And every creatures are a fond of her. Ang mga kayang makagamit ng spells ni Astria ay ang mga witches na may talento talaga pagdating sa mahika. Tulad ng mga Disciples na gumagamit din ng Cipher Spells. Hindi pa namin nakikita silang lahat. At hanggang ngayon ay wala na kaming balita sa kanila. "Do you think the other Disciples can help us?" Marahang tanong ni Lei. "Tungkol sa Cipher Spells. Sila lang ang alam natin na nakakagamit n'on maliban kay Xena." Dagdag niya. Kumunot ang noo ko. "Nasisiraan ka na ba? Wala tayong mapapala sa kanila. Mga sakim sila sa kapangyarihan." Giit ko. Hindi pa rin nawawala ang galit ko sa mga Disciples. Sila ang puno't dulo ng lahat ng ito. Si Aeros. Ang unang Disciple. Ang Cipher Spells ni Xena ay ginamit niya sa kasakiman. Binigyan niya pa ang mga kapwa niya na Disicples na nabulag na rin sa kapangyarihan. Hindi kami pwedeng humingi ng tulong sa kanila. Baka nga kapag nakakita ako ng isa sa kanila ay kung ano pa ang magawa ko. "Then what are we going to do Zairah? Hindi natin maibabalik si Xena sa basta-bastang spell lang." Sambit ni Lei. Nagbago ang ekspresyon niya. Hindi kaagad ako nakasagot at napayuko ako. Xena. Saan ka ba napunta? Paano ka namin maibabalik? "Hello?!" Rinig naming pagtawag ng isang pamilyar na boses sa labas ng silid. Kapwa kaming napatingin ni Lei sa pintuan na unti-unting bumukas. Sumalubong sa amin ang isang babaeng nakasalamin. Her long brown hair is in pigtails and she's a holding a dozen of books. "Tana!" Pagbati ko. Nakangiting sumalubong sa amin si Tana at ibinaba nito ang mga hawak niyang mga libro sa lamesa. "Napadalaw ka?" Marahang tanong ko. Nabigla ako sa pagsulpot niya bigla. Masiglang humarap sa akin si Tana. "I think I've found out to bring Xena back!" Masayang bigkas niya. Pareho niyang nakuha ang mga atensyon namin ni Lei at kapwa kaming natigilan. "Y-You what?" Hindi makapaniwalang sagot ng lalaking kasama ko. Tana's face softened. Kumurba ang labi nito sa isang ngiti at umiwas ng tingin sa amin. "W-Well. Ayoko ng nakikita kayong nagtatalo nina Raze. And I also think na ayaw rin n'on ni Xena." Sambit ni Tana. "This is the only thing that I can do. Pinangarap kong maging isang magaling na witch. At ipapakita ko kay Xena ang narating ko." Dagdag niya. Pareho niya kaming tinignan ni Lei. Her eyes are full of hope. "Let's bring Xena back!" •••
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD