VAMPIRE PROLOGUE
Bata pa lamang noong dalhin na ng isang matandang lalake ang isang bata sa isang napakadilim na sulok sa isang lugar. Planado at nakaayos na ang lahat. Ang mga bintana ay tinatakpan ng makakapal na tela upang hindi pasukan ng sinag ng araw ang nasabing lugar na ito. Maging ang mga bombilya namay malalakas na liwanag ay sinadyang alisin at hindi na palitan. Mga ilaw namay mababa at hindi masakit sa balat ang nakakabit sa lugar na iyon. Maayos na maayos naman ito dahil iyon din ang naipangako ng matandang lalake.
“Kailangan mo dumito, hindi ka nababagay sa labas. Maaaring kapahamakan lang ang dulot sa iyo. Masusunog ka sa liwanag ng araw at maraming tao ang katatakutan ka. Kaya mas maigi na lamang na dito ka. Huwag ka mag-alala ibibigay ko parin lahat ng pangangailangan mo at gagawin ko ang lahat ng kaya ko to support you no matter what happened and outcome of this.”
“Hindi po ba talaga ako puwede makihalubilo sa mga tao?” tanong ng bata at isang malaking iling ang pinakawalan ng matandang lalake.
“You can't do that. The last time they saw you they're almost want to kill you! Makinig ka sa akin. Para sa iyo itong desisyon ko!”
Nalungkot naman ang bata at tinitignan ang mala porselana na kutis sa katawan. Maaaring hindi nga siya normal na tao dahil kung normal siya ay hindi siya makakaramdam ng sunog sa araw.
Ito nalang talaga yata ang kahahantungan niya. Nagbago ang lahat sa isang iglap. Kapag pinagpumilit niya ang kagustuhan na mamuhay ng normal ay baka katapusan narin ng kanyang hininga. Para siyang isang nilalang na unti-unting maaagnas.
Sumapit ang kadiliman at bilog ang buwan. Ito lamang ang oras kung kailan siya nakakatanaw sa labas mula sa isang balkonahe sa napakataas na pasilidad. Nakakaakit ang liwanag ng sinag ng buwan at ang higit na mahalaga ay hindi nasusunog ang mga balat niya.
Sa paglipas ng maraming taon ay nagugol ang buhay ng bata na ngayon ay ganap ng binata sa ilang sulok ng lugar kung saan siya naroon. Marami naring nagbago sa lugar niya dahil sa pagiging binata pero ang tanging hindi lang nagbabago ay ang paghahangad.
Ang paghahangad na sana dumating ang araw na makalabas din siya. Ang paghahangad na sana ay makita niya at makahalubilo ang mga tao. Ang paghahangad na makaramdam ng pagtanggap sa mga ito.
Akala talaga niya dito nalang sa lugar na ito iikot ang mundo niya pero magbabago iyon noong tangkain niyang tumakas at makatagpo ang isang binata.
At nakakatuwa na ang binatang iyon ay naatasan pang pagsilbihan siya.
---
ANG WEIRD! Sobrang weird. At para akong napagtitripan. Pinagloloko! May camera ba sa paligid? Nasa isang show ba ako? Baka may mga nagtatago sa paligid para pasimpleng kumuha ng magiging reaksyon ko para pagtawanan. Ngunit malabo namang may mangti-trip sa akin dito? Talaga lang, huh?Trabaho ba talaga ang pinunta ko bilang crew, entertainer, o clown?
At the same time nakakaramdam din ako ng takot.
Malay ko ba?
Sh*t!
Iyan ang mga naramdaman ko matapos ko makapasok sa isang crew sa isang malapalasyong hotel para manilbihan o mag-serve sa mga tao dito na mayayaman.
Noong una maganda naman kasi amakin mo nga kahit na napakalaki ng hotel ay nakakapag-enjoy naman matuto lalo na magagamit daw namin ito sa ibat-ibang bansa kung sakali makapagbukas na sila ng franchise from different country.
Saka magandang bagay din namay mga nakakasalamuha ka na ibat-ibang mga tao dahil hindi basta-basta lang na tao ang mga narito sa high class hotel na ito. Mga kilalang multi-millionaire at billionaire.
Higit pa sa lahat ay mataas ang pasahod sa mga employee.
Okay lang naman kasi talaga ang lahat noong una pero magbabago iyon noong maatasan ako sa isang bagay bilang baguhan na tao dito.
Ang mag-serve sa isang mysteryosong guest namin.
Mysteryoso?
Oo may naririnig kasi ako na kakaiba daw itong pinagsisilbihan namin na ito. At hindi kami puwede tumanggi dahil sa lahat ng guest ay siya ang pinaka-mayaman. Parang naliligo sa gold bars sa madaling salita. Trillionaire.
Sa totoo lang wala pa ako dito at ilan pang matatagal na nandito tulad ng walong taon. Ay narito na daw ang guest na iyan. Iyon ang bulong-bulong sa akin ng mga kasama ko.
Sa sobrang pagka-mysteryoso din ay never pa nila ito nakita at sa tuwing magse-serve sa taong iyon ay nakikita nila na wala ito sa kuwarto nito na siyang bulong-bulongan din na baka halimaw ang guest namin.
Kaya naman sa tuwing magse-serve daw doon ang naatasan, ay hindi nagpapatagal sa floor at unit room na iyon. Kumakaripas sila ng takbo at walang sawang nagdadarasal hanggang sa makababa doon. Lagi din na may baong rosario na nabindisyunan na ng simbahan.
Maaari kasing ang guest namin sa itaas ay isang bloodsucker na HALIMAW.