CHAPTER 9

1475 Words
ADELINA'S POV: "Ang laki ng kwarto mo, best friend!" Hindi maka-move on na sabi ni Zarah, habang nakahiga na kami sa aking kama. King-sized ang sukat ng aking kama, kaya labis ang kanyang kasiyahan habang siya'y nagpapagulong-gulong dito. Ako naman ay nakangiti lang habang pinagmamasdan siya. "Sabihin mo nga sa akin kung anong ginagawa ni Sir Magnus dito? Nanliligaw ba siya sa'yo?" Kuryoso niyang tanong sa akin. Kumunot ang noo ko sa maintriga niyang tanong. "Uy, hindi ah! Siguro may business silang pinag-uusapan ni Papa. Grabe naman 'yang hinala mo!" "E kasi, iba din makatingin 'yang crush mo sa'yo!" "Talaga? Tell me more about it!" Biro ko, sabay flip ng aking hair. "Gaga! Ang landi!" Natatawang sabi ni Zarah na ikinatawa ko rin. "Hindi 'yun, may ginawa kasing kasalanan sa akin, kaya gano'n na lang siya," sabi ko. "Talaga? Ano namang ginawa niya?" Tumagilid siya at seryosong tumitig sa akin. "Nakapagkamalan niya ba namang sugar daddy ko si Papa! Nadatnan niya kasi kami na nakayakap ako kay Papa. Hindi kasi ako ipinakilala ni Papa sa kanya, kaya siguro gano'n ang naging tingin niya sa akin." Sabay buntong-hininga ko. SI Zarah naman ay humagalpak ng tawa. "Bakit kasi hindi ka nagpakilala o pinakilala ng Papa mo?" Natatawa niya pa ring sabi. "E, ayoko kasi. Mas gusto ko 'yung maging simple ang pakikitungo sa akin ng mga tao. Si Papa kasi, kilalang don. Kaya ayaw ko na kaya lang ako nirerespeto ng tao ay dahil sa pera ng aking ama." "Kahit sa'kin nilihim mo!" Nakanguso niyang sabi, na wari'y nagtatampo. "Sorry na, mahirap naman talaga kami ni Nanay, si Papa lang ang mayaman," Honest kong sabi. "Tara na nga matulog na tayo!" Sambit nito nang masilip ang orasan na malapit nang mag-alas dose. Ipinikit ko rin ang aking mga mata, saka tumagilid sa kabilang side. Pero hindi pa man tumatagal ay parang may kumakanta at hinehele ako no'n sa ganda ng kanyang boses. Hindi nga nagtagal ay nakatulog na ako ng mahimbing. Nagising na lamang ako nang may humihila sa aking kamay., kaya kahit antok pa ay dinampot ko ang aking salamin sa lamesita. Madilim pa ang paligid, dahil pupungas-pungas pa ako ay wala akong nagawa sa malakas niyang paghila sa aking kamay, hanggang sa makarating kami sa harap ng aking malaking closet. Lumapit ang babaeng nakaitim na may mahabang buhok at binuksan ang pinto niyon at hinawi sa gitna ang aking mga damit ng naka-hanger. "Kanina pa kita tinatawag, hindi mo man lang ako pinansin," sabi niya sa tinig na malamyos. Napakurap-kurap pa ako, at pilit na hinahalukay sa aking utak kung sino ang babaeng ito na humila sa akin. Hindi naman siya si Zarah, dahil mas matangkad ito. At nakadamit rin ito ng isang medieval dress, na may mahaba ang manggas at tila kay bigat ng damit na iyon. Ang kanyang kasuotan ay gawa sa makapal na tela, na may mga burdang ginto at pilak na kumikislap. Ang kanyang buhok naman ay mahaba at itim na itim, na tila ba sumasayaw sa bawat galaw ng hangin. Mabilis niyang kinuha ang aking kamay at inilapat niya iyon sa dingding ng aking closet. Sa isang iglap ay bumukas iyon, na parang may sariling buhay. na ikinalaki ng aking mga mata sa gulat. "Whoah! Anong meron d'yan?" Bulalas ko nang makitang tila may makipot na daan sa loob. "Subukan mong pumasok para malaman mo," sabi niya na ikinakunot ko ng noo. "Ayaw ko nga, nakakatakot kaya!" Sabi ko. "Hindi mo malalaman ang isang bagay, kung paiiralin mo ang takot." Matalinhaga niyang sabi. "Subukan mo, para iyong malaman," sambit niya. Nagpameywang ako sa harap niyon at nang muli kong lingunin ang babae ay wala na iyon sa aking likuran. Bigla ay lumamig ang ihip ng hangin na nagbigay sa akin ng kilabot. Sa takot ko ay napasigaw ako ng malakas. "Adelina!" Malakas na boses na na nagpabalik sa akin sa reyalidad. Tinapik-tapik niya pa ako sa aking braso nang makitang pipikit ako. "Ano ba?! Bakit d'yan ka natulog sa tabi ng closet? Ginulat mo ako, para akong aatakihin sa puso sa'yo!" Gigil niyang sabi sa akin sa malakas na boses, na ikinapagtaka ko. Ano daw? Natulog? Saan? Nang sipatin ko ang aking paligid ay nagtaka pa ako. Oo nga, narito ako na nakaupo't nakasandal sa aparador. "Hindi ko alam!" Naguguluhan kong sabi, bago tumayo at naglakad patungo sa aking kama at doon umupo. "Naglalakad ka ba ng tulog?" Taka niyang tanong. "Hindi, ngayon lang nangyari sa akin ang bagay na ito!" Sagot ko sa kanya, na nagtataka pa rin. Ipinilig ko ang aking ulo nang maalala ang babaeng humila sa akin patungo sa aking closet. Nangilabot ako nang maalala iyon, at agad akong napatingin sa aking closet. Dahil sa takot ay pilit kong iwinaksi iyon, saka mabilis na nagtungo sa aking banyo at nagshower. Kakanuod ko 'to ng kung ano-ano, kaya nagkakaroon ako ng mga panaginip na ganito. Nang matapos ay si Zarah naman ang naligo. Habang nagsusuklay ako sa aking tokador ay sinisilip ko ang aking malaking closet. Totoo kaya na may lagusan sa loob? Ano naman kaya ang makikita ko du'n? Baka naman may kayamanan sa loob no'n? Kaso baka may babaeng nagbabantay, napagod na sa kakabantay kaya ako naman ang ipapalit. Gano'ng-gano'n kasi ang napapakinggan kong mga kwento ng mga matatanda. Nang lumabas si Zarah ay nakabihis na agad ito, at lumapit sa akin saka inagaw ang hawak kong suklay. "Masisiraan ako ng bait sa'yo!" Gigil niyang sabi, na ikinatawa ko. "Sukat ba namang sumigaw! Akala ko kung anong nangyayari sa'yo! Hanggang ngayon ay ang bilis pa rin ng t***k ng puso ko, dahil sa'yong babae ka!" Sabay hawak niya sa dibdib niya, na animo nga'y aatakihin. "Halika na nga, para mawala 'yang sakit mo sa dibdib!" Natatawa ko pa ring sabi. Dinala ko siya sa harap ng aming pool, kung saan may pinaka da best na view at matatanaw ang malinaw na dagat sa 'di kalayuan, na alam kong ikakawala ng kanyang pagkakaba. At hindi nga ako nagkamali. Unang tapak pa lang palabas sa pintuan ay kitang-kita ko na ang paghanga sa mga mata niya. "Umm... ang bibig, isara! Baka makapasok ang langaw!" Biro ko pa, na ikinasumangot niya. Nang makita niya pa ang mga pagkain sa lamesa ay tila mas lalo itong namangha, na agad umupo sa isa sa mga upuan roon. "Hala, fiesta ba? Ba't ang daming pagkain?" Taka niyang tanong. "May bisita kasi kami ni Papa, kaya siguro maraming ipinaluto ang aking ama," sambit ko. Nakatayo ako sa may malapit sa pintuan nang lumabas si Sir Magnus, na napakagwapo sa kanyang simpleng puting sando at itim na shorts. Nanlaki ang aking mga mata sa pagkamangha sa laki ng kanyang biceps. Agad akong nakaramdam ng uhaw sa aking nasaksihan. Kaya naman, dali-dali akong nagtungo sa mesa at uminom ng tubig bago umupo sa tabi ni Zarah. "Good morning!" Nakangiti niyang bati sa akin. "Did You sleep well?" Tanong niya habang umuupo sa aking tabi. As he sat down beside me, his scent immediately enveloped me. Napakapresko ng kanyang amoy na tila nanuot sa aking ilong. Mild na mild lang ang amoy, ngunit nakakaakit naman iyon na para bang kay sarap siyang kagatin. "Sir, may kapatid ka bang lalaki? 'Yung mas bata sa iyo? Kung meron, akin na ang address niyo." Mabilisan niyang sabi kay Sir Magnus na ikinangiwi ko. Nawala tuloy ang pag-iimagine ko kay Sir. "Bakit mo hinihingi ang address?" Taka kong tanong. "Liligawan mo?" Nakataas kilay kong sabi. "Hindi, kikidnapin ko! Para mabilis!" Mabilis niyang sabi na ikinahagalpak ko ng tawa. May sira din 'to, e! "Yes, I have." Seryosong sagot ni Sir Magnus na ikinalingon ko sa kanya. "Talaga, gwapo rin Sir?" Tanong ni Zarah. Titig na titig si Sir sa akin na para bang inaabangan niya ang reaksyon ko sa magiging sagot niya, "Oo, pero mas gwapo ako!" sagot niya, na may kasamang mapang-asar na ngiti. Patuloy pa rin siya sa pagtitig sa akin, na parang sinusukat ang bawat reaksyon ko. Naramdaman ko ang init sa aking pisngi, at hindi ko maiwasang mapangiti. "Talaga lang, ha?" sagot ko, pilit na pinipigilan ang tawa. "Baka naman masyado kang bilib sa sarili mo, Sir." "Well, it's not bad to have confidence, right?" Yabang niyang sabi, na ikinataas ko ng kilay. "Hmm, baka nga," sabi ko, sabay irap na may halong biro. "Pero kailangan ko munang makita ang kapatid mo para makumpirma." "Ikaw lang? Ako kaya ang nagtatanong!" Singit ni Zarah na ikinatawa naming dalawa ni Sir Magnus. "Sige, sa'yo ko lang ipapakita," sagot ni Sir na inalmahan ko. "Ang daya, bakit sa kanya lang?" Reklamo ko, sabay hampas pa sa matigas niyang braso, "Bakit 'di ka ba kuntento sa akin?" Seryosong tanong niya na ikinatahimik ko. Ano daw? Nag-init ang aking mga pisngi sa sinabi niya, at parang may mga paro-parong nagsiliparan sa aking tyan sa sobrang kilig na aking naramdaman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD