CHAPTER8

1495 Words
ADELINA'S POV: Awts! Ang sakit, estudyante lang ako para sa kanya? Pero grabe naman papakin 'yung labi ko. Akala mo gutom na gutom. Bago kami makapunta sa bahay ng best friend ko ay biglang tumunog ang aking tiyan sa gutom. Nakagat ko ang aking labi at pasimpleng tumingin sa gawi niya. Ngumingiti na pala siya sa akin, na tila ba alam na niya ang iniisip ko. "Let's eat first!" sabi niya, sabay liko sa may mga kainan na aming nakita sa plaza. Nakahilera ang mga ito sa isang linya, puno ng iba't ibang uri ng street food. Pagkababa namin sa sasakyan niya ay rinig ko na agad ang masiglang ingay ng mga tao sa paligid, at amoy na amoy ko na ang samyo ng inihaw na isaw, kwek-kwek, at iba pang paborito kong pagkain. Hindi ko maiwasang mapangiti. "Street food lang ang mga 'yan! Sa hitsura mo, mukhang hindi ka naman nakain ng mga ganyan?" Hula kong tanong. "Of course not," sagot niya, "I love street food. It's the best way to experience the local culture." Nauna ako sa kanya nang may makitang nagtitinda ng siomai. Patakbo ko iyong pinuntahan . "Siomai po, Ate! Dalawang order," sabi ko habang nakangiti kay Sir Magnus na tumabi sa akin. Nakita ko ang kanyang mga mata na nagliliwanag sa tuwa habang pinagmamasdan ang mga pagkain sa paligid. Habang hinihintay namin ang siomai, napansin ko ang isang tindahan ng shawarma sa tabi. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at agad akong umorder ng dalawa. Hindi ko na siya tinanong kung gusto niya o hindi. Kung ayaw niya, e 'di kakainin ko na lang lahat, sabi ko sa sarili ko habang tumatawa ng pasimple. "Shawarma din?" tanong niya, tila ba nagugulat pero natutuwa rin. "Oo, favorite ko 'to," sagot ko, sabay abot ng isa sa kanya. "Thanks!" Tahimik kaming kumain sa gilid ng plaza, kung saan nakalagay ang mga batong lamesa para sa mga kumakain. Tuwing may dumadaan, nararamdaman ko ang mga mata ng mga tao na tila ba nagtataka kung sino kami, at panay ang tingin sa gawi namin. Tila napansin naman niya ang tinititigan ko kaya nagsalita siya. "I'm with a cute girl, kaya naman panay tingin nila sa gawi natin" bola niya, na inirapan ko lamang. "Baka sabihin mo may pangit kang kasama, kaya panay tingin sa gawi natin!" Pagtatama ko sa kanya. Totoo naman kasi halos lahat ng babae ay mapapatitig sa kanya, tapos tititig sa akin. "Maybe they think we're a couple?" he said, as he gently wiped the sauce from my lips with his thumb, causing my lips to move to the left side. "Hey, what are you doing?" I said with a laugh. "People might really think there's something going on between us." Natataranta kong sita sa kanya. "And what if they do?" he replied with a wink. "I enjoy being with you." Tss! Bolero! Bigla ay nag-init ang aking pisngi sa sinabi niya, naaalala ko na naman ang halik niya, at ang pagsipsip niya sa aking labi. Damn! Hindi na ata mawawala 'yun sa aking isip. Dahil sa mga naiisip ko ay napatayo ako bigla. "Tara na nga, baka naiinip na 'yung kaibigan ko." Nagmamadali kong sabi. Nagmamadali naman siyang inubos ang pagkain niya, saka mabilisang tinapon sa basurahan ang pinagkainan namin at sumunod sa akin patungong kotse niya. Natawa pa ako nang makitang puno pa ang bibig niya habang nakasunod sa akin. Ang unfair, gwapo pa rin niyang tingnan! Grabe! Ang ganda ng katawan niya, kitang-kita ang mga well-defined na muscles sa braso niya. He's wearing a white short-sleeved shirt, which complements his physique. Kahit na sobrang simple lang no'n ay nagmumukha siyang modelo. Kaya sinong babae ang hindi mapapalingon sa kanya? Nang makasakay kami ng kotse niya ay mabilis niyang pinaandar iyon, hanggang sa makarating kami kila Zarah na kanina pa namumuti ang mga mata sa kahihintay sa akin. "Dumating ka pa?! Baka gusto mong bagalan pa, ano nakipagdate? Bakit kasama mo si Sir Magnus?" tanong ni Zarah na may halong inis at pagtataka. "Naligaw sa bahay, namimigay ng ayuda! Char!" Sagot ko na may halong biro, sabay tawa. "Talaga lang ha? Mukhang may iba kang agenda," sabi ni Zarah habang nakataas ang kilay. Tumawa naman ako sa reaction niya. Mamaya kasi sampigahin niya ako pag nalaman niya ang totoo. "Basta, halika na nga, lumalalim na ang gabi." "Tita Lorna, aalis na po kami. Maraming salamat po," sabi ko habang niyayakap siya. "Naku, Adelina, walang anuman. Lagi kang welcome dito," sagot ni Tita Lorna na may ngiti. "Ingat kayo ha, lalo na't gabi na." "Opo, Tita. Salamat po ulit," sabi ko. Mabilis akong nagpaalam sa nanay ni Zarah at agad na kaming sumakay sa kotse ni Sir Magnus upang bumalik na sa bahay namin. Mabilis kaming nakarating sa bahay, at si Zarah ay parang namaligno habang bumababa sa kotse ni Sir Magnus. Halatang gulat na gulat siya sa laki ng lugar. "Nasaan tayo?" tanong niya, habang sinisipat ang kabuoan ng aming hacienda. Ang mga malalaking puno at malawak na damuhan ay tila ba nagbigay ng kakaibang ambiance sa gabi. "Kaninong mansion ito?" tanong pa niya, hindi pa rin makapaniwala sa kanyang nakikita. "Ah, sa amo ng papa ko," sabi ko sabay ngiwi, na ikinailing ni Sir Magnus. "You're really crazy!" natatawang sabi ni Sir Magnus. "Why don't you just tell the truth?" Napatawa ako. "Okay fine, bahay namin 'to. Surprise!" Nanlalaki ang mga mata ni Zarah sa aking sinabi, lumapit siya sa akin at pinaghahampas ako. "H'wag mo nga akong biruin ng ganyan! Seryoso kasi, kaninong bahay ito?" Gigil niyang tanong. "Sa amin nga kasi!" Natatawa kong sabi, si Sir Magnus ay natatawa na rin sa reaksyon ni Zarah. "Grabe, Adelina! Ang laki ng mansion niyo!" sabi ni Zarah na may halong paghanga at pagkabigla. "Parang mansion sa mga pelikula." "Welcome sa aming hacienda," sabi ko na may halong biro. "Pasok na tayo, para makita mo pa ang loob." Habang naglalakad kami papasok, naramdaman ko ang excitement ni Zarah. "Ang ganda ng lugar niyo, Adelina. Parang ang sarap tumira dito." "Salamat, Zarah. Sana magustuhan mo ang loob," sabi ko habang binubuksan ang pinto. Pagpasok namin, agad na bumungad ang malawak na sala na puno ng mga antigong kasangkapan at mga painting sa dingding. "Wow, parang museum!" sabi ni Zarah na hindi pa rin makapaniwala. Bigla niya akong tinapik sa braso. "Bakit hindi mo sinabi agad?!" tanong niya na may halong tawa at inis. "Surprise nga, di ba?" sabi ko habang tumatawa. "Ang galing mo talaga, ang sarap mo tirisin!" sabi ni Zarah habang nakasingkit ang mga mata. "Pero seryoso, ang ganda ng bahay niyo." "Salamat, Zarah. Halika, ipapakita ko pa sa'yo ang iba pang parte ng bahay." Si Sir Magnus naman ay tahimik lamang na nakasunod sa amin, na animo'y isang gwardya. Parang tinotoo niya ata ang pagbantay niya sa amin. Nasa hallway na kami patungo sa taas nang sumalubong sa amin si Papa. "O, Iha? Ayan na ba ang kaibigan mo? "Opo, Pa. Si Zarah po, Zarah si Papa Alejandro," pakilala ko naman sa tatay ko. "Wow, ang yaman-yaman niyo pala talaga!" "Hindi naman," nahihiya kong sabi. "Nakakabilib ka, friendship! Ang simple-simple mo, hindi kita nakikitaan ng kayabangan, tapos ganito pala kayo kayaman!" sabi ni Zarah sabay yakap sa akin, na animo'y batang paslit na tuwang-tuwa. "Yeah, I agree with you. She's simple and her heart is pure," sabi ni Sir Magnus na para bang nag-twinkle pa ang mga mata habang sinasabi iyon. Napatingin si Zarah sa akin at tinusok ang tagiliran ko. "Palhak ka! Mukhang may something si Sir sa'yo!" kinikilig niyang bulong sa akin, na ikinailing ko. "Grabe ka, Zarah! Wala 'yan," sabi ko habang natatawa. "Sadyang mabait lang talaga si Sir Magnus." "Oo nga, mabait nga," sabi ni Zarah na may halong biro. "Pero parang may spark, ha!" "Hay naku, Zarah," sabi ko habang umiiling. "Huwag mo nang lagyan ng kulay." bulong ko pa, para hindi na ulit ako umaasa. Sakit kaya 'no! Si Sir Magnus ay nakatitig lang sa amin habang nagbubulungan kami ni Zarah. Minsan ay napapataas pa siya ng kilay, halatang curious sa pinag-uusapan namin. "Adelina, what are you two whispering about?" he asked with a playful smile. "Secret, Sir!" sagot ni Zarah na may halong tawa. "Basta, may nalaman lang akong kapansin-pansin." Sabay takip ng bibig niya na wari ba'y kinikilig. "Oh, really?" Sir Magnus said, raising his eyebrow again. "Seems like you two are hiding something." "Sir, wala po!" sabi ko habang natatawa. "Si Zarah lang talaga, mahilig mag-imagine." "Oo nga, Sir. Pero minsan, tama ang hinala ko," sabi ni Zarah, sabay kindat sa akin na inambahan ko ng suntok. Napailing na lamang si Sir Magnus at ngumiti. "Sige, mag-enjoy kayo sa mga sikreto ninyo. Aalis na ako," paalam niya at lumapit kay Papa nang tawagin siya. Kami naman ni Zarah ay nagpatuloy na sa aking silid. At least, 'di ba? Kung may magpakita mang multo sa akin, may kasama na ako. May karamay na ako, dalawa na kaming tatakbo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD