CHAPTER 7

1253 Words
ADELINA'S POV: Can I just slap him? Nakakainis na kasi, kung hindi ko lang siya propesor ay baka kanina ko pa nagawa iyon sa kanya. "P'wede bang bitiwan mo ako!" Gigil kong sabi sa kanya. "At wala kang pakialam kung maglakad man ako dito ng nakahubad o kung sino man ang akitin ko!" Gigil kong sigaw sa mukha niya, na halos ikasabog na ng aking dibdib. "Ah, gano'n ha!" Gigil rin niyang sagot. Hinawakan niya ang aking mukha ng dalawang kamay niya, saka idiniin ang kanyang katawan sa akin, at siniil ako ng mariin at mapagparusang halik. Kasabay no'n ang pagkapa niya sa aking likuran, na nagdulot ng pagtaas ng aking tuwalya. Ramdam ko ang mga kamay niya na nakahawak sa aking pwetan, at hindi ko napigilang mag-init ang aking mga pisngi. "Open your fùcking mouth!" Mariin niyang utos, but I ignored him. Takot na tuluyan akong magpaubaya sa kanya. "What the hell is happening here?" Tanong ni Papa, gulat na kumalas si Sir Magnus sa akin, ngunit napatitig pa siya sa aking dibdib at itinaas ang towel sa aking dibdib bago ako tuluyang pakawalan. Nang makawala ako sa kanya ay nataranta akong tumakbo sa likod ni Papa, na matalim ang tingin kay Sir Magnus. "Are you trying to seduce my daughter?" Galit na galit na sabi ni Papa. "What? Come again? Your what?" Tila naguguluhan niyang tanong. "You are hugging my one and only daughter!" Muling sabi ni Papa na ikinangiwi ko. "Bakit ka nga ba nakaganyan, Iha? Anong problema?" Baling niya sa akin. "Nakatulog po kasi ako sa bathtub ko, nagising ako nang may tumatawag sa akin. Kaso 'yung tumatawag ay nanggagaling sa aking closet, sa takot ko ay napatakbo ako hanggang sa nakabangga ko si Sir." Mahaba kong paliwanag. Napalunok naman si Sir Magnus sa nalaman at tila namutla pa itong tulalang nakatitig sa amin ni Papa. "I thought she is..." hindi niya naituloy sabihin, tapos ay tumingin sa akin ng malamlam. "I'm sorry, Adelina!" His eyes darted around, filled with worry and perhaps fear. His hands trembled slightly, and his voice was laden with emotion. "Sandali lang at titingnan ko ang iyong silid para masiguradong walang ibang taong nakapasok." Pagkasabi nito, naglakad na siya patungo sa aking silid. Sumunod din si Sir Magnus kay Papa, kaya nagpasya akong sumama na rin. Habang papalapit kami sa aking silid ay naramdaman ko ang kaba sa aking dibdib ay lalong lumalakas. Nang makarating kami sa pintuan, dahan-dahang binuksan ni Papa ang pinto at sinilip ang loob. Si Sir Magnus ay nasa likuran niya, lumilinga-linga sa paligid. Pagpasok namin, agad kong napansin na tila walang nagbago sa aking silid. Ngunit ang pakiramdam ng takot ay hindi pa rin nawawala. Si Papa ay maingat na naglakad sa paligid, sinisilip ang bawat sulok at si Sir Magnus ay tahimik na nagmamasid, ang kanyang mga mata'y alerto sa anumang kakaibang bagay. "Adelina, mukhang wala namang ibang tao dito," sabi ni Papa, ngunit ang kanyang boses ay puno pa rin ng pag-aalala. "Siguro'y napagod ka lang at nagkaroon ng masamang panaginip." Tumango ako, ngunit hindi ko pa rin maiwasang magduda. "Baka nasa closet ko? Doon ko narinig ang boses ng isang babae," kinakabahan kong sabi. Lumapit si Sir Magnus roon, at ininspeksyon ang bawat sulok ng aking closet, ngunit kaagaran siyang umiling. "Walang tao rito," aniya, bago tumingin sa akin. "Magbihis ka na, Iha," sabi ni Papa. "Lalabas na kami ni Magnus," paalam niya kaya tumayo ako at napalunok ng bahagya. Medyo kinakabahan ako, paano kung multo iyon? Pero sa tinagal-tagal ko na dito ay ngayon lang ito nangyari, ngayong desi-otso ako. Sa kabila ng aking kaba, agad kong tinawagan ang numero ng aking matalik na kaibigang si Zarah. Marahil ay maaari niya akong samahan dito, habang ako'y naririto. Me: Asan ka? Zarah: Bahay, bakit? Me: Sunduin kita, at dito ka na matulog sa bahay ni Papa. Sa Lunes, diretso na tayo sa unibersidad, kaya magdala ka na ng mga damit mo. Zarah: What? Bakit hindi ko alam na nakakasama mo ang Papa mo? Me: Ha, a... kasi... nahihiya talaga ako sa mga tao. Zarah: Bakit, pangit ba tatay mo? Me: Oo, tsaka pangit ang bahay namin. Tagpi-tagpi lang, kaya sana kahit gano'n ay magpunta ka. Zarah: Asus! Kahit sa kweba ka pa nakatira! Sasamahan kita! Me: Ok, wait mo ko d'yan. Mabilis kong binaba ang aking cellphone at nagmadaling nagbihis. Pinili ko ang isang fitted na blouse at maiksing shorts, na sa tingin ko'y magbibigay sa akin ng kumpiyansa. Nang matapos, agad akong nagsuklay ng buhok at nagsalamin, tinitiyak na maayos ang aking itsura. Nagmamadali akong lumabas ng aking silid. Pagbukas ko ng pinto, bumungad sa akin si Sir Magnus na tila naghihintay sa akin. "Are you going out?" Taka niyang tanong nang makitang nakasuot ako ng sneakers. "Yeah, susunduin ko lang ang friend ko," sagot ko agad, tapos ay bumaba na, habang siya ay nakasunod lamang sa akin. "P'wede akong maging driver mo. So, I can make up to you!" Wika niya na ikinataas ko ng kilay, saka mabilisang pumayag. "Sige!" I said, a bit too eagerly. As we walked towards the car, I could feel his presence beside me, a mix of comfort and awkwardness. Binuksan niya ang pinto ng kotse para sa akin, at umupo ako sa passenger seat, medyo kinakabahan. He got into the driver's seat and started the engine, the car humming to life. "I'm sorry sa inasal ko, natakot lang ako," sabi niya, ang kanyang boses ay puno ng pagsisisi at pag-aalala. "Natakot saan?" Tanong ko, ang aking boses ay puno ng pagtataka at pag-aalala rin. "Scared that you would do something bad. I can't let that happen!" Mariin niyang sabi, na ikinanguso ko at bahagyang kinilig sa sinabi niya. So, concern siya sa akin kaya gano'n na lang siya kagalit? Akala niya ay gagamitin ko ang aking katawan para lamang sa pera? Grabe naman siya, ang pangit ko na nga, gano'n pa ba gagawin ko sa aking katawan! Ano ako bale? Nang maalala na hinalikan niya ako kanina ay biglang nag-init ang aking mga pisngi. Ano naman kaya ang ibig sabihin ng paghalik niya sa akin? Dala lang ba iyon ng galit o gusto niya din akong maging costumer? Kung siguro naging romantic ang tagpo kanina ay baka bumigay agad ako sa kanya. Shocks! Ang sarap niya humalik, kahit hindi pa ako marunong no'n. Sa hindi sinasadya ay bigla akong napangiti, na nakita niya pala kaya agad tumaas ang kilay niya at nagtanong, "Bakit ka nakangiti?" Nagulat ako sa kanyang tanong at agad na sumagot, "Wala lang, naisip ko lang na ang bait mo pala." Bahagyang ngumiti si Sir Magnus, ngunit may halong pag-aalala pa rin sa kanyang mga mata. "Gusto ko lang siguraduhin na ligtas ka, Adelina. Importante ka sa akin." Naramdaman ko ang init sa aking pisngi at ang mabilis na t***k ng aking puso. "Salamat, Sir Magnus. I appreciate it," sabi ko, habang pilit na pinipigilan ang kilig na nararamdaman ko. "Estudyante kita, kaya ayaw kitang mapahamak," wika niya, ang kanyang boses ay puno ng sinseridad at pag-aalala. Ang mga salitang iyon ay tila isang malamig na hangin na dumampi sa aking puso, na nagdulot ng lungkot sa aking damdamin. Naramdaman ko ang sakit sa aking puso at ang pagluha ng aking mga mata, kaya mabilis akong tumagilid. "Alam ko, Sir Magnus," sagot ko, pilit na pinipigilan ang panginginig ng aking boses. "Tss! Bwiset na 'yan! Nanghahalik, tapos estudyante lang. Damn! And it was my first kiss! Ang bagal naman ng takbo ng kotseng 'to, nakakainis!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD