CHAPTER 6

1204 Words
ADELINA'S POV: Sa sobrang pag-iisip, nagdesisyon akong magpahinga muna sa swimming pool para humupa ang tensyon. Ramdam kong sumisikip ang dibdib ko, kaya naman nagbihis ako agad ng one piece bathing suit sa aking kwarto at pinatungan lang iyon ng malaking pink na shirt. Kampante ako na walang ibang lalaki ang makakakita sa akin, dahil wala naman na sila Papa. Ang mga tauhan naman ni Papa ay bihira lang dumaan dito, maliban na lang sa mga bodyguard na nagroronda. Dere-deretso akong nagtungo sa lamesita sa tabi ng lounger chair at inilapag lamang ang aking salamin saka naghubad ng aking shirt, tanging natira na lamang ay ang aking pink na bathing suit. Agad akong nag-dive at lumangoy ng papunta't-pabalik. Nang hindi pa makuntento ay nagtungo ako sa diving board. I stand on the diving board, jump, and perform two twists before entering the pool with precision and control, just like Daphne Wils. Muli kong sinubukang mag-dive, hanggang sa sumisid na lang ako patungo sa hagdan. Hindi pa man ako nakakarating, natanaw ko na ang isang tao na mabilis na papalapit. Sa kaba at taranta, sinubukan kong umahon, ngunit bago pa man ako makalabas sa tubig ay naramdaman ko na ang kanyang kamay sa aking beywang. Para akong isang paslit na mabilis niyang itinaas mula sa tubig, at sa sandaling iyon ay parang may kuryenteng dumaloy mula sa kanyang kamay, na nagpabilis ng t***k ng aking puso. Ang bawat hibla ng aking katawan ay nagising sa kanyang paghawak, at ang kaba sa aking dibdib ay lalo pang tumindi nang masilayan kung sino ang pangahas na lalaking iyon. Sobrang lapit ng mukha niya sa akin na halos magkadikit na ang aming mga labi, na lalong ikinakabog ng aking dibdib, na wari bang tatalon na iyon sa sobrang lakas. "You scared the hell out of me! Why are you here!" Pagalit kong sigaw, sabay hampas sa dibdib niyang matipuno na hindi man lang natinag sa paghampas ko. Bagkus ay lalo pa niyang hinigpitan ang pagkahawak sa akin at halos yakapin na ako. "Because you're here and I decided to stay!" Mariin niyang sabi na ikinaawang ng aking bibig. What the hell? Bakit siya dito mananatili? "What are you, a bodyguard or something?" Mataray kong tanong, sabay inis na lumingon sa kaliwa. "What if I told you yes, and from now on, I'll be the one watching over you!" he said firmly, na ikinalingon ko. Ano? Seryoso ba siya? Bakit niya naman ako babantayan? Naloloko na ba siya? Ano ba kasing kailangan niya sa Papa ko? Imbes na kami ang nagba-bonding ni Papa ay narito pa itong hinayupak na ito. Kung dati ay natutuwa ako sa kanya, ngayon ay hindi na! "Hindi ko kailangan ng bantay at bitiwan mo nga ako!" Singhal ko, ngunit mariin niya lamang akong tinitigan at sa titig niyang iyon ay parang manghahalik kaya mailis akong napalunok. Nang bumaba ang tingin ko sa bibig niya ay para akong nauhaw, lalo na nang mas bumaba pa iyon, at napunta sa balikat niyang pulidong-pulido na animo'y naggi-gym hanggang sa makarating ang mga mata ko sa basang dibdib niya, na ikinapikit ko. Oh, God! Anong sabi ko kanina? Limot ko na agad. "You need me, I can see it in your eyes, you need me more than you need your boyfriend or should I say, your sugar daddy!" Mariin niyang sabi, while brushing his lips against mine. At pagkatapos no'n ay binitawan niya ako, saka mabilis na tumalikod at iniwan ako roon. I was almost as tall as he was, but I was only up to his ears. Kaya nang bitawan niya ako ay napaatras lamang ako. Ano daw? Gano'n na ba ako ka-transparent? Napaka-antipatiko naman ng hinayupak na ito. Ang yabang! Oo na, crush ko na siya, pero tama bang ganonin niya ako? Sugar daddy? Damn him! Parang sinasaksak ang puso ko sa bawat salita niya, at ang init ng dugo ko'y lalo pang tumataas. Hindi ko alam kung magagalit ako o matutunaw sa hiya! Mabilis kong tinungo ang hagdan at hinagilap ang aking maluwang na t-shirt. Kahit na basa ako ay sinuot ko na lamang ang aking shirt, saka ang aking salamin at patakbong pumasok sa loob ng aming bahay. Damn him! Hahayaan ko siyang gano'n ang tingin sa akin. Hinding-hindi ko sasabihin na anak ako ng taong inaakala niya ay sugar daddy ko. At hindi niya rin naman malalaman sa mga tao rito kung ano o sino ako. Dahil iyon ang mahigpit kong bilin sa tuwing may bibisita. Hindi naman sa ikinakahiya ko ang aking ama, isa kasi iyon sa aking paraan upang makilala ko ang tunay na pagkatao ng mga nakakasalamuha ko. Nagtungo ako sa kwarto ko at nagbabad sa aking bathtub. Sa sobrang inis ko ay nakinig na lang ako ng music sa aking headset, habang nakababad sa maligamgam na tubig ng aking bathtub. Hindi ko namalayan ang paglipas ng oras dahil sa malumanay na musika mula sa aking headset, hindi ko inaasahang makakatulog ako. Nagising na lamang ako nang may tumawag sa aking pangalan at saka ko lamang napagtanto na tumigil na ang musika sa aking headset. Tumindig ako at agad na nagbanlaw sa ilalim ng shower, pagkatapos ay hinatak ko ang takip sa paagusan ng aking bathtub. "Saglit lang!" Sigaw ko upang marinig ako. Nang muling may tumawag ay napatigil ako sa pagshower, at kaagad bumaba ng bathtub, kahit tumutulo pa ang tubig mula sa aking buhok at katawan. Dahan-dahan akong naglakad palabas ng banyo, sinisikap alamin kung sino ang tumatawag mula sa labas ng pinto ng aking silid. Nang walang sumagot, ako'y malalim na napabuntong-hininga at marahang inilibot ang aking tingin sa loob ng silid. Nang may muling tumawag at tila nanggagaling ang malumanay na boses mula sa aking closet ay dahan-dahan akong napaatras. Sa kaba at takot ko ay mabilis kong hinagilap ang aking tuwalya at walang punas-punas na itinakip iyon sa aking katawan. Hindi na ako nagdalawang-isip at nagtatakbong lumabas, ang puso ko'y kumakabog sa kaba at ang bawat hakbang ay parang may humahabol sa akin. Sa aking takot ay napasigaw ako ng malakas, habang nakapikit na tumatakbo. Sa aking pagmamadali ay nabangga ako sa matipunong dibdib at ang mga kamay niyon ay awtomatikong umikot sa aking beywang, kaya mabilis akong napamulat. Awang ang aking labi nang magtama ang aming mga mata ni Sir Magnus. Kita ko ang pagkamangha sa kanyang mga mata, ngunit sandali lamang iyon dahil napalitan agad iyon ng matalim na pagkakatitig sa akin. Ang kanyang mga mata ay tila nag-aapoy, at naramdaman ko ang init ng kanyang titig na parang dumadaloy sa aking kalamnan. Hindi ko maiwasang mapalunok at mag-init ang aking mga pisngi, lalo na nang mapagtantong tela lamang ang tumatakip sa aking hubad na katawan. Mabilis kong itinuon sa dibdib niya ang dalawa kong mga kamay upang bitawan niya ako, ngunit mas lalo lang niya akong idiniin sa kanyang katawan kaya mas lalo akong napasubsob sa matigas niyang dibdib. "Don't pretend like you were some scared cat and run around in that tiny towel!" Sa sobrang lapit ng bibig niya sa aking bibig ay halos tumatama na ang labi niya sa aking labi, at nalalanghap ko na rin ang mabango niyang hininga. "Who are you trying to seduce, huh?" he asked angrily.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD